Isang sapak lang 'yon. Tama na sa gabing ito. Pero siniguro kong may lumabas na dugo mula sa bibig niya sa isang bitaw ng kamao ko na iyon. "Tarantado ka. Pinapapak mo na pala ang kapatid ko!" "I love her, Sinag," sabi niya sabay dura ng dugo sa lupa. "You can't stop her from falling in love with someone else." Bituin was shocked at what I did. Nang lingunin ko siya ay masamang tingin ang pinukol niya sa akin. Nagtagisan kami ng titig, hindi ako nagpatalo. "Bumalik ka sa party. Kung hindi mo kayang itago 'yang kaartehan mo, pumasok ka sa loob!" Nagulat siya nang sumigaw ako. Akala niya siguro ibi-baby ko siya gaya nang palagi kong ginagawa huwag lang masaktan ang damdamin niya. Sa ibang pagkakataon siguro, oo. Ngunit hindi ngayon. Mahirap palagpasin ang ganito. She wanted it so sh

