( Chapter 71 - Masama na kung masama...) Tamara's POV Pag-uwi ko sa bahay ay sinabi ko kay mama ang plano kong photoshoot sa pinuntahan naming resort. Ang gusto kasi niya ay pinapaalam ko muna sa kanya ang plano ko bago ko i-push. Alam kasi niyang baguhan pa lang ako. Natatakot siya na pumalpak ako. Ayaw pa naman niya na maging bali-balita ako sa internet na tatanga-tanga ako. Gusto niya ay una pa lang ay perfect na agad. Mabuti na lang at approve sa kanya ang mga plano ko. Ngayong umaga rin ay tinawagan ko sina Scarlet at Ashley para sabihin sa kanila kung ano ang mga dapat asikasuhin. Simula ngayong araw ay magagamit ko na sila. 7 am pa lang nga ng umaga ay narito na sila. Tuwang-tuwa ako dahil mukhang magiging seryoso sila sa binigay kong work sa kanila. Narito kami ngayon sa garden

