Ilang buwan nang ganoon ang lagay ni Bituin pero, kahit kailan ay hindi ako masasanay na lagi siyang dinadalaw sa ospital. It was a hell of a feeling every time my foot stepped on the hospital entrance. Hindi nauubos iyong takot at pag-aalala dahil anytime ay alam kong bibitaw na rin siya. Habang tumatagal ay namamanas na lalo ang binti niya and she wasn't in her good shape anymore. Ayaw pa rin siyang i-give up ni mommy. Kung ako lang ang tatanungin ay mas gusto kong tapusin na ang paghihirap niya. Pakiramdam ko kasi ay mas dinaragdagan lang namin ang sakit na nararamdaman niya habang lalong pinipilit. Gustuhin ko man sabihin iyon kay Mommy ay hindi ko magawa dahil alam kong mas masakit iyon sa kalooban niya dahil siya ang ina. It has been a hell of two weeks for me. Pakiramdam ko ay

