Chapter 19

2408 Words
Jediael's P.O.V. Dumaan ang ilang araw, buwan at taon na ginugol ko lahat ang mga oras na to sa pag-aaral. 4 years na tapos magthi-third year college na ako and guess what?!?!?!?! Hindi pa siya bumabalik nakakatampo na ha. Nandito parin akong naghihintay sakanya, pati si Tita ay wala na silang communication simula nung pumunta silang abroad, minsan tumutulong ako kay Tita sa resto niya, lumalago pa rin ito at dumadami na ang mga branch. Minsan naman nagya ya-yaan kami ng kuya ni Aria para uminom sa labas o maglaro. Kahit miss na miss man namin si Aria ay wala kaming magagawa, akalain mo yun sarili niyang nanay nilayo sakanya amp. Okay sana kung nakaka usap, hindi naman. Damot pangit ka bonding. "Kamusta na kaya ang mommy mo?" tanong ko kay Kenzo kahit hindi naman niya ako makakausap at maiintindihan. Tinuloy ko nalang ang panonood sa Descendants na favorite ni Aria. Maganda naman yung pinapanood ko pero naiiyak ako. Araw–araw, oras–oras, minu-minuto, segu-segundo. Namimiss kita Aria, Babalik ka pa diba? Babalikan mo pa ako dito diba? Napangiti naman ako ng dilaan ng aking aso ang aking kamay. Napa tingin naman ako sa mga pina frame ko na larawan naming dalawa na nakalagay sa side table ko at mga photo album kung nasaan ang aming mga filmed pictures. "Hoy ano? Bibili na tayo ng mga gamit natin, malapit na tayong pumasok sa paaralan." Pang gigising sakin ni Austin dahil ala una na at hindi pa ako bumabangon. "Oo mamaya" angal ko tsaka siya tinalikuran. "Aba't kanina ka pa mamaya nang mamaya! SANA GANUN DIN SI ARIA PAG UUWI NA SILA, AAYAHIN NA SIYANG UMUWI NG PAPA NIYA KAYA LANG SASABIHIN NIYA 'MAMAYA' TAPOS HINDI MATUTULOY! SIGURO NAG SASAYA NA SI ARIA DOON! BAKA NGA MAGHAHANAP PA SIYA NG JOWANG HINDI PURO MAMAYA! TAPOS AAYA---" binato ko siya ng unan upang hindi na niya masabi yung mga nakaka iritang mga pinagsasabi niya. "Eto na nga tangina babangon na!" "Kailangan pang gumawa ng kwento para lang mapapayag ka hayop na yan." Agad din akong nag ayos tsaka kinuha ang mga gamit ko para matahimik na ang magulong kaluluwa ni Austin. Pero dahil sa sinabi niya paano kun may boyfriend na siya doon? Paano kong meron? Edi kung meron na, edi happy for her diba? Edi We keep this love in a photograph, sabi nga ni Ed sheeeran. Agad naman kaming pumunta ng national bookstore ni Austin dahil doon kami mamimili ng gamit para sa school. "Pre doon muna ako sa mga stationaries ha?" tinanguan ko nalang siya at inabala sa pag pili ng mga libro. "ay putangina" nagulat ako ng biglang napatid yung babaeng dumaan sa likod ko e napaka layo naman niya saakin. Ewan ko kung tatawanan ko ba siya o ano. At parang nagmamadali pa siya. Tinulongan ko siya sa pag pulot ng dala niyang notebooks at mga ballpen. Andami naman kaseng basket dito bat hindi siya kumuha, pinapahirapan niya lang sarili niya. Hindi ko agad nakita ang kanyang mukha dahil nakatakip ang kanyang mahabang buhok sa mukha niya, maputi siya at katamtaman lang ang tangkad. "Thank you" sabi nito tsaka nagmadaling tumayo at tumakbo papuntang counter. Yung boses niya parang kaboses niya si ARIA! Agaran akong pumuntang counter pero hindi ko na siya nakita maski ang anino niya pero baka namamalik mata lang ako. Kung si Aria yun baka pinagtripan na niya ako ngayon. Tsaka mas maliit si Aria kesa doon. Sobra bang namimiss ko na si Aria kaya nakikita ko siya sa hindi ko kakilala? Tangina naman Jed. Kailan ka ba kase babalik? Pero paano kung nakabalik na siya? Tapos nasa malayo lang? ilang buwan nalang talaga ako na pupunta sakanya. "pre tara na, gutom na ako" Inaya ako ni Austin sa Mcdo kase yun lang malapit sa NBS. "Pero pre parang siya kase yun e" kwinento ko kase sakanya yung nangyari kanina at hindi daw siya naniniwala na si Aria yun. "Hay naku Jed parang lang naman tsaka pinago overthink lang kita kanina dun sa sinabi kong baka uuwi si Aria, bahala ka sa buhay mo kung gusto mong maniwala diyan" "Eh paano kung siya yun?" "Bahala ka Jediael, gutom lang yan. Oh eto sakto! Nandito na order natin" Iwinalang bahala ko nalang iyon kase hindi naman ganun height ni Aria e. Ang haba naman kase nung buhok nung babae yan tuloy di ko nakita yung mukha. Dumaan ang mga araw at dumating na nga ang araw ang pinaka ayaw ng mga ibang estudyante. Dati ayukong pumasok pero hindi ko alam dahil parang pakiramdam ko ay excited pa ako. Lord! Bigyan mo ako ng sign. "Oh I thought you hate school?" si Erie, 12 years old na siya ngayon magti-thirteen na siya sa August at alam na rin niya yung tungkol kay Aria. "Nagising lang ng maaga, bawal?" "No naman, naninigabago lang ako kase you know you're always late!" "Kumain kana lang diyan" "Kuya I have a questions" "Ano?" "What if... makita mo siya ngayon? What will you do?" Ano nga bang gagawin ko? "Wala, ewan. Alam mo Erie kumain ka nalang at ikaw ang malalate saating dalawa" "I already know what will you do" pang-aasar pa niya sakin "you'll hug her and kiss her foreheads 'cause it's your hobby and then you'll call her babi with a baby sweet tone while hugging her" humawak pa siya sa magkabila niyang pisngi at tumingala na parang kinikilig at parang nagkakaroon ng pink lines sa cheeks niya na yung parang sa anime. "Hoy pre! May transferee daw! Shawty! Galing Japan pare angas, sana maganda. Diba may jowa kana Austin tas ikaw naman Jed loyal ka kay Aria kahit magfi-five na siyang wala. Edi ipabigay niyo na sakin to ha?"daldal ni Jazzmark sakin pagka pasok niya ng room namin, marami naman kaming mga batchmate na same course at yung iba sa minor subjects namin ganun. "San mo nanaman nakuha yan?" tanong naman ni Austin sakanya "Sa corridor hehe" kinamot pa niya ang ulo niya tsaka siya pumunta sa tabi ko. Silang dalawa kase ni Austin ang katabi ko, bale ako ang nasa gitna. Naging maayos naman ang first at second subject namin. Habang kami'y nasa canteen ay may pinagkakagulohan. "Ano ba yun?" tanong ni Austin at nakikisilip pa. "Malay ko, andoon ba ako kaya sakin ka nagtatanong?" "Jazzmark! Tignan mo nga kung ano meron dun?" utos nito kay Jazz na kumakain. "Bahala ka jan Austin kumakain ako, ikaw na pumunta ikaw naman may gusto" binato naman ni Austin si Jazz dahil sa sagot nito. "Tara na next subject na!" sigaw samin ni Jazz nang tapos na siyang kumain at nasa kalagitnaan palang kami ng kain ni Austin. "Tangina neto, baliw amputa. Mauna kana tangina mo" e sa gago nga si Jazzmark nauna na talaga siya samin. "Tanginang yan, umalis nga amp. Hindi na tayo hinintay parang hindi kaibigan amp" umiiling na saad ni Austin. "Ano next class mo?" tanong ko "PharChem" pareho lang din naman pala kami kaya sabay na kaming pumunta sa kabilang building at hinanap ang room namin. "Lagi nalang tayong ganito tangina naman, wala na ba tayong pagbabago?" angal ni Austin nang makitang may pinagkakagulohan sa loob ng room namin. "Naku mas lalo siyang gumanda no? pero sayang parang mas naging maldita siya." Chismisan ng dalawang babae sa room namin. "Okay class settle down now, ipapakilala na yung transferee" malaking boses na sabi ng teacher namin. Umupo kami ni Austin sa gitna at hindi na inabalang maki tingin pa sa tinitignan nila. "Magpa kilala kana" sabi ng teacher namin at pumaharap naman ang isang babae na parang fami......liar.......sakin, SAMIN. Nang humarap siya ay hindi nga ako nagkakamali at parang hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Parang namanhid ang buong katawan ko. Teka pano? ANDITO NA SIYA!? Tinignan naman ako ni Austin na parang hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita ngayon. Parang totoo nga yung sinabi ni Erie kanina kase gusto ko na siyang yakapin agad. "Gago insan, Si Aria" napahawak pa si Austin sa bibig niya na parang sobrang gulat at parang naka kita ng multo. "Sabi sayo nagbalik na siya" siya nga yung babae sa bookstore. Grabe andaming nagbago sakanya. Pumuti siya lalo tsaka tumangkad. Diba sabi ko sayo Aria huwag ka nang papatangkad. "Gago pre akala ko pa naman magkakaroon na ako ng jowa, tangina si Aria lang pala. Piste namang buhay to o" reklamo ni Jazz na nasa likuran ko. "Pre sa tabi mo siya uupo, wala nang vacant sa likod mo. Buti nalang pala mautak tong si Jazz, may utak pala tong isa nating tropa" tinignan ko ang buong paligid at totoo nga kase dati sa likod ko lang yung vacant. Nang mapunta kay Jazz ang aking tingin ay sumenyas pa siya sakin na parang sinasabi na I got you. Bonak ka parin para sakin hayop ka. "Victoria Alana Taña Ihara, 20" simpleng sabi nito tsaka ngumiti saaming lahat. Nag kwentohan pa sila ng teacher namin ng mga bagay bagay. Magtu-21 na siya sa July 20. NANDITO NA YUNG BABAENG HINIHINTAY KO, NANDITO NA... NANDITO NA YUNG PINAKA MAMAHAL KO. THANK YOU LORD! "Sige doon ka sa tabi ni Mr. Tulingan" nagulohan siya sa sinabi ng teacher at nilibot pa niya ang buo naming room na parang hindi ako kilala at nakita kaya tinaas ko nalang ang aking kamay tsaka naman siya dumeretso na agad siya sa tabi ko. Agaran naman kaming pinagtutukso ng mga kaklase namin kaya hindi ko maiwasang ngumiti, si Jazzmark kase e, siya lagi mastermind pag sa ganito. Nang tignan ko ang reaction niya ay parang wala lang sakanya at parang nahihiya pa siya. "Tigil niyo na yan" Bigla namang pinatawag yung teacher namin kase may meeting daw, amp unang araw ng school meeting agad pero ayos yun makaka usap ko si Aria. Pagka talikod ng teacher namin ay nilapit ni Jazz yung upuan niya sa likod ko at ganun din si Austin. "Hoy Aria, ano? Nabuhay ka! Kamusta kana?" paninimula ni Jazzmark sa usapan Tumingin naman muna si Aria sakin na parang nahihiya bago tinignan si Jazz. "Okay lang naman" sabi niya tsaka siya tumatango- tango. "Ang init-init Aria naka hoodie ka, sobrang lamig ba sa Japan?" tanong din ni Austin. "Ah no, malamig kase kanina yung room dun sa first and second subject ko at katabi ko yung aircon, so nag jacket na ako" "Bat ngayon ka lang?" yun ang unang tanong ko sakanya at hindi ko pa inaasahan na masasabi ko pa yun. "I'm not late naman diba? Hindi naman nagalit prof natin? Nakapag introduce pa nga ako e." nagtataka pang sagot niya. Hayp naman Aria. "Wala, sige hayaan mo nalang yung tanong ko" humarap na ako sa pisara at nakipag titigan sa blackboard. "So dati ko kayong classmate?" malamang nagtanong ka pa? Teka.. "Ha? Ano ka ba Aria! Nag bibiro ka ba? Nag Japan ka lang naka limot ka na, sabagay sino ba naman ako para maalala mo diba?" pantitrip ni Jazz kay Aria "No? I don't really know you. Sorry, I lost my memory kase. And I don't even remember kung paano na lost yung memory ko" Nawalan siya ng memorya? Gaya ko ay hindi agad naka sagot si Jazz at Austin kay Aria, tinignan na lamang nila si Aria tsaka minsan tumitingin sakin. "Classmate ko ba kayo noon?" tanong ni Aria sakin kaya napatango nalang ako at hindi pa nakaka recover sa sinabi niya. "Except sakin, sa ibang school ako nag-aral and pinsan ko tong si Jed. Oh Btw Austin Vincent Tulingan" tsaka siya nakipag kamay, aba't gago to ha! Naunahan pa ako?! "Jazzmark" tsaka siya nakipag kamay rin. Tumingin si Aria sakin na parang inaasahan na magpapa kilala rin ako. Bahala ka jan! Ang ganda-ganda ng pangalan ko tapos kakalimutan mo? Manigas ka. "Jed" tawag sakin ni Austin pero tinignan ko nalang din siya. "Sige si Jed, oo Jed pangalan niya" si Jazzmark na sumagot. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, lahat ng plano ko noon nawala dahil hindi ko naman naisip na nawalan siya ng memorya. Napayuko nalang ako saaking lamesa habang sila naman ay nagkwentohan pa. Awit na yan, ang ganda-ganda ng gising ko kanina tapos ganto. Pisteng yawa naman o Lord! Anak mo din naman ako. "Jed may kukunin lang kami ni Jazz sa baba" sumenyas naman akong umalis na sila tsaka ako umayos ng upo. "Kamusta yung operasyon mo?" nagulat siya at hindi pa inaasahan yung tanong ko "All good" sabi nito tsaka siya ngumiti "Naka usap mo na ba mommy mo?" mas lalo pa siyang nagulat sa ikalawa kong tanong "Ofcourse, why?" umiling lang ako "Kailan ka pa bumalik?" "Last week" mag tatampo pa sana ako kase last week pa siyang bumalik hindi manlang ako kinausap kaso naalala ko nawalan pala siya ng memorya. "Hindi mo manlang ba natanong sa papa mo kung paano ka nawalan ng memorya?" "No, I asked him once, pero hindi ko na inulit kase galit na galit siya, why? May alam ka ba?" Bumuntong hininga muna ako bago sumagot "Meron pero hindi ko sasabihin hanggat hindi sinasabi ng magulang mo" "Why? May alam ka pala e, you should tell me. Bakit? We're enemy ba nung past?" enemy amputa, lovers tayo Aria! Lovers!!! Gusto mo ipatugtog ko pa yung kanta ni Taylor para lang maipa mukha sayong lovers tayo?! "Hindi, pero ayuko parin" saka ko siya tinalikuran. "Edi Don't! Madamot" mahinang sigaw niya sakin. Aba't sumasagot. "Napaka layo mo sa dating Aria" yun na ang huli kong nasabi tsaka ko kinuha ang aking bag tsaka ko umalis sa silid na yun. Ang bobo mo naman Jed e, bat hindi mo naisip na pwedeng mangyari yun. Baka nga kase nabagok siya. Teka tangina kailangan kong maka usap si Tita mamayang hapon. Sabagay duty ko naman mamaya sa resto nila. Nag stay muna ako sa mga tambayan sa ground tsaka hinintay na matapos yung period na yun. Parang hindi ko siya kayang harapin. Kailangan kong mag isip ng paraan para pakisamahan siya at maibalik yung mga ala-ala niya. Pero kahit ibang iba na siya sa Aria na nakilala ko noon, mahal ko parin siya. Pero nakakapag taka lang yung sinabi niya. Bakit galit daw yung papa niya nung tinanong ni Aria kung bat siya nanawalan ng memorya? Ganun na ba siya kadamot? Nang tapos na ang subject na yun ay dumeretso na ako sa susunod kong klase. At ipinagdadasal ko na sana maging kaklase k--- HINDI! AYUKO! IPINAGDADASAL KO NA SANA HINDI KO SIYA KAKLASE. YUN NA YUN.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD