The caterers from Sunshine Crown Hotel arrived early. Sa bahay na kasi iluluto ng mga chef iyong ibang putahe. Iyong mga magde-decorate ay kasabay na rin nila and Tala was the one who headed the works. It was a modern castle theme like party. Hindi ko maiwasan ang mapangiti nang unti-unti nang nakikita ang kabuuan niyon. Tatlong araw niyang personal na ginawa ang tema sa tulong namin ni Bituin. It was all her idea, as usual, puro lang kami alalay, dikit at gupit. Napakapihikan kasi sa disenyo kaya hindi na kami nakikisawsawa at nasusungitan lamang kami kapag nagkakamali. Drei was the one who provided the mobile bar at sa unang pagkakataon ay inilabas na niya ang kanyang dj equipment. Gulat na gulat ako nang makita iyon na pinagtutulungang buhatin ng mga bodyguards malapit sa mini s

