Kabanata 8: Proud

2113 Words
Biglang hinapit ng yakap ni mommy si Drei. Kulang na lang ay pupugin na niya ito ng halik sa mukha. Tila ba tumama sa lotto sa kaligayahang nakikita ko. "So, you're Drei Leviste, Hi!" galak na galak na sabi ni mommy. "It's nice to meet you. Finally. Akala ko tatandang dalaga itong panganay ko, eh," sabi ni mommy sabay lingon sa akin. Iyon kasi ang kinakatakot niya na mangyari. Iyong fact na baka matakot akong mag-asawa dahil sa trauma ng pagsasamahan nila ni daddy. Sabi ko kasi noon ay hinding-hindi ako mag-aasawa. Inihanda ko na nga ang sarili ko na aalagaan ko na lang siya at willing akong maging titang ina ng mga pamangkin ko. Ayaw niya raw na tumanda akong mag-isa at mamatay na lang ng walang sariling pamilya. Well, I am still afraid. Hindi niya basta maaalis iyon sa akin because I grew up witnessing how messed up their marriage was. Bata pa lang ako ay pinaramdam na sa akin ni Daddy na hindi niya ako mahal. At hindi naman porque may Drei eh feeling strong na ako at sure na sure na sa buhay na siya ang mapapangasawa ko. I'm still young and ready to explore. But, if God permits, eh, why not? Choosy pa ba siya? "Mommy," saway ko sa kaniya. "It's nice to meet you, too, po, Ma'am," magalang na usal ng boy friend ko. He looks so mabait and sweet. Parang hindi niya ako sinungitan ng thirty three times mula noong magkakilala kami. "Oh, just call me Tita Althea, and these are my kids Tala and Bituin." "Ay, nandito pala kami?" patuyang saad ni Bituin. "Hello po, Kuya Drei." "Hi," si Tala naman. Iyong dalawa kong kapatid ay galak na galak din. Nginitian naman sila pabalik ni Drei. Tulad ng inaasahan ay may maririnig akong side comment mula sa kapatid. Palihim akong siniksik ni Bituin upang bulungan. "Ate, 'di ba siya iyong nasa school? Ikaw, ha? Infairness ang gwapo sa malapit. Naku mag-ingat ka d'yan..." "Shhh," I shut her up. Alam ko na bashing na ang kasunod noon kaya kailangan na niyang tumahimik kung gusto niya pang maging maligaya ang araw niya. Dahil nakagawa na kami ng eksena ay gumilid kami sa bandang fitting room upang hindi sagabal sa daan. Nag-usap ng kaunti at pinagpaalam ako ni Drei na kung maari akong mahiram sandali nito at ipapakilala lang sa isang kaibigan na nasa ibaba. Ako na iyong nagdala ng kaniyang braso sa aking balikat para naman sweet kami. "Bagay na bagay kayo, Ate," sabi ni Tala, kinikilig pa. I gave her a winked and a thumbs up. Mukhang aprub na aprub si Drei kay Tala. "Syempre, si ate pa ba? Galing kong pumili no?" sabi ko sabay hilig ng ulo sa dibdib ng boyfriend ko. Feel na feel ko talaga at inabuso ko ang pagkakataon dahil sigurado pagkatapos nito ay susungitan na naman niya ako. Kitang-kita ko pinaghalong ngiwi ni Drei sa salamin kaya siniko ko siya na umayos siya. Huwag niya akong ipahiya sa pamilya ko ano. Ginusto niya ito, eh. "Ingatan mo 'yan, ah? Hihintayin na lang namin kayo rito. Mukhang matatagalan pa naman kami dahil bibili pa kami ng school supplies. Baka gusto mong sumama sa amin mag-dinner?," hopeful na tanong ni mommy. I looked up at him and wiggled my brows. "Hindi siya tatanggi, mom. 'Di ba, lovie?" Nakangiti man ay kitang-kita ko ang pag-igting ng kaniyang panga. Ano, ganun na lang 'yon? Basta niya akong gagawing jowa tapos hindi niya pauunlakan ang mommy ko? "O-Okay po, tita. Sure. Sandali lang naman po kami. They just want to meet her then babalik na rin po kami agad." Para akong tumama sa lotto ng marinig ang kaniyang pagpayag. "Great. Then, I'll see you two later." Ang sweet namin maglakad palabas ngunit nang tuluyan ng makalabas ng department store kulang na lang ay ingudngod niya ako sa sahig. "What's that?! He hissed at me. "Boy friend? Really?" "Chill ka lang boy friend. Hinila mo ako rito 'di ba? Ano, ipapahiya mo ako sa pamilya ko?" naghahamon kong ani. "Kailangan ko ba talagang sumama sa dinner?" yamot niyang wika. "Sungitan mo ako, itulak, I don't care but, don't break my mother's heart. Sasama ka sa amin mamayang dinner. Take it or no jowa." "Tss. Fine! Ngayon lang 'to, ah? Baka mawili ka. 'Di kita type," nakasimangot niyang anas. "Aray naman, walang preno? Anyway, d'yan naman nagsisimula ang lahat kaya chill lang ako. Ano? Tara na!" Excited na akong makilala si daddy. Sana lang mabait siya. Kung hindi naman ay okay kang din. Hindi naman siya iyong jojowain ko. He rolled his eyes at me at nauna nang maglakad. Ngunit hindi ako nagpatinag. I am the boss today. Siya ang humingi ng pabor so, he should follow me. Take it or no jowa talaga siya. Realizing that I am not with him while walking, tumigil siya sa paglakad. "Ano na naman?" Naiinis na naman siya. His crumpled face made him more beautiful. Imbis na mainis din ay lalo lang akong naaliw. Sinenyasan ko siyang lumapit, walang nagawa ang huli kundi ang sumunod. This day is really my lucky day. "Come on, Sinag. The time is running," sabi niya nang makalapit. "Akbayan mo ako." "What?!" "Girl friend 'di ba? Dapat sweet. Come on. Practice na tayo. Let's make your daddy proud!" At ako na naman ang nagwagi. Sa bigat ng pagkaka-akbay niya sa akin ay parang gusto ko nang bawiin ang pagiging sweet niya. Ngunit tiniis ko iyon alang-alang sa pagmamahal ko sa kaniya. As expected ay sa isang fine dining restaurant naroon ang mga taong sadya namin. Sa malayo pa lang ay halata mo ng may masasabi sa buhay. They look professional and intimidating. Dahil alam ko na ang back ground ng family niya ay hindi na ako nagtaka na makita roon si Sheila Leviste. She spits elegance and authority while his father look so serious and strict. Sa harap nila ay isang businessman din at katabi nito ang siguradong anak nito dahil magkahawig sila. She seems familiar to me. "Ladies and gents, I want you to meet my girl friend - Sinag," putol ni Drei sa pag-uusap ng lahat. Wala man lang sign na magsasalita o kung ano. Gulat tuloy na napalingon sa amin ang lahat. "You're late, Drei. And where did you pick that girl up? May negosyo ba sila? What's her surname?" Aba't bwakanang b***h na ito! "You demand respect from me but, you can't respect my girl? You're hurting my feelings step-mother," patuyang saad ni Drei. Lalo niya pa akong hinapit at binigyan pa ng halik sa sentido. Kung naiba lang ang pagkakataon ay kikiligin ako pero pinag-iinit talaga ng ulo ko itong si Shiela. "David, pagsabihan mo 'yang anak mo." "Sit down, Drei. We will talk, mahiya ka naman sa mga bisita," seryosong ani ng ama. Kiming ngumiti iyong babae nang mabanggit sila ng daddy ni Drei. At nang dumapo ang tingin nito sa akin ay inirapan ako nang matindi kaya ganoon din ang ginawa ko. Anong akala niya sa akin? Loser? "I'm afraid that we can't, my girlfriend and I will have a date. So if you'll excuse us." "Yes, Ma'am and Sir we better go. But, before we leave. I want you guys know that I am a descent woman. My father is a policeman and my mother is a business owner. They made sure that my future was settled as of now kahit na mawala sila. Hindi po ako kung saan lang na-pick-up ng anak ninyo. I don't have lots of money or businesses like you pero masaya naman po ako." I then averted my gaze on Shiela Leviste. "I love your son and will not make him my sugar daddy. I'm beautiful, no wrinkles, not stress of losing money." Nanlaki ang mga mata ng madrasta ni Drei sa mga sinabi ko. "I'm happy and my future was planned along with our small business. Kaya ko pong buhayin ang anak niyo. Ciao!" mahabang litanya ko bago tumalikod at lumabas ng restaurant. Malakas kong hinampas si Drei nang medyo makalayo sa restaurant. Napa-aray siya sabay himas sa braso. "Damn, it hurts. Bakit?" nakangiwi niyang tanong. "Ang bigat pala ng kamay mo." "Wala ka man lang briefing na makikipagbardagulan pala tayo?!" inis kong reklamo. "At saka uso pa ba 'yang arranged marriage na 'yan? Diyos ko, sorry, ah. Ang matapobre niyang madrasta mo. Mukha naman siyang gold digging bwakanang master harlot with phd!" "I know." He chuckled. "That's why I hate her guts. And the money that she's enjoying right now was my mother's. Galit na galit din lagi siya sa akin." "Ano? Patumba na natin? Kayang-kaya ko 'yan." Isang sinserong ngiti ang lumabas mula sa kaniyang mga labi. "You did great, Sinag. Thank you." "Ay hindi. Walang thank you-thank you. Iyong dinner mamaya, ha. Ini-expect ka ni mommy." "No problem." Tumango siya. "Eh, teka. Bago tayo bumalik, mag-c-cr muna ako. Tatae lang ako. Huwag mo akong tatakasan, ha? Dito ka lang!" "You're gross." "Arte mo. 'Di ka ba tumatae?" "Lumakad ka na nga." Iyon nga ang ginawa ko. Bumalik pa tuloy ako sa loob ng restaurant dahil punuan ang tao. Buti na lang at nasa bandang loob iyong family ni Drei kaya hindi ko na sila nakita. Laking ginhawa ko nang makaupo sa trono. Nasobrahan yata ako sa kanin kanina. "I know, sis. Grabe sobrang cheap ng kasama niyang girl. Right! 'Di hamak namang mas maganda ako. If i know, she's a gold digger. Pulis at businessman ang parents? Paano naman siya magugustuhan ni Tita Shiela?" Napataas ang kilay ko nang marinig iyon. Dahil sa kuryusidad ay bahagya akong sumilip. Feeling ko kasi ako iyong babaeng sinasabihan niyang cheap. And I was not wrong. It was the girl who's with Drei's parent's kanina. "Miss, makikisuyo naman. Pwedeng pakiabot ng tissue? Wala naman na kasing laman iyong nandito sa loob," mabait kong wika sa kaniya. Salamat naman at hindi siya tanga at nagtanong pa kung siya ba iyong kausap ko. "Oh, sure. Left or right?" She asked. "Right." And she did give me. Pero bago pa niya muling mabawi ang kamay ay nilagay ko na roon ang tissue na may pulang likido. 'Di ko alam kung kaninang pinagreglahan iyon pero iyon kasi ang nasa bungad ng trash can. Ayoko namang magkalkal pa. Like yuck! Maghuhugas na lang ako ng kamay mamaya. "What the heck?!" she yelled in horror. Mabilis akong lumabas ng cubicle and make a way at the main door. Ni-lock ko 'yon at muli siyang hinarap. "You!" duro niya sa akin. Nanlilisik ang mga mata niya na tila ba handang-handa akong sampalin. Sasampal ko talaga iyong kamay na pinamunas ko ng pwet kapag nagkamali siya ng galaw. "Surprise." I grinned at her. Nagtungo ako sa lababo upang maghugas. "Lilibeth Monteverde, eighteen, the famous lollipop girl." "You b***h!" Lalo siyang nagngitngit sa sinabi ko. "Oh, no. You are." Nagpunas ako ng kamay at kinuha ang telepono. A while ago, I contacted Neil to dig something for me about the girl. Her father looks familiar dahil minsan nang kumunsulta ang ama niya sa ahensya, not as Phoenix but in another agency name dahil hindi naman maaring isiwalat sa madla ang tungkol dito. Patungkol iyon sa pag-take down ng s*x scandal ng anak niya na kilala bilang lollipop girl sa Filipino porn sites. She was a wild girl and a party maniac since fifteen. Kung kani-kanino ng mga anak ng businessman na-link. I showed her the video scandal she was into at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya. "No." Paulit-ulit siyang umiling. "B-Bakit meron ka niyan? Matagal na 'yang wala!" "Shhh. Kalma." Akmang kukunin niya iyong cellphone ko pero agad kong nailayo. Aliw akong natawa dahil nagkulay suka ang mukha niya. Typical rich girl. Ayaw masisira ang image sa madla. "I will delete this if you promise me to cut your bullshit with the Leviste's about marrying my boy friend." "Yes! Yes! I promise," hindi magkandatuto niyang usal. Syempre, hindi iyon totoo. I could retrieve it everytime I want kapag hindi siya tumupad sa usapan. Para maniwala ay hinarap ko sa kaniya ang cellphone at binura ang nasabing video. "Do I made myself clear?" I asked her again. "Yes." "Good. Bye," my last words before storming out of the room. Nakabusangot na naman ang mukha ni Drei nang lumabas ako. Nainip na yata. Hay. Hirap talagang maging maganda. Hindi napipirmi kapag hindi ako nakikita. "Bakit ang tagal mo?" "Anong gusto mo? Fast forward ko pagtae ko?" Napanguso ako. Kinuha ko ang kaniyang braso at ikinawit ang akin. "Huwag ka nang mainis. Hanapin na natin ang mga kapatid ko and let's make my momma proud!" I beamed before walking happily.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD