Kasabay ng mga pagbabagong iyon sa buhay ni Tala ay ang pagtatapos ko ng college. Nairaos ko ang huling natitirang taon bilang working student. Pinagtalunan pa namin iyon ni Mommy because she insisted na siya ang magpapaaral sa akin. But, my pride was more intense. Ewan ko ba, ayoko na kasing magkaroon pa ng bagay na kailangan kong ipagpasalamat sa kanila bukod sa buhay ko. "Congratulations, Ate Sinag!" masayang bati ni Tala. "Mama, yey, Mama!" si Luna naman na nakibati na rin na nakasuot din ng itim na toga. Our little one is so cute. Pilit na kumawala sa ina ang batang makulit at siniksik sa akin ang sarili. "Happy ka for Mama Sinag?" natutuwa kong tanong. Paulit-ulit na tumango si Luna at saka pumalakpak. Sa tueing nakikita ko silang mag-ina na masaya kasama ako ay hindi ko ma

