(Chapter 67 - Ano ba si Cyd? ) Kinn's POV Si Tamara ang kumuha ng room namin. Para siyang baliw dahil ang liit ng room nang kinuha niya. "Maganda naman hindi ba?" proud pa niyang tanong. "May bar, kusina, banyo at may malaking kama na sakto lang para sa ating dalawa," dagdag pa niya. "Sa lapag na lang ako, ikaw na lang sa kama," sabi ko at saka ako naupo sa sofa. Nilamig kasi ako bigla dahil basang-basa kami sa labas nang bumaba kami sa sasakyan kaina. "Ayos lang naman sa akin na magtabi tayo. Walang malisya iyon sa akin," sabi pa niya pero hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya. Basta, sa lapag na ako matutulog mamaya, tapos. Pumasok na lang ako sa banyo para maligo muna. Nagsa-shower na ako nang marinig kong tumawag siya sa receptionist. Narinig ko na um-order siya ng karne, p

