Nagsalubong ang aking kilay sa narinig. What does he mean? Is this about Phoenix? Dahil sa kuryusidad ay pumasok na ako sa loob. I then hide under the gray blackout curtains. "Fine. Give me a month." Halata ang inis sa boses ni Shiela. "Hirap pa rin akong i-release ang mga naiwan ni David dahil nga sa lintik na Dranrei na 'yon kaya limitado ang galaw ko. Maigi na lang talaga at hindi na naghabol ang inutil niyang anak." Muling natawa ang kausap niyang ginoo. "You can do magic, Shiela. Hindi kita tutulungan sa pinansiyal ngayon dahil sa huli mong kapalpakan. Huwag mo nang hintaying umapela pa ang anak. Time is ticking." Nakinig naman akong mabuti pero hindi ko napagtagpi-tagpi ang usapan. Nakakalito man ay siguradong may kinalaman iyon sa sindikatong kinabibilangan nila. Pero ang tumatak

