Kabanata 9. Think

2290 Words
Mabilis naming nahanap sina mommy dahil naroon pa rin naman sila sa department store. Naka tatlong cart na sila ng kung anu-anong damit at school supplies. Mukhang binudol na naman ng mga kapatid ko si mommy. May nakita akong mga stuff toys and clothes na wala naman sa napag-usapan. Minsan lang naman kasi kami mamili dahil laging busy si mommy. Si daddy naman ay hindi mo maisasama sa mall dahil pinanganak siyang kill joy at punong-puno ng kunsumisyon sa buhay. Awtomatiko ang direksyon ko sa nakaupong si Bituin. She was just sitting on the floor and sketching. Kapag ganoon ay alam kong pagod na siya. "Okay ka lang?" may pag-aalala kong tanong. Nang mag-angat ng tingin sa akin si Bituin ay nakangiti naman siya. Her eyes were sleepy at tama nga ako sa hinala dahil nasundan iyon ng hikab. "Okay lang ako, ate. Kanina pa ako nakaupo noong napagod ako tapos hinintay ko na lang sina mommy." Sus, daming excuse. "Sana nag-aya ka na sa kotse or sa restaurant. Pwede namang ipagpatuloy mamaya ang pamimili." Nilingon ko si Drei upang tanungin. "Okay lang ba na sa bahay na lang tayo kumain? Pagod na kasi ang kapatid ko. May sakit siya sa puso." "Sure, sure," mabilis naman itong tumango. Nagpasalamat ako at sinabihan na ang kapatid na tumayo na at ligpitin ang mga gamit niya. "Ate, okay lang naman ako. Gala pa tayo, please," ungot na naman ni Bituin. Pinandilatan ko siya ng mata bilang sagot. Napalabi siya at madaling nakuha sa tingin. "Mommy, tara na. Sa bahay na lang tayo kumain." Nasa counter naman na sila at nagbabayad. I guess the shopping spree was done. Sa susunod na araw na lang ako mamimili ng mga kailangan ko. At saka magandang dahilan iyon para maka-date muli si Drei. Mabilis na lang kaming nag-take out para kakain na lang pag-uwi. Dahil boyfriend ko si Drei ay sa kotse niya ako sumabay at kasama ko ang mga kapatid ko. Mommy and the driver were in our car kasama ng sangkaterbang pinamili nila. Takaw sa space iyong mga dura box kaya sa amin ko na pinasabay iyong mga kapatid ko. Dahil alanganin ang oras ay wala ng traffic. Madali kaming nakarating sa bahay. Naunang bumaba sina Bituin at Tala. Pilit silang nakikibuhat ngunit ang sabi ko ay pumasok na sila sa loob at magpahinga na. "Hey, relax. Bituin will be fine," si Drei na biglang nagsalita nang maibaba ang mga pinamili. Ganoon na yata ka-obvious ang pag-aalala ko. "S-Sorry. Kapag ganyan siyang tahimik ay alam kong masyado siyang napagod talaga. Would you mind if I check her again tapos magpapalit lang ako ng damit? Bababa rin ako agad." Nakakaunawa naman siyang tumango. Pagpasok ko sa kanilang silid ay nakakalat ang mga paper bags. "Tala, mamaya na 'yan. Magpahinga na muna kayo at maaga pa naman. You two should take a nap first or magmiryenda muna tayo? Gutom ba kayo?" "Parang napagod nga ako masyado, ate. Okay lang ba 'yun? Baka maghintay si Kuya Drei nang matagal. Nakakahiya naman," si Bituin na naghihikab na at nakayakap na sa unan. Dami pang dahilan kanina tapos ngayon hihikab hikab. Nakapagpalit na rin siya ng damit. "Don't mind him. Alam naman na niya 'yon. Pagpapahingahin ko rin muna siya sa guest room dahil pagod din iyon kagabi." Nagbihis muna ako bago muling bumaba. Isang maluwag na t-shirt at maong shorts ang sinuot ko. Gusto ko kasi cute pa rin ako sa paningin ni Drei kahit nakapambahay lang. Naabutan ko siyang tinitingnan iyong mga baby pictures namin. "Cute ko ba?" tanong ko na siyang nakapagpaangat ng tingin sa kanya. "Mukha kang siopao rito," sagot niya habang turo iyong picture ko na naka-all white ako mula head dress hanggang sandals. I was three years old there. "Cute kaya ang siopao. Anyway, gutom ka na ba? Pwede naman na tayong mauna magmiryenda. Nakatulog iyong dalawa dahil pagod. Gusto mo mag-nap ka rin muna? Mukha ka ring puyat, eh." "Yeah. I did..." he suddenly trailed off. Mataman siyang napatingin sa akin. Alam ko naman na ang ibig niyang sabihin. Na sabog na naman siya kagabi dahil obvious naman sa mga eye bags niyang mas matimbang pa sa pagmamahal ko. "Do you always do that? I mean..." Ginala niya ang mata sa paligid kaya napagaya na rin ako. "Nasa office si mommy. May biglaang meeting," sabi ko upang iparating na na nabasa ko ang ibig niyang sabihin. He heaved a deep sigh and said, "Sinag, I'm not a good man like what you were thinking. And to answer your question, yes, I always do that. Look at my eyes, it's always sleepy, I'm always hungry. Mary Jane is my best friend. And these? This is not me. You're making me the man that I am not. Hindi mo nga ako dapat pinapasok sa bahay mo in the first place." Mataman ko siyang tiningan. Maybe he was right. I know that but, my heart always says otherwise when it comes to him. I know that he was broken and pained, just like me. Iyon siguro iyong bagay na humahatak nang paulit-ulit pabalik sa kanya. Kahit na pilitin kong balewalain ang damdamin na namumuo sa dibdib ay hindi ko mapigilan. I'm not expecting anything, alright? Aware naman ako sa kagagahan na ginagawa ko sa pagbuntot-buntot ko sa kaniya. Kahit man lang sana maging kaibigan niya ay ayos na sa akin. I still like him being around despite his broken pieces. Maybe those shattered glasses might cut me but, I'll willingly put those tiny pieces of it even if it hurts if he just let me. "Iho, baka gusto mo munang magpahinga? You look sleepy," biglang salita ni mommy na kabababa lang ng hagdan. Tapos na yata ang kaniyang meeting. "Oo nga po, mommy. Puyat kasi siya dahil naglipat din siya ng gamit last night. Right, lovie?" Gusto kong mapahagikhik sa muling pagtitig niya nang malalim. "Kaya pala naman, eh. Maaga pa naman para sa dinner. Pero kung gusto niyong mag-miryenda ay mauna na kayo, ha? May tatapusin lang akong paper works. Samahan mo siya sa guest room, anak." "My, pwedeng sa kwarto ko na lang?" nanunukat kong tanong. "Sinag!" may pagbabanta niyang sambit sa pangalan ko. "Char lang, my. Sige na, akyat ka na." "Feel at home, iho. Take a nap first." "T-Thank you po." Iyon lang at nawala na si mommy sa aking paningin. Gigil na naman akong tiningnan ni Drake. Pero wala na siyang magagawa pa dahil nasa loob na siya ng pamamahay namin. Mommy ko lang pala ang makakapagpapayag sa kaniya sa mga bagay-bagay na labag sa kaniya. "Tara na, kain muna tayo. Alam kong gutom ka na." "Tss. Bakit ganyan ka kakulit? Ilang beses ka ba pinanganak?" And that's what we did. Kumain kami at doon ko lang na-realize na gutom din pala ako. True to his words ay malakas nga siyang kumain dahil nga sa epekto ng m*******a. Hindi ko na siya inasar pa at pinaghain na lang ng kanin at ulam. May tira pa naman sina Manang Ising. Malugod naman niya iyong tinanggap at nasimot lahat. Pinagtimpla ko siya ng decaffeinated coffee after dahil baka bangungutin siya sa sobrang kabusugan. After that ay hinatid ko na siya sa guest room. Hinayaan ko siyang matulog doon habang ako naman ay binaling ang atensyon sa mga pinamili. Isa-isa ko iyong inayos. Bumalik na naman iyong isipin ko sa pag-iwan kay mommy. Parang bigla akong nakaramdam ng pagod kakaisip kung paano siyang makukumbinsi na lumipat kasama namin kaya humiga muna ako. What if I move out para mapilitan si mommy na umuwi roon because of Bituin's health? Kaso, si daddy naman ang makakalaban ko kapag nagkataon. Sasabihin noon nagyayabang ako at bubukod na ako. Hanggang sa nilamon na lang ako ng antok sa pag-iisip ng solusyon sa problema ko. Nagising ako nang may kung anong yumuyugyog sa akin. Napangiti ako nang mamulatan kong si Drei iyon. Mukhang kagigising niya lang din dahil gulo-gulo pa iyong buhok niya at antok pa ang mga mata. Unti-unting tumulis ang nguso ko, hinila ko siya upang mahalikan sa labi dahil akala ko ay nananaginip lang ako. "Omg!" Tili ng mga pambabaeng boses na nakapagpagising sa akin nang tuluyan. Nakaharang iyong kamay ni Drei sa kaniyang labi. My grip was tight kaya hindi niya napigilan ang ginawa ko. Iyong likod ng kamay niya tuloy ang nahalikan ko imbis na iyong mga labi niya. "Hala si Ate Sinag, ang wild. Spg mo, 'te," naeeskandalong turan ni Bituin. "Alam niyo, malapit na, eh. Konti na lang. Istorbo talaga kayo. Lumayas nga kayo rito!" Nag-unahan iyong dalawa tumalilis palabas. "At ikaw naman?" Inis kong hinarap si Drei. "Bakit ka naman umilag? Pangit ba 'ko? Kapa..." "Ang baho kasi ng hininga mo," he cut me off. Napanguso ako bago siya irapan. "Tumayo ka na nga riyan, maghahapunan na." "Alam mo pabitin ka ng kilig, eh." walang salita siyang tumalikod at naglakad palabas kahit na nagsasalita pa ako. "Saglit lang hintayin mo'ko. Dapat sweet tayo. Huy!" Lakad takbo tuloy iyong ginawa ko kahit inaantok pa. Napaka killjoy talaga. Pagbaba namin ay nakahain na ang mesa. Dahil off ang mga kasambahay ay nag-order na lang ulit si mommy. Mukhang kakabangon niya rin lang dahil hihikab-hikab pa. Nakatulog din siguro dahil sa pagod tapos may biglaang trabaho pa siya pagkauwi. Marami akong nalaman tungkol kay Drei. Namatay pala iyong mommy niya nang dahil sa cancer. Only child siya at hilig din niya ang pagluluto. Restaurant bar ang gusto niyang business kaya nagkakaintindihan sila ni mommy. My mother was a hotel and restaurant owner. Nag-umpisa siya sa maliit na catering and events hanggang sa yumabong na at nakapagpatayo ng sariling negosyo. Nakuntento na lang ako sa pakikinig dahil aliw na aliw ako habang nagku-kwento siya. Tila ba lumabas iyong totoong siya. I was too occupied with his stories. Ang dami niyang pangarap at negosyante rin siyang mag-isip. "Thank you for the dinner, Tita Althea. I really enjoyed your company." "I'm glad, Drei. Dalasan mo sana ang pagbisita mo. You can drop by at the hotel if you want." "Sure po. Paano, mauuna na po ako." After bidding goodbyes ay naglakad na kami palabas. "Close mo na si mommy, ah," sabi ko habang naglalakad kami papunta sa sasakyan niya. "You're mom is a good woman, cheerful and jolly." He smiled. "I remembered my mother on her." "I'm sorry about her," I sincerely told him. "It's fine. Tanggap ko na rin naman. Ang hindi ko lang matanggap ay iyong maagang napalitan ang lugar ni mommy sa puso ng daddy ko." "Mas maswerte ka pa rin dahil may pakialam sa'yo iyong tatay mo. 'Di gaya ng daddy ko, gago." "Bakit naman?" interesanteng niyang tanong. "Wala 'yun, tara na. Sabay na ako sa'yo palabas dahil may bibilhin din ako sa convenient store," pag-iiba ko sa usapan. Hindi pa ako handang buksan sa kaniya iyong parteng iyon ng buhay ko. Laking pasalamat ko nang naunawaan naman niya ako dahil hindi na siya nangtanong pang muli. "Ihahatid na rin kita pabalik. Malapit lang naman." "Uy, crush niya na ako. May pahatid nang nalalaman," tukso ko sa kaniya. "You wish. Dami mong satsat. Lumakad na nga tayo." Nailing na lang ako habang nakangiti bago sumakay ng kotse. Nafi-feel ko na talagang malapit na siyang tablan ng alindog ko. Biglang bumagal iyong takbo namin dahil may tatlong street lights na napundi kaya madilim iyong part ng mga bakanteng lote sa tatlong blocks. I told him to slow down dahil my humps doon. Ngunit imbis na humps ang ini-expect namin ay nakahandusay na lalaki ang naroon. Malaking bulas ito at punit-punit ang damit. Pinigilan ko si Drei ng akmang bababa siya. "Observe muna tayo. Mamaya modus 'yan." "Okay ka lang? Nakahiga siya sa daan, walang malay. Baka kailangan niya ng tulong." "Tumawag na lang tayo ng ambulansya...Hey! Wait!" Hindi ko na siya napigilan ng bigla siyang bumaba kaya sumunod na rin ako. Pero bago pa ako tuluyang makalapit sa kanila ay nakabangon na iyong lalaki at natutukan na ng patalim si Drei sa leeg. Shit. Ang kulit naman kasi, feeling superhero. Mariin akong napapikit, kinalma ang sarili. "Kuya, huwag naman po," pakiusap na sabi ko. "Wallet at cellphone ilabas mo!" Pasigaw na utos noong lalaki sa akin. Nilabas ko ang mga kailangan niya. Kaniya nang lahat at saksak niya sa baga niyang animal siya! Hindi madaling mag-init ang ulo ko sa ganoong sitwasyon because I was trained not to. Ngunit ngayon kitang-kita ko ang balisong na nakatutok kay Drei ay kakaibang galit ang naramdaman ko. Bakas ang takot sa mukha niya. Magkasing tangkad sila kaya kayang-kaya siya noong lalaki. Malaki rin ang katawan ng huli. Mukhang siga sa kanto na walang manners. "Ayan na po, kuya. Baka pwede mo nang pakawalan ang kasama ko?" nagtitimpi kong wika. Inutusan niya si Drei na damputin ang mga 'yon. Ginawa naman ng huli ngunit nakaumang pa rin ang patalim sa likod. Doon na ako kumilos nang tuluyan nang mayuko si Drei. I made my way through the bad guy by rolling onto Drei's back. Sakto ang kamay ko sa patalim kaya agad ko iyong nahawakan. Inikot ko siya hanggang sa mapunta siya pagitan ng aking mga hita. His arms went twisted at ang kutsilyo ay matagumpay kong naitapon sa malayo. "Gag0, sige gumalaw ka! Babaliin ko talaga 'yang leeg mo! Gigil kong sigaw sa kaniya. Ngunit hindi nagpatalo ang huli kaya napilitan akong sakalin siya hanggang sa matanggalan siya ng malay. Gulat na mukha ni Drei ang nakita ko nang mag-angat ako ng tingin. Hingal na hingal ako dahil malaking tao iyong lalaki. Ang baho pa ng kili-kili kaya nakaka-distract labanan. Sarap ipahigop sa vacuum. "P-Patay na?" takot niyang tanong. Napanguso ako nang makita siyang medyo nanginginig pa. Lakas ng loob nerbyusin samantalang wala naman siyang ginawa. Ang laki-laking tao, duwag. "Hindi pa. Gusto mo ba?" tanong ko pabalik. Paulit-ulit siyang umiling, natataranta. "N-No. Damn. You beat him all by yourself. What are you?" he asked in amazement. "I am not the girl who you think I am, Drei."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD