I never saw my mother that mad. Kahit na nasa itaas siya ay kitang-kita ko iyong mga nagngangalit na ugat sa leeg niya. It was the first time that daddy followed her orders. Lumaki ako na laging si daddy ang nasusunod hindi lang sa kanilang dalawa kundi pati na rin sa rules ng pamilya. His opinion matters the most kaya laging si mommy ang natatabunan pagdating sa desisyon. Iyong tipong okay lang na hindi masunod ang mga plano ni Mommy dahil siya ang batas. Mataas ang pride ng tatay ko. Inaasahan ko ngang aalis siya o makikipagsagutan pa kay Mommy, ngunit hindi. Doon talaga siya dumaan sa may maids quarters hallway sa gilid ng bahay. Iba kasi ang pinto ng mga maids namin. Pinindot ko iyong pisngi ni Drei dahil papasa na siyang mannequin. Tulala lang siya at may butil-butil ng pawis sa

