Aria's P.O.V.
December 24, at ngayon yung araw na inutasan kami ni Tita na mag grocery para mamayang Noche Buena kase may mga kulang sa mga pinamili nila kahapon, so ako, si Yale tsaka yung dalawa niyang pinsang babae na mas matanda saamin ang maggro-grocery.
Gagamitin namin yung sasakyan nilang Hyundai Creta para may paglalagyan daw yung mga bibilhin namin.
"Kamusta gising?" tanong ni Yale nang buksan ko ang pinto ng kwarto namin ni Erie. Buti nalang pala hindi siya maligalig sa kama pero minsan dinadalaw kami ni Tita sa kwarto kase baka daw umiyak o ma ihi si Erie sa kama, lalo na't araw-araw siyang pagod sa pakikipag laro sa mga pinsan nila.
"Maayos naman, sayo?" tumango lang siya bilang tugon tsaka niya linahad ang kamay niya para ihug ako. Ang aga-aga pero amoy na amoy ko yung pabango niya.
"Halika na, kain na tayo para maaga tayong makakapag grocery" inakbayan niya ako at inakay pababa ng hagdan papuntang kusina nila, nag mano at goodmorning naman ako sa mga tao sa baba, yung mga tito nila nasa baba na rin at inaayos na yung paglulutohan nila at sila yung naka assign sa pagluluto, at magkakatay ata sila ngayong umaga para sa letchon. Ang saya ng ganito parang may pista.
Kagabi nga pala bago ako natulog tumawag muna ako kay mama. At hindi siya makakasunod dito kase busy sa resto. Si kuya naman makakasama nina mama na sa resto din magchri-christmas. Nakokonsensya tuloy ako, actually nabigay ko na kay mama yung mga pan regalo ko sakanila kaya wala nang problema. Magpapasko sila na nasa resto, pero panigurado may celebration sila pagka close ng resto, pag christmas season kase hanggang 12 lang yung resto pero ngayon baka hanggang 10 na lang.
Kumain lang ako ng pandesal na mainit pa at tsaka kape. Maga-alas sais palang, panigurado mga 7 or 8 magbubukas mga grocery dito. Nagkwekwentohan naman sila tsaka nagtatawanan, nakiki tawa nalang ako at sumasagot pag kinakausap ako dahil nakakahiya pa rin kase. Alam mo yung pag nakita mo silang magdala mahihiya ka kase feeling mo nasa baba ka pero pag nakasama mo na sila at nakakausap mo sila, alam niyo yung feeling na pantay lang, chill lang sila, lowkey ganun.
Gusto nga nila akong palutohin kahit isang putahe lang daw sa resto namin, nakakahiya namang tumanggi, kaya sabi ko gagawa nalang ako sa Peach Mango Pie, natutunan kong gumawa nun kay Ninong Ry sa Youtube. Nag insist naman si Yale na tutulongan niya daw ako. Kaya um- oo nalang din ako kase marami akong gagawin.
"Hay naku Aria apo, kung alam mo lang tong si Jediael nung bata napaka tuso"
"Ano ba la, nakakahiya" sabi ni Yale tsaka siya uminom ng kape, magkatabi kami sa upuan naka harap kaming lahat sa lamesa.
Pwera yung mga ibang kasama namin na mga bata pa kase natutulog palang sila at medyo mas maaga kase akong nakatulog kesa sakanila e. Tsaka nakakahiya pag bisita ka tapos late kang magigising pero para sakin nakakahiya yun ha, pero hindi ko alam pag sa iba.
"Hay naku, alam mo ba nung elementarya palang yan. May binatukan yan kase wala lang, trip niya lang daw" napatawa naman ako sa kwinento nila, putek nambabatok kase trip niya lang. Kung ako siguro yung ginanon niya baka saksakin ko siya ng lapis.
"Ay tsaka ang hilig mag paiyak ng bata yan Aria, yung mga pamangkin niya laging umiiyak pag siya na kasama kase paano ba naman kase sasabihing ampon sila, e uto-uto pa naman sila" natatawang sabi ng Lolo niya.
"Baka balak mong palitan sa truno si satanas" bulong ko sakanya, pinisil niya naman tong pisngi ko kaya pinalo ko kamay niya.
Marami pang kwentohan ang naganap, halos ikwento na nila lahat pati nung nagpatuli siya.
"Aba, okay na yung nagpalda ako no, kesa naman ikaw, tinadyakan mo yung ini-ingatan ni kuya Vanjo e kakatuli palang" natawa naman ako nung maalala ko yung ginawa ko kay kuya, inaasar niya kase ako e tapos ayun napikon ako kaya tinadyakan ko yung pinaka iniingatan niya.
"Nakakatakot tuloy pag nagka anak tayo na lalake baka tadyakan mo rin" napahinto naman ako sa pagi-isip sa sinabi niya. Hindi pa nga kami anak na agad sinasabi.
"Tigil mo kaka-pantasya mo" umiral nanaman yung kaka nguso niya, para siyang batang inagawan ng candy.
"Tignan mo magkatotoo to" mayabang na sabi niya sakin. Minsan nakaka kilabot mga pinagsasabi ni Yale e.
"Maligo ka na nga para mas maaga tayo, tsaka marami pa tayong maliligo" utos ko sakanya. Tatlo naman yung cr nila dito, sinabi ko lang yun para maiba na yung usapan.
Paano kaya no? pag si Yale mapapangasawa ko? hindi ko pa kase alam e kase ni minsan hindi yun dumaan sa isip ko, tsaka hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko sakanya. Iniisip ko pa minsan baka crush ko lang siya. Pero sana maghintay pa siya hanggang sa sigurado na ako. Ayuko namang masaktan siya.
Hindi nagtagal nababato nanaman ako ng mga bato ni satanas. Paano niya nasisiguro na gusto niya ako? E ilang linggo palang kami nung magkasama tapos transferee pa siya. Confess siya agad? paano yun? Hirap naman neto. Kasalanan mo to satanas , ayukong mag overthink, dapat fresh lang kase bakasyon to. Okay? Okay.
Mabilis naman kaming nakaligo at pumunta na agad kaming grocery. Kagabi pa pala nilista yung mga kailangan tsaka dinagdagan lang ng kaunti kanina kaya mabilis lang kaming nagka alis ng bahay.
Walang imik ang mga kasama namin sa loob ng kotse kase siguro nagkakahiyaan, minsan nagtatanongan pero nangibabaw parin ang katahimikan. Nang makarating kami sa isang malaking Grocery ay bumaba na kaagad yung mga pinsan ni Yale at sabing hihintayin daw nila kami sa harap kase magpapark pa kami.
"Nahihiya ka ba sakanila?" biglang tanong ni Iael sakin nang maipark namin yung kotse.
"Oo e, alam mo naman first time ko yung ganito" hindi ko na tinanggi sakanya para alam naman niya no at para pag naiilang na ako alam na niya agad. Kahit man gusto kong makipag socialize, ayaw pa rin ng katawan ko parang inaatake ako ng anxiety ko pag ganun.
"Sa una lang mahiyain yung mga pinsan ko pero pag nakasama mo pa yang mga yan, hindi ko pa alam kung makakaya mo ba kakulitan nila" sabi nito tsaka ako inakbayan ng makababa ako ng sasakyan, pinagbuksan pa niya ako ng pintuan, gentleman hmmm
Naglakad kami papuntang harapan ng grocery at gaya ng sinabi ng pinsan ni Yale ay hinintay nila kami sa harapan, hinati namin yung listahan para makapag hiwa-hiwalay kami para mas mabilis.
Si Yale ang taga tulak ng cart at ako naman ang taga lagay at taga tingin sa listahan, para siyang aso na naka buntot sakin. May mga ingredients na hindi ko maabot kaya ipina paabot ko kay Yale.
"Kunin mo na kase" inis na sabi ko sakanya kase hindi ko maabot yung Mayo!!
"Abot mo naman ata e, abutin mo muna tingin muna ng abot" pang- aasar pa niya sakin, inirapan ko siya tsaka sinubukang ubitin ulit ito.
Nang biglang may kamay na umabot dito. Unti- unti ko siyang hinarap, nagulat naman ako ng nasa harap ko yung dibdib niya at amoy ko pabango niya. Hindi si Yale to, iba amoy ng pabango niya e.
"Eto na miss, kanina pa kase kitang nakikita na inaabot yan at parang walang balak na tulungan ka netong kasama mo" ngiting abot hanggang tenga nito. Inabot niya ulit sakin yung mayo kaya kinuha ko na rin tsaka nagpasalamat, tumango naman siya tsaka umalis.
Tinignan ko naman siya hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.
Nabalik lang ako sa ulirat ko nang kinuha ni Yale yung mayo mula sa kamay ko tsaka binalik sa lalagyan at siya kumuha ng iba.
"Halika na nga, huwag mo akong kakausapin nababadtrip ako" hinawakan niya ang kamay ko tsaka ako hinihila papunta sa habilang station habang tulak-tulak yung cart namin. Tsaka aba siya pa may ganang ma bad trip? Kung hambalusin ko kaya to?
"O bakit? Kasalanan ko?" pang babalik kong pang asar sakanya. Bahala siya.
"Hindi!" mahinang sigaw neto sakin.
"Buti naman alam mo, deserve mo yan" sabi ko sakanya, wala naman akong ginagawa ha.
"Napaka dikit mo dun sa lalaki" lingon niya sakin, magkasalubong yung kilay niya tsaka namumula tenga niya.
"Gong-gong ka ba? Malay ko bang lalapit yun, pinapa abot kase sayo, nang- aasar ka pa Tapos nung may ibang umabot ikaw naman ang naaasar" oo pinapa mukha ko sakanya na mali siya.
"E ang cute mo kase e, nacucute'an lang naman ako kase ang liit-liit mo tapos hindi mo abot yung selves tapos eepal siya? hindi sana masarap handa nila mamaya" sabi nito tsaka ulit tumalikod sakin.
"Nagseselos ka ba?" tanong ko sakanya ng maglalakad ulit sana siya.
"Hindi"
"Nagseselos ka e, tingin nga ng itsura ng nagseselos na Jediael"
"OO ARIA, SELOS NA SELOS AKO" mas lalong nagka salubong ang kilay niya.
"Pero infairness ha, ang pogi niya tsaka mabango, mabait din at gentleman hmm" panga- asar ko sakanya
"Tigilan mo ko, hindi ako natutuwa" masungit na sabi nito. Tumawa nalang ako dahil sa itsura niya.
Hinawakan ko yung mukha niya tsaka inayos yung kilay niya gamit ang hinlalaki ko, kaya naman natanggal na yung pagka salubong ng kilay niya. Mas lalo namang namula ang tenga niya.
"Ano ba Aria, Tigilan mo nga yan" hinawakan niya ulit ang aking kamay tsaka iniwas ang tingin, mas lalo akong natutuwa sayo Jediael.
Habang naglalakad kami ay hinawakan ko ang braso niya, habang siya naman ay yung isang kamay niya kung saan ako naka kapit at yung isa ay ang tumutulak sa cart. Hindi naman ako magmumukhang koala dito ano?
Nang matapos ang pamimili ay umuwi na kami at saktong nagluluto na yung mga kasamahan namin ng mga pagkaing mahirap at matagal lutohin. Siguro mamayang mga 3 or 4 ako magluluto nung mango pie. Sa loob naman ako magluluto kase magaan lang naman daw yun kesa sa ginagawa nila na pang maramihan at mabigat.
"Ate Aria, Can you tie my hair?" sabi ni Erie sakin nang makita niya ako sa may kusina, tumulong ako sa paghihiwa. Buti nasakto namang tapos na ang paghihiwa nang dumating si Erie.
"Yung one lang? or braid baby?" umupo ako at pumantay sakanya.
"You can do braid? You're not busy?" inosenteng tanong niya sakin.
"I'm not, Halika sa sala tayo braid ko yang buhok mo" gaya nga ng sinabi ko ay tinirintas ko yung buhok niya.
May mga pinsan pa nilang lumapit sakin habang pinapanood ang pagtirintas ko sa buhok niya. Mababait silang lahat, medyo madaldal lang tsaka medyo may pagka makulit.
"Bleh, may hair has braid. It's beautiful now, not like yours" Pagmamayabang ni Erie sa pinsan niyang tahimik lang. Napansin ko rin tahimik talaga siya. Inosente naman siyang tumingin yung bata sakin na parang nanghihingi ng tulong at nagtatanong saakin ng 'how about me'
"Erie, Don't be like that baby dapat mabait ka kase christmas na" sabi ko sakanya
"E ate, she didn't share her toys to me" nag cross arms pa siyang humarap sakin.
"Kahit na baby, say sorry to her" sabi ko sakanya na mahinhinan kase baka magalit siya sakin.
"Okay sorry" sabi ni Erie tsaka niya ito hinug. "Ate can you braid her hair too?" tumango naman ako bilang tugon.
Pero natapos kaming naibraid ko silang lahat, okay lang kase naka ligo na naman daw sila para magpapalit nalang or halfbath mamaya.
"Paki tali na rin ako sayo babi" biglang bumulong si Yale sakin kaya naman nagulat talaga ako.
"ano ba Yale" sita ko sakanya.
"sorry HAHAHAHAHAHAHA" tawa niya saka tumabi sakin sa sofa. Hinug niya ang aking kamay, halatang halata na pagod siya kase tumulong siya sa pagluluto, pawis na pawis pa ang likod, at pati buhok basa dahil sa pawis pero hindi naman siya amoy pawis.
"Dito ka lang may kukunin lang ako, Erie kuhanan mo nga ng water si Kuya" sabi ko at tumango naman siya, si Yale naman para siyang batang galing labas at kaga-galing sa laro.
Dumeretso ako sa kwarto namin ni Erie tsaka kumuha ng towel sa bag ko at bumaba agad
Naabutan ko siyang naka tingala tsaka nakapikit at naka sandal sa sandalan ng sofa.
"Ayos ka lang?" tanong ko sakanya ng maka upo ako sa tabi niya.
"Ayos lang po" mahinhin na sabi niya.
"Talikod ka babi, pupunsan ko likod mo" agad naman siyang sumunod.
Habang pinupunasan ko ang likod niya ay bigla siyang lumingon sakin na nanlalaki ang mata.
"Bakit?" takang tanong ko sakanya.
"TINAWAG MO AKING BABI" Medyo malakas na sabi nito kaya tinakpan ko ang bunganga niya
"Hindi ko sinabi yun, sige na talikod na dahil basang basa yang likod mo o" sumunod naman siya, kung pwede lang ay pagbihisin na siya ay pinagawa ko na.
Nang okay na ay humarap siya sakin tsaka siya yumapak. Pinunasan ko nalang din ang buhok niya kase basang-basa talaga siya ng pawis.
"Alam kong maaga pa pero gusto ko nang sabihin sayo to, mamayang 12 pa sana kaso naisip ko hindi naman kailangan ng okasyon para sabihin sayo to, I love you babi" sabi nito sakin habang naka yakap siya, hindi ko alam kung ano ang isasagot ko, mag hintay ka lang Yale. Masasagot ko rin yan, hindi man ngayon basta maghintay ka lang.
"Inaantok ako" parang batang sabi nito sakin. Siguro sobrang napagod siya tsaka mainit kase dun sa pinang galingan niya.
Hindi nagtagal ang ganun naming posisyon na nakayakap siya sakin at naka sandal ang ulo sa balikat ko, ramdam ko ang paghinga niya sa leeg ko habang ako naman ay naka hawak sa ulo niya at hinihimas ang kanyang buhok gamit ang towel dahil inaya na kami ni Erie at kakain na daw kami nang tanghalian.
"Ikaw ha, you hug ate Aria" turo ni Erie kay Yale na naka harap samin kasi naka likod siyang naglalakad papuntang kusina.
"E ano naman? I love her e" ayaw talagang patalo sa bata amp
"I love her din naman a, that's why I hug her everynight before I sleep and while I'm sleeping. And she loves me too, she hug me din naman e." tsaka niya binelatan si Yale, ang cute nilang tignan
"Babi, hug mo rin ako everynight" pinanlakihan ko siya ng mata. Ano ba yan, parang sira, pero shyuuurrr why not ? We can talk about it naman diba??? Char, ano ba yan?!?!?!?! Kasalanan mo to Jam.
Humigit isang oras ata kaming nasa harap ng hapag kase nagkwentohan pa at nagu-usap pa sila kung ano pang gagawin mamayang notche buena.
"Ma! matutulog muna ako, isasama ko si Erie tsaka Aria sa kwarto" paalam ni Yale kay tita kase ala una palang naman. Sumunod naman si Erie saamin kase napagod din ata kakalaro.
"Palit ka muna ng damit baby" utos ni Yale sa kapatid niya
Kaya naman sa kwarto nalang namin siya makikitulog, kasya naman siguro silang magkapatid no? Hindi naman ako matutulog e.
Pagkatapos kong tulungan sa pag bihis si Erie ay nahiga na agad silang magkapatid.
"Sleep ka na, para tumangkad ka gaya sakin, hindi gaya kay ate Aria yung height" Kinuha ko yung towel na pinampunas ko sakanya kanina tsaka hinampas sakanya. Pinagtawanan naman nila akong magkapatid.
Nasa gitna namin si Erie, agad-agad naman siyang nakatulog na nakayakap pa sa teddy bear niya ginawang unan yung braso ni Yale habang hinahaplos niya ang buhok ng kapatid niya, si Yale ay nakiki nood muna sa pinapanood ko na parang naghihintay siya ng antok.
Nagulat ako ng bigla niyang maingat na binuhat si Erie papunta sa dati niyang pwesto. Nang mailapag niya ito ay nilagyan niya ng unan sa tabi nito para hindi siya malaglag tsaka niya hinalikan ito sa noo. Nang lumingon siya saakin ay para ngiti siya na parang may binabalak siya kaya nang lumapit siya saakin ay tumayo ako tsaka lumayo sakanya.
Natawa naman siya sa inasta ko. Nilahad niya ang kamay niya sakin tsaka tinapik sa tabi niya.
"Dito ka babi hug lang kita. Inaantok na ako e" kaya tumabi naman ako sakanya pero naupo lang ako sa tabi niya.
"Lagot ka pag nakita ka ni Tita" banta ko sakanya kase nakakahiya, hindi pa kami tas makikita kami sa iisang kwarto na magkasama aba hindi ko kakayanin ang kahihiyan pag ganun.
"Matutulog lang e, dito ka higa ka rin. Matutulog tayong tatlo" Pumagitna ako sakanilang magkapatid, maingat akong humiga tsaka humarap kay Erie. Naramdaman ko naman ang kamay ni Yale na pumulupot sa tiyan ko. Sa hindi inaasahan at nagulat din ako kung bakit ako humarap sakanya.
Nakita ko siyang nakapikit na namumula pa ang tenga. Mas lalo akong nagulat ng bigla siyang lumapit tsaka siniksik ang kanyang mukha sa leeg ko ramdam ko nanaman ang kanyang paghinga. Hindi naman agad ako naka galaw sa gulat. Parang naka dagan ang half body niya sakin, hindi rin nagtagal ay naririnig ko na ang malalalim niyang paghinga. Sign na tulog na talaga siya kaya hindi na ako nagreklamo. Ginawa niyang unan ang aking kamay kaya naman hinawakan ko ang ulo nya tsaka ko pinaglaruan ang buhok niya.
Parang hindi siya nagtrabaho kanina sa sobrang bango niya ha.
Hindi ko namalayan na nakatulog na rin ako at nagising lang ako ng maramdaman akong may naglalaro ng buhok ko tsaka may nanonood. Agad bumungad sakin ang dibdib ni Yale, nabaliktad naman ang posisyon namin, ako na ang naka unan sa kamay niya at nakasiksik ako sa balikat niya.
"Gising ka na" malumanay na sabi nito halatang kanina pa gising. Si Erie naman ay wala na sa tabi ko.
"Si Erie?"
"Bumaba na, naiihi daw kase siya kanina tapos ng pabalikin ko siyang matulog bigla namang hindi na daw maka tulog" napatango naman ako tsaka medyo lumayo sakanya at umupo, inayos ko ang buhok ko tsaka mukha ko kase baka may muta pa ako.
"Maga alas-tres na babi, magluluto na tayo mamaya diba?" tumango naman ako bilang tugon. Lumapit siya sakin tsaka ako niyakap ulit.
"Alis na diyan para makababa na tayo"
"Mamaya, payakap lang ulit. Ang sarap sa pakiramdam ng ganto, pakasalan na kaya kita?" naitulak ko naman siya sa sinabi niya.
"Bumaba na nga tayo, kung ano-ano nasasabi mo" tumawa naman siya tsaka tumayo at pinatay yung TV.