( Chapter 76 - Ang pagkatakot ni Lazana kay Tamara ) Tamara's POV "Palakpakan natin si Miss Tamara, kasama ang dalawa nitong pinsan na sina Miss Lazana at Miss Rowena," announce na ng emcee kaya ginandahan ko ang ngiti ko. Kumapit namang mabuti sa sa braso ko ang dalawang kong pinsan. Ramdam ko pa na para bang hinihigpitan nila ang hawak sa akin. Sinasadya nilang matusok ng mga kuko nila ang balat ko kaya imbis na mapaganda ko ang ngiti ko ay napapakunot tuloy ang noo ko. Sinalubong kami ng malakas na palakpakan ng mga bisita ni mama. Sa red carpet kami naglalakad papunta sa stage na ginawa para sa uupuan ni mama mamaya. Naroon na rin pala sina Tita Mercy at Tita Malou. Pag-akyat namin nila Lazana at Rowena sa stage ay dali-dali silang lumapit sa mga magulang nila. Tila may binubulong

