( Chapter 87 - Huli ) Kinn's POV Pagkatapos kong bagbukas ng fresh buko ang mga girls ay nagpasama naman ako sa dalawang mokong na sina Denver at Tommy na pumunta sa palengke para mamili ng aming mga pulutan. Naka-motor kaming tatlo. Ito iyong mga luma kong motor noon pa na hanggang ngayon ay okay pa. Lahat sila ay may lamang gas. Marahil ay gina-gas-an iyon ni Lolo Lucas para magamit niya at hindi masira. "Ayos pa lang mag-motor sa ganitong liblib ang daan," sabi ni Denver. "Kaya nga, hindi nakakatakot," sang-ayon sa kaniya ni Tommy. "By the way, salamat sa pagpunta. Gusto ko talagang mag-celebrate dahil nairaos ko na ang pagpapagawa ng Love Orphanage," sabi ko sa kanila. "Salamat din sa pag-invite, basta ako ay free naman anytime," sabi ni Tommy. "Ako, minsan hindi puwede,pero p

