Doon bumuhos lahat ng emosyon ko nang marinig ang mga katagang 'yon. Unti-unti akong lumapit sa kanya at saka siya niyakap ng mahigpit. "I'm here, Love, shhh." Inalo ko siya. Pinunasan ko iyong umalpas na luha sa gilid ng mga mata niya. Ilang sandali lang ay tumagilid siya at saka mahigpit na niyakap ang aking kamay. Na para ako iyong taong tinawag niya kanina. Na ang haplos ko ang makakapagpakalma sa kanya. "I'm sorry, Mommy," he murmured before his breath finally calmed down. Hindi agad ako nakatulog nang gabing iyon. My head was spinning like there was a tornado of emotions in it. I immediately went to Luhan and brought Drei's phone para ma-scan iyon. Kakaibang tingin ang binigay niya sa akin nang ilahad ko sa kanya ang cellphone. Tumango ako, ang mga mata'y nag-umpisa nang ma

