Hindi ko man maunawaan ang nararamdaman niya but, I know that she was having a panic attack while on our way to the lobby. I texted Neil earlier to bring Luna there at naroon na sila ngayon. Huli niyang nakita ang anak ay anim na buwan nang nakaraan. I was silently praying that everything will fall into its place, her place. Because she is the place where Luna belongs. Nagtatanong ang mga mata ni Neil nang makita kami. Tinanguan ko siya na ilapit na ang bata. "Here she is," I murmured to her ears. Taliwas sa inaasahan ko ay siya na mismo ang lumapit sa paparating na anak at saka ito niyakap nang mahigpit. "S-Sorry, anak. I'm sorry, Luna. I'm sorry, oh, God. Patawarin niyo po a-ako." Kasabay ng mga salitang iyon ang pagtangis at pagsisisi. Kabaliktaran naman ang naging reaksyon

