( Chapter 74 - Ang pagpapabura ni Kinn sa mga kuha ng CCTV sa mall) Kinn's POV Pag-uwi ko ay nadatnan kong nagdidilig ng mga succulent plants si mama. Inabot ko sa kanya ang invitation na binigay ni Tamara. "Birthday raw po ng mama ni Tamara. Invited po tayo," sabi ko sa kanya kaya nagulat pa siya. Dali-dali tuloy niyang binaba ang pandilig niya at saka binuksan ang invitation. "Ngayong araw ba agad? Naku, wala pa akong regalo. Ipag-drive mo ako saglit sa mall. Kailangan ko siyang ibili ng gift. Nakakahiya naman. Tamang-tama, doon na rin ako magpapaayos.... saglit lang at ako muna'y maliligo," sabi niya at saka ito tumakbo papunta sa kuwarto niya. Kapag talaga event ang pupuntahan, maligalig siya. Alam kong hindi magpapatalo si mama sa pasosyalan mamaya. Habang gumagayak siya ay pinunt

