( Chapter 86 - Ang muling paggala nila Tamara at Morado sa Ram Farm) Tamara's POV Pag-uwi namin ni Morado sa mansyon ay agad kong pinapunta rito si Ashley para kausapin. Sa lumipas na 20 minutes ay nakarating na agad siya rito. Pati siya ay napagbuntungan ko nang galit. Pinaliwanag naman sa aking mabuti ni Ashley ang dahilan kung bakit ganoong ang nangyari sa mall. Hindi nasabi sa akin ni Ashley na dalawang puwesto pala ang mayroon ang Galvez Clothing doon. Ang maliit pala na napuntahan namin na puwesto ay para sa mga children dahil ayon daw sa pag-uusap nila Ashley at mama ay magkakaroon din daw kami ng mga cloth na pambata. Nahiya na lang ako sa bandang huli kay Ashley. Agad ko siyang natarayan nang hindi muna inaalam ang totoo. Para makabawi ako ay sinama ko na lang si Ashley pumunt

