( Chapter 84 - Full moon ) Tamara's POV Nagising ako na nasa sasakyan na kami ni Morado. Nakita kong seryoso na nagmamaneho ng sasakyan si Morado. Hindi manlang siya nag-react na gising na ako. "Anong nangyari? Bakit narito na tayo sa sasakyan at tila pauwi na?" Tinignan niya ako at saka ngumiti ng matipid. Inalala ko naman ang nangyari. Nanlaki ang mata ko nang maalala ko ang dugo ko na naging ginto. Hindi ko alam kung totoo ba iyon o panaginip lang. "Nahimatay ka. Nang makita mo ang dugo mo kanina ay tila nahilo ka," sagot na niya kaya nagtaka ako. Hindi niya nasabi ang ginto kaya mukhang panaginip lang ang nakita ko kanina. Nakapagtataka, tandang-tanda ko kasi na nakita kong naging ginto ang dugo ko bago ako nahimatay kanina. "Iyon lang? Wala bang ibang nangyari?" tanong ko pa sa k

