Drei's office was located at Greenbelt. Isa sa mga restaurant doon siya nag-o-opisina. Alison's Cuisine's was one of the first branch her mother established. Hindi pa man tuluyang nagkakapag-park ay kita kona si Helen. She was smiling widely when she saw my car. Kumaway agad ito. Gaya ko ay mukhang excited din ang huli dahil nga ako lang daw sigurado ang makakatanggal ng init ng ulo ng boss niya. "Hi, Helen, kumusta?" Nakangiti kong bati pagkababa. She bowed her head and greeted me back. "Okay lang, Ma'am. Excited po ako dahil siguradong masusurpresa ang boss kong laging mainit ang ulo." Tinulungan niya akong ibaba ang mga dala. Marami iyon kaya kailangan niya pang magtawag ng kusinero para tulungan kami. "Ma'am, ito si Philip. Philip ito si Ma'am Sinag, girlfriend ni Sir Drei."

