( Chapter 66 - Ang perlas na pula ) Cyd's POV Nakahiga ngayon si Oliver sa kama ko. Tulog ito dahil pinaglinis ko siya ng buong condo ko. Hindi ko alam kung dapat ko pa ba iyong i-utos sa kanya? Nahiya ako bigla sa kanya. Baka isipin niya kasi na pinepeke ko lang ang pagkagusto sa kanya para utuin ko siya at para alilain lang dito. Sa totoo lang ay natatawa ako sa sarili ko. Hindi ko inaakalang balang-araw ay mai-in-love ako sa isang bakla. Hindi ko tuloy alam kung sumpa ba ito sa akin dahil sa ginawa kong panloloko kay Tamara. Ganoon pa man ay masaya akong kasama si Oliver. Iba ang nararamdaman kong kilig nang mahalin ko siya. Para bang hindi ko mas masayang ibigin ang bakla kaysa sa babae. Ang weird, pero iyon ang nararamdaman ko. Tumabi ako sa kaniya. Nahiga rin ako sa kama. Inilapi

