Nakailang ikot na ako sa kama pero hindi pa rin ako makatulog. It was the second day of my fever. Kailangan ni Drei na pumasok sa school kaya naiwan akong mag-isa sa bahay. Iniwanan lang niya ako ng lutong pagkain at naghanda ng gamot sa may bedside table. Parang binibiyak ang ulo ko sa sakit. My muscles were hurting so bad, para iyong pinupunit. Gustong-gusto kong matulog pero mas natatalo niyon ang sakit. Ang mga kapatid ko ay nagpipilit na pumunta pero pinigilan ko sila dahil baka mahawa pa. Exam week pa naman at ayokong maging dahilan iyon ng pagliban nila sa klase. Kaya naman si Mommy iyong naisip kong tawagan. Parang bigla ko rin kasi siya na-miss. I want her to be here. Gusto ko ng sinigang soup niya. Kinapa ko ang phone sa gilid ng kama tapos ay agad kong pinindot ang pangalan

