Aria's P.O.V.
Nang magbibigayan na ng regalo ay sinimulan ko na ring itransfer lahat sa laptop ko at si Yale naman ang nagpriprint sa film ko, nasa sala kaming lahat at napagpasyahan nilang magperform muna daw ang may gusto at may premyo kaya naman nag unahan na silang pumunta sa gitna at kumanta ay sumayaw, habang sumasayaw ang mga bata ay kinuha ko yung oras na yun para mag ayos ng mga films, nang matapos iyong ginagawa ko ay saktong tapos na rin silang kumanta at sumayaw.
Unang nagbigay ng regalo sina Tita Eva, at sa hindi inaasahan ay binigyan din ako at ang natanggap ko ay isang dress na may bag at isang Bracelet. Pati mga tito at tita nina Yale ay binigyan ako.
Sinabi daw ni kase ni Tita Eva na pupunta ako kaya nakapamili sila ng ireregalo saakin, medyo nahiya naman ako kase film pictures lang maibibigay ko sakanya. May pabango, may bag, hikaw, lipstick, damit, libro at films.
Nagtanong tanong din daw kase sila kay Yale kung anong hilig ko para magka ideya sila. Pati si mama meron. Nang si Yale na ang mag-aabot ng regalo sakin ay naghiyawan sila at kami'y tinutukso.
"Eto kase may backstory to, naalala mo nung sinabi kong may pupuntahan kami nina Austin, nakalimutan ko kase yung date, basta nung hindi kita na text maghapon kase pumila kami ni Austin para dito" tsaka niya inabot saakin yung isang paper bag na national bookstore. Kinuha ko iyon at binuksan. Hindi ko maiwasang magsaya ng makita ko iyon, Ang librong Hell University na may pirma ni KIB na may sulat nito. Hindi ko alam kung mukha na akong tanga ngayon na nakangiti.
"Eto pa, wag ka masyadong magsaya diyan, magtira ka pa para sa dalawa" biro nito sakin kaya pinalo ko siya gamit yung paperbag. Inabutan niya ako ng panibagong paperbag at mas mabigat na iyon. Ang laman nito ay He's Into Her book na collectors item siya at may pirma ni Maxinejiji.
Gusto kong maiyak sa tuwa. Inilabas ko naman ang isa at ganun ulit pero ILYS1892 na gawa ni BinibiningMia na may pirma pa. Sa sobrang tuwa ko ay niyakap ko siya kaya tinutukso ulit kami.
"Meron pa, eto tignan ko nalang kung hindi mo agad akong pakasalan sa tuwa" tinignan ko na siya ng masama kase sobra sobra na yung binigay niya saakin.
Inabotan niya ako ng isa ulit na paperbag. Dahan- dahan ko iyong binuksan at gusto kong maiyak sa tuwa dahil isa iyong Disney
Descendants na may pirma pa at parang fresh pa yung pen na gamit ng mga gumanap maliban kay Cameron Boyce, may isa siyang photocard doon na may pirma pa siya kaso naka print na iyon. Biglang pinunasan ni Yale ang pisngi ko nang hindi ko namamalayan na naiiyak na pala ako.
Niyakap ko siya ay naramdaman ko naman na hinalikan niya ako sa tuktok ng aking ulo at hinalikan ako sa noo. Nang matapos na silang magbigayan ay binigay ko naman sakanila yung munti kong regalo na nakalagay sa sobre na may pangalan ko at pangalan nila, Naka handa talaga iyon na lagayan ng films pag biglang regalo.
Nagtanong tanong pa ako kay Yale ng mga pangalan ng pinsan niya at spelling. Kaya inanounce ko nalang mga pangalan nila at lumalapit sila saakin dahil hindi na ako makatayo sa inuupuan ko kase naka kandong saakin si Erie na binubuklat yung Disney
Descendants na bigay ng kuya niya sakin. Nagpakitaan pa sila kung sino daw mas maganda sakanila HAHAHAHAHAHAHAHA
Kung kanina ay nalulungkot ako, ngayon naman ay masaya ako, legit na masaya. Lord salamat po. Napatingin naman ako kay Yale nang bigla niyang ipulupot ang kanang kamay nito saaking baywang. Nginitian niya ako at sumandal siya sa balikat ko.
At ayun na ang naganap sa pasko ko sakanila, hindi ko maipaliwanag ang saya na nararadaman ko.
Jediael's P.O.V.
After christmas ay yung mga iba naming kamag-anak ay nagsi-uwian na, kami naman ay bumisita muna sa resort ng isa kong tiyohin, gaya ng dati ay nanguha muna kami ng mga litrato tsaka kami naligo sa dagat.
Isang gabi kaming nag stay doon at kinaumagahan naman ay pumunta kami sa mga tourist spot dito sa Vigan. Tudo kuma si Aria ng picture habang ako naman ay hawak ko yung video cam niya. Icocompile nalang namin to mamayang gabi gaya ng ginawa namin nung kinagabihan nung galing kami sa resort.
Andami naming mga nakuhanang mga video at mga larawan, kung saan mo matatamasa ang huling kaligayahan.
Nagising ako na may humahagulgul sa aking tabi, hindi ko kaagad maimulat ang aking mata dahil parang may masakit sa aking noo.
Gusto kong iunat lahat ng parte ng aking katawan kase ramdam kong kumikirot ang mga to lalo na sa aking isang kamay na parang hinampas ako ng tubo sa sobrang sakit ng mga muscles ko. Nang sa wakas ay naimulat ko na ang ang aking mata ay bumungad saakin ang maliwanag na ilaw at puti na kisame.
Hindi naman puti kisame ng sasakyan namin ha, luminga ako sa aking paligid at si mommy agad ang bumungad sakin na nakayuko siya saaking kanang braso, hindi ko naramdaman agad kase namamanhid na tong kamay ko.
Sinubukan kong ibuka ang aking bibig kaso sumakit naman ang aking panga. Tinikom ko muna ito tsaka sinubukan ulit kaso nang magsasalita na ako ay walang lumabas na boses saakin. Ano bang nangyari?
Sa mga naalala ko, nang makasakay kami ng sasakyan at umupo si Aria sa may bintana kase nahihilo siya. Si daddy ang nagdrive at si mommy ay nasa harap din. Yung driver naming si kuya Vic ang nasa likod. Nang nasa kalagitnaan na kami ng daan at biglang may---
MAY TRUCK NA SUMULPOT SA MAY SIDE NI ARIA!
"Mommy" hindi ganun ka lakas yung pagkasabi ko pero sapat na yun para maagaw ang atensyon ng nanay ko.
"Anak gising kana, teka tatawag ako ng doctor" agarang tumayo si Mommy at tumawag siya ng doctor, dadalawa lang pala kami kanina dito sa kwarto. Gusto kong makita si Aria, asan na nga ba siya?
Bumukas yung pintuan tsaka iniluwa ang isang lalake at isang babae na naka suot ng puti at pang huling pumasok si mommy.
Agaran namang chineck lahat saakin at nagtanong ng mga nararamdaman ko. Atat na atat na akong magtanong kay mommy kung anong nangyari at nasan si Aria pero napaka dami pang sinasabi nung doctor.
Halos isang oras silang nag-uusap at nang matapos ito ay inihatid ni mommy yung doctor at nurse sa may pintuan. Ngayon ko lang napansin hindi na yun ang suot niya nung umuwi kami. Namumugto rin yung mga mata niya halatang kagagaling lang sa iyak.
"Kumain kana muna" inabot naman niya sakin yung isang lunch box na puro pagkain ang laman.
"Si Erie?" tanong ko sakanya nang mapansing wala ang aking kapatid.
"Nasa bahay na nak, si Tita Vien mo muna nagbantay sakanya"
"e si Daddy?"
"Inaayos yung case kase idedemanda ata ng pamilya ni Aria yung naka bunggo satin" nag kwento pa si mama habang sinusubohan ako. Naga alala ako kay Aria kase siya daw pala ang napurohan sa side niya. Katabi ko naman siya nun ha. Hanggang ngayon daw hindi pa siya nagigising at nasa ICU.
"Magpa hinga ka muna, para pag magaling kana, bibisitahin natin si Aria" gaya nga ng sinabi ni mommy ay nagpagaling ako, halos gusto ko nga kada oras nagtatake ako ng gamot para lang gumaling ako kaagad.
Nang nagdaang mga araw ay naging magaling ang mga sugat ko at kada araw na lumilipas ay nagsasabik akong makita si Aria.
Isang buwan kaming nasa hospital at sa wakas ay magaling na ako at ang mga sugat ko, Uubosin nalang daw laman ng dextrose ko at pwede na akong umuwi. Excited na akong makita si Aria pero nagtiis pa ako ng isang oras para maubos yung laman.
"Halika na nak, puntahan na natin si Aria" ginanahan ako kaagad at ako pa nauunang naglakad sa hallway kasama si Erie. Agad din naman naming nakita ang ICU dahil nakatambay yung mama ni Aria sa labas.
"Tita" agaw ko sa atensiyon niya dahil naka talikod siya saakin, agad niya naman akong hinarap nang marinig niya ang boses ko.
"Naku buti nakalabas kana" Niyakap niya ako ng sobrang higpit na parang siya ang nanay ako at nawalay ako ng matagal sakanya.
"Buti nga tita e, si Aria po?" dahan-dahan namang bumitaw sa pagka akap si tita sakin tsaka siya inginuso sakin yung pinto kung nasaan siguro si Aria.
"Pasok ka, hindi pa siya gumigising, wala siyang kasama ngayon diyan, hindi ko kayang makitang nasa ganyang sitwasyon ang anak ko Jed" naiiyak nanamang sabi ni tita.
"Sorry po tita, hindi ko manlang na protektahan si Aria"
"Okay lang anak, disgrasya naman yun, hindi naman natin ginusto"
"Pasok po muna ako tita" tumango naman siya at dumeretsong yumakap kay mommy.
Nang hawakan ko ang doorknob ay tsaka lang ako nakaramdam ng kaba at parang nanghihina ang aking tuhod. Paano kung may masamang nangyari sakanya? Bahala na.
Tuloyan na ngang nang hina ang aking mga tuhod at napahawak nalang ako sa dingding ng aking buksan ang pintuan at si Aria agad bumungad sakin na naka higa sa hospital bed at maraming mga naka kabit na mga tubo sakanya.
Dahan –dahan akong naglakad palapit sakanya at nag si unahan na ring tumulo ang aking mga luha.
"Babi" tawag ko sakanya at nagbabakasakaling marinig niya ako. Nag hintay ako ng ilang segundo bago ulit ako lumapit sakanya.
Nang makalapit ako ay hinawakan ko kaagad ang kanyang kamay na may naka kabit na dextrose sakanya at hinalikan ko ito.
Wala nang lumabas na boses saakin at ang titigan nalang siya ang aking nagawa.
"Jed anak" tawag sakin ni Tita Veron nang makapasok siya dito sa kwarto.
"Bakit po?"
"May gusto kong sabihin sayo"
"Ano po yun?" biglang naging doble ang kaba ko nang sinabi niya ang katagang iyon.
"Kase nak---" hindi pa naituloy ang kanyang sasabihin ay naiyak na siya agad. At hinintay ko nalang na magsalita siya ulit "Kase sabi ng papa ni Aria, kukunin niya daw muna si Aria at baka dalhin daw siya sa ibang bansa para doon magpa gamot" hindi agad ako nakasagot, ganun ba kalala kalagayn niya?
"Bakit po? Hindi po ba kaya ng mga doctor dito?"
"Kaya pa naman anak..."
"yun naman pala tita e, tutulongan kita"
"Pero yun ang desisyon ng papa niya. Wala akong magawa Jed, Hindi ko siya kayang labanan, hindi ko kayang ipaglaban yung anak ko."
Napa iwas ako ng tingin kay tita, dahil sa sinabi ni tita ay hindi ko na napigilang mag breakdown. Dapat pala hindi ko na siya inaya nun kung alam ko lang. Sana ako nalang umupo kung saan siya naka upo nun kahit sumuka siya sa loob ng Van.
Hindi ko kayang nakikita sila ng ganito lalo pa't hindi ganun kadali sitwayon nila.
"Kailan po tita?"
"baka bukas na anak"
"Pwede po bang sumama?" hindi ako nag alinlangan nang tanongin ko yun sakanaya, gusto ko siyang alagaan kahit sa ganoong paraan lang ako makabawi sakanya.
"Ayaw tayong kausapin ng papa niya 'nak, kaninang kinausap niya ng kuya niyong si Venjo nag-away pa sila at napunta pa sa pisikalan" parang nawalan ako ng pag asa sa sinabi niya.
"Ma pwede bang dito muna ako?" paalam ko sa mama ko at pumayag naman siya.
Umuwi muna si Tita at ako muna nagbantay kay Aria. Tumabi ako sakanya at tsaka siya niyakap, amoy na amoy ko parin ang gamit niyang pabango sakaya. Nilaro ko ang kanyang buhok at inamoy ito.
"Pag pumunta kana doon at gumaling ka, wag mong papabayaan sarili mo ha? Kain ka ng tatlong beses sa isang araw kahit hindi kana tumangkad mas cute ka jan sa height mo. Cute size HAHAHAHAHAHAHAHA. Wag kang magpapasaway ha? Mag pagaling ka kaagad para makabalik ka agad dito. Hindi muna kita masasamahan ha? Kailangan kong mag-aral e tsaka ayaw ng papa mo, pero para saatin din yun. Mag pagaling ka kaagad para mas maka laro mo pa ng matagal si Erie at Kenzo. Magtatampo si Erie niyan hindi ka niya makikita bago ka aalis. Pag balik mo nasa bahay lang ako. Hihintayin kita mahal" hinalikan ko ang tuktok ng kanyang ulo tsaka inayos ang kanyang kumot. Pilit kong pinapatatag ang aking kalooban kahit gusto ko mang umiyak, ayukong iparamdam sakanya na mahina ako.
Kina umagahan ay ginising na ako ni Tita kase matratransfer na si Aria. Hindi ko siya kayang tignan na paalis siya na ganoong lagay kaya humingi pa ako ng ilang oras sa papa niya para lang makapag paalam sakanya.
"Mauuna na akong uuwi ha? Hindi kita kayang makitang ganito e, napaka sakit at nakakapang hina. Basta magpagaling ka ha? Balikan moko dito HAHAHAHAHAHAHA pero kung hindi man, pupuntahan kita kahit san ka pa parte ng mundo kahit sa North Korea pa yan. Ingat ka doon mahal, mahal na mahal kita" hinalikan ko ang kanyang kamay tsaka siya hinalikan sa noo.
Pagka labas ko ng kwarto ay bumungad saakin si Tito. Simula kaninang nandito na sila ay hindi niya ako kinausap at hindi ko naman alam kung paano ko pa siya haharapin kaya nasa likod lang ako ni tita. Naka usap ko lang siya kaninang nag maka awa ako sakanyang bigyan pa ako ng kahit katingting na oras pero ang pag sige niya lang ang aking narinig sakanya.
"Tita mauuna na po ako" paalam ko kay Tita na inaalo ng kanyang lalakeng anak. Tumango naman saakin ang kuya ni Aria tsaka niyakap ko naman si Tita. Nilingon ko si Tito pero kausap naman niya ang doctor kaya umalis nalang ako na hindi nagpapa alam sakanya.
Ewan ko pero simula nung nalaman ko na siya pala may pakana na ilipat si Aria ay namuo ng galit saakin, lalo na nung nasabi ni tita na sinampal niya ito at sinisi siya kung bakit nagka ganun si Aria. Bat napaka dali niyang magawa ang ganoong bagay sa isang taong minsan na niyang minahal? Walang puso.