Naalimpungatan ako nang makaramdan ng pag-ihi. Pinakiramdam ko muna ang tuhod kung maitutuwid ko. Medyo baluktot pa ngunit ayos na rin. Madilim na sa sala at ako na lang ang naroon. Hindi na nila ako ginising dahil alam nilang mayayamot ako. Muntik na akong mabuwal nang biglang tumayo. Buti na lang ay may sumalo sa aking matigas na braso. Nagulat ako. Lumingon ako at nakitang si Drei iyon. Mukhang kagigising niya lang din. Hindi ko napansin na siya pala iyong nakita ko sa kabilang sofa. Akala ko kasi ay si mommy ulit. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ko. Hindi ko pa rin nakakalimutan iyong mga ngiti niya noong makita si Jasmine Jane. Nakakayamot iyong mukha niya. "Dinadalawa ka? Akala ko ba crush mo ako? 'Di ba dapat kiligin ka?" may panunuyang ani niya. Bakas ang paglalaro sa tinig n

