Aria's P.O.V.
Pagka baba namin ay mas lalong naging busy ang mga tao sa bahay, kaya naman naghanda na ako para sa pagluluto. Pinakuha ko na kay Yale yung mga kakailanganin namin at naghinanda ko na ang lamesa para sa paggawa nun. Binigyan naman kami ni Tita Eva ng apron.
Una kong hiniwa yung mga peach at buti may ganun yung pinuntahan namin. Nilagay ko yun sa isang bowl. Sinunod ko naman yung manga na kulay dilaw, hayp hindi ko kase alam kung anong pangalan nun e. Hiniwalay ko yung mga buto tsaka binigay sa mga bata. Marami naman yung kinuha namin.
"Ay ang angas mo naman master chef" pang- asar ulit ni Yale sakin nang makita yung ginawa ko sa pagbalat manga. Kumuha din siya ng baso tsaka ginaya yung ginawa ko, edi mas napadali yung gawain namin no.
Pinaghalo ko nalang yung peach tsaka manga sa iisang bowl. Pinakuha ko naman kay Yale yung medyo saktong kawali lang para sa lulutohan namin nung manga tsaka peach. Nang maisalang na yung kawali ay nilagay ko na yung mga prutas tsaka hinalo halo ito. Si Yale naman ay hawak yung pandudurog ng prutas at pinapanood lang ako dahil sa paghalo ko ay medyo pinagpapawisan na ako.
Ipapabantay ko na sana kay Yale ang aming lulutohin para makapag tali ako pero pinatabi naman niya ako tapos tinignan kung malambot na ba yung mga prutas, nang makitang hindi pa ay naghugas siya ng kamay tsaka pumunta sa likod ko. Wala kaseng hair net kaya nagi ingat naman kaming hindi malagyan ng buhok ang aming pagkain.
"Akin na yung tali mo sa buhok, ako magtatali" pagpriprisinta niya kaya pumayag na rin ako habang hawak yung sandok, nagawa naman niya agad ang pagtali kase minsan siya pala nagtatali ng buhok ni Erie, ang cute lang. Napaka ayos pa ng gawa niya tsaka niya pinunasan ang aking mga pawis sa mukha
Nang malambot na yung mga prutas ay dinurog na siya ni Yale habang naka salang parin yung kawali tsaka ko siya hinalo-halo, sunod ko namang nilagyan ng tatlong kutsara ng asukal at hinalo-halo ulit. At nang okay na siya ay tinanggal na namin siya tsaka nilagay muna namin sa ref.
Habang naghihintay ay kinuha na namin yung white bread tsaka pinino ito gamit ang rolling pin. Sampung supot ng bread yung pinino namin at tinanggal yung matitigas na nasa gilid nito, kaya nasakto namang medyo malamig na yung peach mango. Nilagyan ko ng kaunting asin tsaka ulit ito hinalo. Nang batil naman ng limang itlong si Yale at hinanda yung bread crumbs.
Naglatag ako ng isang pinong bread at nilagyan ng saktong peach mango sa loob nito tsaka nilagyan ng itlog ang libot nito, pinag siklop namin yung isang bread at kumuha ng tinidor para iseal ito. Sunod-sunod na ganun ang ginawa namn, hanggang sa maubos ito at nasakto. Sinawsaw namin yung bread na may laman sa may bread crumbs at iniluto sa nakasalang na malaking kawali na may maraming mantika.
Habang nagluluto ay naka kuha pa ng tiyempo si Yale na kinuha yung bag ng film cam ko at kinuhanan ako ng picture. Kaya ganun din ang ginawa ko. Tinawag pa niya ang pinsan niya na picture'n niya daw kami. Nag thank you nalang ako sa pinsan niya pagkatapos ng picture taking na naganap sa kusina. Sunod naman ay sa cellphone niya at ganun nalang din ginawa ko. Mamaya ko nalang siguro ilalagay yun sa story ko, hindi pa ako nakakapag internet e.
Nang maluto ang unang peach mango pie namin ay pinababa muna ng yung mantika tsaka nilagay ito sa bucket na paglalagyan.
Tumikim naman kami ng isa at naghati kami, siyempre nag picture ulit. Yung paghati ng pie, solo kaming may hawak na kalahati ng pie at yung magkasama kami, tinimer nalang yung cellphone niya kanina. Masarap naman yung luto namin, este ako char, sige na kasali na siya hmp.
Tumulong muna kami sa iba pang pagluluto. Sobrang busy ngayong araw na to.
"Hay naku Aria, dun kana muna sa sala. Magpahinga ka dun nako" sabi ng lola ni Yale, ngumiti nalang din ako. Hinanap ko si Erie at nakita ko siyang naglalaro sa swing, nagbihis muna ako ng damit kase baka amoy pawis na ako.
Nang bababa na ako ay binitbit ko ang aking bag na may film cam, films, digital camera and battery. At sa hindi inaasahan ay nakasalubong ko si Austin sa may hagdan at parang kararating lang nila.
"Oh hindi ko inaasahan na makikita kita dito" namamanghang sabi niya at inilahad ang kamay, kaya nakipag shake hands din nalang ko sakanya kahit naiilang ako.
"ah oo nung 22 pa kami dito e, kakarating niyo lang?" tanong ko sakanya
"Oo, dumaan pa kami sa bahay nina Jed para sunduin ang mga helpers sa bahay nila" tumango naman ako bilang tugon tsaka sinenyasan na mauuna na ako pababa at tumango nalang din siya.
Pagkababa ko ay dumeretso na ako sa swing kung saan naruon ang mga pinsan ni Yale tsaka si Erie.
"Ate sit here beside me"pang aaya ni Erie sakin kaya dumeretso na ako sa tabi niya. Nilapag ko ang bag sa lamesa na malapit sa swing at kinuha ang aking digital camera at inayos iyon.
"Wow you have a camera, can you take a picture of me?" masayang sabi ni Erie na tumayo pa sa inu upuan tsaka siya nagsisitalon sa harapan ko
"yes sure, doon tayo" at inaya siya papuntang garden na may magagandang bulaklak, sa swing kase puro kahoy at grass kaya mahangin doon.
Itinuro ko kay Erie ang kanyang pose na gagawin at pinikturan siya. Nang matapos ang lahat ay umupo kami sa swing at kinandong siya para tignan ang mga kinuhanan kong picture. Busy kami sa pagtitingin ng biglang may nagshutter na camera sa harap namin.
Kaya napatingin kami at nakita ko si Yale na kinukuhanan kami ng picture ni Erie. Kaya naman nagpose pa kami ni Erie para maayos naman pagka kuha niya.
Nang lumapit siya ay inabot saakin ang towel, kaya binaba ko si Erie at sinabit sakanya yung camera, hindi naman yun mabigat.
Pinunasan ko ang likod at buhok ni Yale gaya kanina. Maga alas sais na pala. Hindi na daw kami kakain ng gabihan at magmemerienda nalang daw para mas marami kaming makakain mamaya.
"Woof!!!Woof!!" tahol ng isang aso kaya hinanap ko agad kung saan galing yun, wala naman silang aso dito nang makarating kami ha.
"Kenzo!" tinanggal ni Erie ang pagka sabit ng camera sakanya at maingat na isinuli saakin tsaka siya tumakbo at sinalubong ang aso.
"andito na pala sila bat hindi ko siya nakita kanina" sinalubong din ang kapatid tsaka kinuha ang aso sa kanya. "Kumuha ka nga ng treats niya doon sa loob Erie" utos nito sa kapatid at sa sobrang bait niya ay sinunod naman niya ang kuya niya.
"Ang cute naman, gusto ko rin ng ganito" sabi ko tsaka hinimas ang buhok ng aso. Inabot naman niya sakin ang aso tsaka kinuha yung camera saakin at isinauli sa bag.
"Kenzo pangalan niya, anak ko" pagpapakilala niya saakin sa aso.
"Kenzo, meet your mommy" nanlaki ang mga mata ko nang ipakilala niya ako sa aso ng ganun. Nabalik lang agad ako sa wisyo ng dilaan ng aso ang aking kamay. Kaya niyakap ko nalang din siya. Ang cute, isa siya pomeranian, gusto ko rin ng ganito e, kaso mahirap mag alaga kase busy naman kami lahat sa bahay.
"Here! The Treats!" abot ni Erie sa kuya niya yung mga pagkain ng aso. Naupo lang ako sa bench habang pinapanood ko sila na kalaro yung aso.
"Aria, tara dun tayo sa malapit na sunflower farm, maganda yung sunset doon" kinuha at isinabit ni Yale yung bag ng camera ko sa balikat niya at ibinigay sakin yung aso. Hindi naman siya makulit kaso medyo mabigat siya. Gamit ulit namin yung kotse nila, nagpaalam naman daw siya pero hindi manlang inaya yung mga pinsan niya.
Gaya nga ng sinabi niya ay malapit lang at mabilis lang kaming naka abot doon. Nagbayad siya ng entrance namin at dumeretso agad kami sa may magandang spot at nilapag niya yung bag ng camera ko sa isang lamesa. Para siyang picnic area kaso may mga tables. Pwede ring maglapag sa grass kaso wala kaming dala na tela para upuan kaya't umupo ako sa isang upuan at umupo naman si Yale sa tapat ko, sa likod ko ay sunflowers, masarap yung hangin dito.
Kinuha ko ang aking cellphone at kinuhanan ang aking paligid tsaka nilagay sa Ig story ko, nakakapag taka dahil may kinseng dm's e dati dalawa o tatlo lang yun. Pagka bukas ko ay unang lumitaw ang pangalan ni Iael na minention ako sa kanyang IG story. Inuna ko muna sa baba, puro react naman yun sa recent story ko na kasama si Iael papuntang Laoag, yung iba naman panunukso. Inopen ko yung DM sakin ni Yvo
@Ellavyou: Gaga ka, hindi mo sinabi na magkasama pala kayo, asus sapakin kita sa ngala-ngala e.
@Ellavyou: sana all kasama ang bebe pag bakasyon, when kaya?
@MissAlana_: edi jowain mo si Vincent diba.
@Ellavyou: Merry Christmas tanga, ano? Sinulit mo na ba na kasama ang isang Jediael Emmanuel Tulingan?
@MissAlana_: Merry Christmas din, pero aba gaga ka, sulit na to no. Sayang baka makuha ng iba.
@Ellavyou: aba e kung ganun, e sige na. Wag muna gagawa ng mini Jed at Aria ha ? Wala pa akong pan regalo sa magiging inaanak
ko.
@MissAlana_: Sino ba kase nagsabing kukunin kita bilang ninang?
@Ellavyou: aba bastos ka ha, pag ikaw talaga nagka anak, kukutongan ko sa bunbunan. Sige na, istorbo ka, may date ako.
Natawa naman ako sa mga pinagsasabi ng gaga. Tumikhim yung nasa harapan ko kaya naman ng tignan ko ito ay masama na ang tingin sakin habang kandong si Aliael na naka tingin din sakin.
"Sino yang kausap mo?" autoridad niyang tanong
"Ha? Si Yvo lang, binati ako kaya binati ko rin" tumango naman siya bilang tugon, tsaka ako bumalik ulit sa aking cellphone.
Sunod naman ng mga DM na yun ay puro pang aasar dahil magkasama daw kami ni Yale.
Nang huli na ay kay Yale dahil puro story siya mga ito kaya tinignan ko yun hanggang sa unahan.
1st story: yung papunta kaming ilocos na natutulog ako at may caption na "Cutie"
2nd story: yung nagluluto ako. "The best things in life are better with you"
3rd story: yung picture naming dalawa na tinatali niya buhok ko, stolen siya at naka credits pa sa isa niyang pinsan. "Two heads, one
heart"
4th story: yung picture namin na may mango pie na hawak. "My Peach Mango Pie"
5th story: yung kaninang nasa swing kami ni Erie . Puro wala nang caption, napaka ano namann!! Kinikilig na ako dito e
6th story: yung picture namin ni Kenzo. "ang cute nang mag-ina ko, sana kayo rin"
7th story: picture naming dalawa pero yung akin stolen. "Together is a wonderful place to be"
8th story: ngayon lang at kaninang nagcecellphone ako yun habang naka ngiti "Kung sino man kausap neto ngayon, usap tayo"
Mas natawa talaga ako sa caption. Ang gaganda rin ng kuha niya.
Hindi na ako naglagay saaking story, pinost ko nalang at tinag siya sa lahat. Busy naman siya sa pagpipicture. Kinuha ko ang aking digital camera at pinikturan sila ng kanyang aso.
Sunod naman ay puro pictures lang ginawa namin, mapa films at digital. Yung isa naming picture na tatlo kaming naroon ay nilagay niya sa cellphone case niya. Marami pang pictures ang naganap at yung iba pinost na agad namin sa aming socmed feed.
Nang lulubog na talaga ang araw ay niyakap niya ako mula sa likod habang hawak ko si Kenzo.
"I really enjoyed the time we spent together today,ikaw? masaya ka ba?"
"I have been so much happier since we started spending time together" mas lalo niyang hinigpitan ang kanyang pagyakap saakin.
"I think it's time we take our Talking Stage to the next level. Will you be my girlfriend?"
Nawala ang ngiti saaking mukha at napalitan ito ng pagka gulat. Totoo ba to?
"Kaso Jed.."
"It's okay babi. Maghihintay ako, kahit gaano pa yan katagal"sagot niya saakin kahit hindi pa ako tapos sa sasabihin ko. Hinalikan niya ako sa tuktok ng aking ulo, ngumiti nalang din ako bilang tugon sakanya. Siguro nga hindi pa to ang tamang oras para sabihin sakanya ang nararamdaman ko.
Nang magdidilim na ay napagdesisyonan na naming umuwi kase maghahanda na kami para mamayang hating gabi. Napatingin naman ako kay Yale habang siya'y nagdidrive.
Lord ganun na ba ako kaswerte dahil ganto ka gwapo tong binigay mo sakin? Hindi naman siya yung tipo ko sa lalaki pero bakit nahuhulog ako sayo? May mga gayuma ba yung mga binigay mo saakin? Pampa-amo? Ikaw ha, crush na crush mo 'ko. Pero nagugulohan pa rin ako, paano naging kasing bilis ni flash ka umamin sakin? E parang kailan lang nung nakilala kita/tayo.
Gusto ko ng mala lovestory sa libro ang aking lovelife pero Lord, sobrang sakit pala sa ulo pag nag-iisip ka? Lalo na pag walang utak.
Nang makarating kami sa bahay nila ay ibinaba ko na si Kenzo, ang cute din pala ng name ni Kenzo. Samin kase pag nagkakaroon kami ng mga alagang aso okay na samin yung mga Puti, Blacky, Brownie,Putot, Prince o Princess.
Nang maka pasok kami ay wala nang pagluluto pang ganap, nagkukwentohan lang sila at yung mga pinsan ni Yale ay nasa sala nag kukumpulan at nanonood sa laro ng dalawa nilang pinsan, parang salitan sila sa paglalaro na parang hindi naman masyadong mahirap at pwede para sa lahat.
Nakisali rin kami ni Yale sa laro kase talagang nagkakasiyahan sila. Lagi siyang panalo at ako naman ay minsan natatalo, kaya sa huli ay silang dalawa ni Austin ang naglaban para makapag laro ulit kami ng bago. Halatang kay Austin yung play station dahil kabisado nito lahat.
Natalo si Yale sa laro nila ni Austin kaya pinagtawanan lang namin siya.
"Madaya amp, wag mo naman masyadong ipahalata na sayo yung PS4" reklamo ni Yale dahil hindi nito tanggap ang kanyang pagkatalo.
"Ako lang to, Jediael" pang- aasar pa ni Austin kaya naman nagsuntokan pa silang pabiro at nagtatawanan at ni isa saamin ay walang umawat sakanila, hanggang sa kusa na rin silang tumigil dahil sa pagod.
Nang maga alas dose na ay hinanda namin ni Yale yung digital video camera ko kase wala lang, gusto lang namin. Pinapunta ko si Erie na harapin yung lens para matesting yung cam, nagsayaw-sayaw pa silang magpipinsan sa harap ng camera at hindi nila alam na naka play iyon. Yung digital kong camera naman ay naka'y Yale at yung film ang nasakin.
"5....4....3....2...." countdown naming lahat, hanggang sa pumatak na ang alas dose sa orasan ay bilang pumutok ang party popper at naghiyawan sila at nagbati'an.
Nag kumpolan kami at kumuha ng litrato, ayaw naman sumama nung isa nilang kasama dito sa bahay kaya siya nalang agpina picture namin, dalaga naman siya at may alam sa camera kaya pinagkatiwalaan namin siya.
Nang matapos iyon ay tumungo sa christmas tree at inaya si Yale na mag picture doon isa-isa. Nauna kong pinicture'an si Yale.
Sunod naman ay family picture, nagpicture kaming dalawa at kasama yung aso niya at kasama mga pinsan niya, ganun din ang ginawa ko sa mga pinsan niya.
Yung mga tito niya ay hindi na nagsolo talagang sama-sama silang mga lalake at tinaas yung hawak nilang beer. Mamaya na akong magpiprint at kakain na daw muna at mamaya na rin daw magbigayan ng regalo, ibuburn ko nalang yung video sa videocam ko at yung mga pictures sa isang CD at yun nalang pancregalo ko sakanila tsaka yung films na kinunan namin kanina.
Nagdasal muna kami bago kumain at pinangunahan ng lola ni Yale ang pagdadasal, habang naka pikit ako at nakayuko ay biglang may umakbay sakin, alam ko naman na si Yale yun dahil sa kanyang pabango at sa bigat ng kanyang kamay.
Nang magsimula na kaming kumain ay naka play pa rin yung videocam, minsan nangungulit lang ginagawa namin doon at sumasayaw tsaka nagtatawanan. Nilibot ko ang aking paningin habang silang lahat ay kumakain, ako'y tapos na sa pagkain dahil maliit lang naman nakakain ko.
Ang saya nilang tignan, nakaka inggit, buo silang lahat. Mararamdaman mo ang pagmamahal nila sa isa't isa kahit tinitignan mo lang sila. Napaka swerte ng mga anak nila.
Napatingin naman ako sa mga kalalakihan, napako ang paningin ko sa papa nina Yale, naka tingin ito kay Tita Eva na kumakain, yung tingin naparang kahit sandaling oras lang ay hindi niya kayang mawalay sa asawa niya. Makikita mo sa mga mata niya na mahal na mahal niya talaga yung babaeng tinititigan niya ngayon.
Minsan talaga ang hirap ding umilag sa mga bato ni satanas, tumingin ako sa may TV na naka play pa ang music video ng Make It Right ng BTS.
Napapa isip nanaman ako na siguro kahit buo kaming pamilya hindi kami ganito kasaya. Tinry naman nilang lahat ang paraan pero sadyang hindi talaga itinadhana ang aking mga magulang.
"Hmmm okay ka lang?" tanong ni Yale sakin kaya naman natigil ako sa pag-iisip. Tumango naman ako bilang tugon.
"Naku ang sarap naman nito Aria, jusko parang makakalimutan ko ang pangalan ng aking asawa sa sobrang sarap" biro ng tita ni Yale kaya naman natawa kaming lahat, kumuha na ang lahat ng tig-iisang mango pie. Itinaas ito ni tita na parang magchecheers pa sila gamit ang mango pie.
"Para sa bagong miyembro ng ating pamilya" tumingin naman sila saakin at pinagbangga yung mga hawak nilang mango pie na animong nagchi-cheers.
Siguro isasantabi ko na muna ang mga naiisip kong mga nakaraan at harapin ang nangyayari ngayong kasalukuyan.