( Chapter 72 - Kaya ba ni Tito Frankie? ) Tamara's POV Maaga akong gumising para ibili ng gift si mama. Nakalimutan ko kasi na ngayon pala ang kaarawan niya. Dati, kapag alam kong malapit na ang birthday niya ay maaga pa lang may regalo na ako sa kanya. Nitong mga nagdaang-araw kasi ay busy ako. Kaya naman maaga kong tinawagan sina Tito Frankie at Ashley para pumunta sa mall. Hindi ko na inistorbo si Scarlet at tiyak na lasing iyon kagabi dahil birthday party ng mama niya. Sayang nga at hindi ako nakasaglit. Sobrang busy ko kasi talaga. Pagbaba ko sa hagdan ay sinalubong ako ni Manang Bekbek na tila aligagang-aligaga. "Agahan ninyo po ang uwi at 10 am ay narito na ang makeup artist mo para ayusin ka," sabi niya sa akin. "Eh, nasaan po ba si mama?" tanong ko sa kanya. "Wala, nasa cond

