( Chapter 75 - Ang dalawang malditang pinsan ni Tamara ) Tamara's POV Pagkatapos akong ayusan ng makeup artist ko ay nagpasama ako kay Manang Bekbek na magsuot ng cocktail gown ko sa loob ng kuwarto ko. Hindi ko kasi kayang isuot iyon ng ako lang. Hindi naman ako puwedeng magpasama sa makeup artist ko at lalaki ang itsura nito, pero mukha naman siyang bakla dahil magaling siyang mag-makeup. Bet na bet ko nga ang ayos niya sa akin e. Light lang dahil maliwanag pa ngayon. Mamaya pa niya ako lalagyan ng matitingkad na makeup kapag pagabi na. Maghapon naman siya rito dahil aayusan din niya ang mga pinsan ko na pauwi na rin ngayon. "Tapos na," sabi ni Manang Bekbek. "Salamat po," sabi ko kaya lumabas na siya sa kuwarto ko. Dahil maaga pa ay nag-stay muna ako sa kuwarto ko. Naupo muna ako

