Jediael's P.O.V.
December 23 na, at sasamahan ko si Aria sa pagbisita sa papa niya, gamit namin yung isang sasakyan namin na naiiwan dito. Medyo malayo yung pupuntahan namin kase isang kalahating oras yung byahe, naging close naman si Aria at yung mga pinsan ko. Pero nung una nagalit siya sakin, bakit daw kase hindi ko sinabi sakanya na pupunta pala yung bothsides na mga kamag-anak nina mommy at daddy, pero buti madali naman silang pakisamahan. Mababait naman kase talaga lahi namin HAHAHAHAHAHAHA.
"Babi gusto mo drive thru tayo?" suggest ko sakanya habang siya nagcecellphone.
"Tigilan mo nga kaka-babi diyan" sabi niya sakin tsaka ako sinimangotan.
"E bakit? Ayaw mo?" sabi ko sakanya na umakto pang nagtatampo.
"Shhh ayusin mo nalang pagdidrive diyan, picture'an kita" sabi nito tsaka umupo paharap sakin, naka seatbelt naman siya.
"Ayan o diba ang cute ko" sabi nito tsaka siya tumawa at tinignan ko naman siya ng masama.
"Akala ko ba ako pinipicture'an mo?"
"Oo sinabi ko lang naman na pipicture'an kita, hindi ko sinabing pupurihin kita" sabi niya tsaka siya tumawa ng napaka lakas.
"Sige pagtripan mo ako Aria, mamaya ka sakin" natigil naman siya sa pagtawa tsaka siya umupo ng maayos.
"San tayo? Jollibee o Mcdo?"
"Sa Mcdo tayo" tumango nalang ako bilang tugon.
"Sa loob nalang tayo mag-order maraming nakapila sa drive thru o" turo nito nang malapit na kami.
Kaya naman ng nandoon na kami ay dali-dali akong naghanap ng parkingan.
Pumasok naman kami sa loob, medyo mas maganda nga dito kesa sa drive thru kase andaming tao talaga.
"Tignan mo sila o, ang cute magkapatid ata sila" sabi ng isang babaeng nasa likod namin, parang hindi naman narinig ni Aria yun kaya hinayaan ko nalang. Medyo mahaba yung pila kaya nagpaalam muna ako kay Aria na magc-cr muna ako kase naiihi ako.
Aria's P.O.V.
Pagkatapos magpa alam sakin ni Yale ay may dalawang babae na tumawag sakin mula saaking likuran.
"Hi po" sabi nang isa, anong kailangan nila? Hindi ko naman sila kilala. Posible namang kilala nila ako e first time ko dito.
"Hello, bakit po?" mabait kong tanong sakanila, mahirap na aba, dayo ako dito tapos magsu-sungit ako at baka ipa-abang ako naku wag naman.
"Ano pong pangalan nung kasama niyo kanina?" tanong ng pangalawang babae. Kasama? Si Yale? Iba talaga tong Tulingan na to.
"Ahh Jediael po, Bakit?" tanong ko sakanila.
Mukhang mas naging masaya pa sila na nalaman nila yung pangalan ni Yale. Paano kung sabihin kong bawal masaya?
"Ahh ano mo siya? Kuya? Kapatid?" tanong nung unang babae
"Kapatid?" natatawang tanong ko tsaka tinuro ang aking sarili. Pota? Mukha ba kaming mag-kapatid ni Yale? Napaka tangkad kase masyado e hmp
"Ah no girls, boyfriend niya ako" biglang sabi ni Yale tsaka niya ako hinawakan sa beywang.
Mukha namang nagulat yung dalawag babae kase hindi na sila sumagot after nun, nag bow nalang sila bilang paumanhin tsaka umalis. Sakto namang kami na next nao- order, si Yale na nagorder kase nakaka badtrip na nakakakilig ano ba yannn.
"Halika na, badtrip ka jan e, sino namiling pumasok nalang sa loob kesa mag hintay sa loob ng sasakyan? Ha? Halika nga dito" sabi niya tsaka ako hinila palapit sakanya at inakbayan.
"Halika na, anong oras na o tss" sabi ko tsaka siya tinalikuran at nauna nang naglakad palabas. Hinabol naman ako tsaka ako inakbayan ulit.
"Bat ka nagagalit sakin? Nag cr lang naman ako" tinaasan ko naman siya ng kilay
"Halika na para maka kain na tayo, bilisan mo"
Mabilis akong pumasok sa sasakyan kase mainit sa labas. Pero mas mainit pala dito sa loob sa kadahilanang hindi pa naka bukas yung aircon, putanginang buhay naman to o.
"Eto na pagkain mo" tsaka niya binigay sakin, hindi ko na inayos yung pagka bukas ng box ng nuggets dahil sa inis, malay ko ba kung bat ako naiinis, siguro malapit na ulit dalaw ko.
Nagdrive na rin siya pero hindi pa siya kumakain, bahala siya sa buhay niya, pake ko sakanya, ibalibag ko pa siya e, kasama nung dalawang babae kanina, tangina kapatid pota.
Pagka tapos kong kumain, binalik ko na sa paperbag yung mga kalat ko.
"Hindi ka kakain?" tanong ko sakanya, kase kanina sabi niya nagugutom siya, tapos ngayon tsk
"Paki kuha nga tas suboan mo ako" naka ngiting sabi niya, yung ngiti niyang nakaka loko.
"Nanga-asar ka ba?"
"Hindi bat naman kita aasarin? Nagagalit ka na nga aasarin pa kita? Ano namang mapapala ko diba?" naka ngusong sabi niya, dutdutin ko kaya nguso neto??
"Bat kase hindi ka pa kumain kanina?" tanong ko sakanya
"Aba anong oras na babi, traffic pag nagtagal pa tayo dun" palusot niyang sabi.
"Lusotan mo ano? Sarap mong bigwasan"
"Ano bang ikina gagalit mo diyan? Inaano ba kita?"
"Wala"
"E wala naman pala, bat ka nagagalit?"
"Wala nga"
"Ahh alam ko na,yung dalawang babae kanina no?" tanong niyang nanunukso
"Hindi a, asa ka, assuming amp" tumawa naman siya, ewan ko diyan. Naasar ako sa tawa niya. Kinuha ko yung paperbag tsaka ko pinaghahampas sakanya
"Ano ka ba, nagseselos ka dun? Sayo naman ako e" hinawakan niya yung kamay ko para pigilan sa pagpalo sakanya. Hindi ko alam kung anong irereact ko sa sinabi niya, bigla kaming natahimik pero naka tingin parin siya sakin. "Ano? Ngayon ka sumagot, wala ka pala e. Tara na subuan mo ako nung fries".
Sinunod ko nalang siya para mabilis na kaming maka rating sa bahay nina papa. Sana wala yung dalawang step sister ko dun kase nagkaka ilangan parin kami hanggang ngayon, malay ko. Wala na naman akong galit sakanila pero sila yung may galit sakin.
Lalo na kay Roxie, malay ko sa bruhang yon. Dati nung tinry kong matulog dun sa bahay kuno nila e ginupitan ba naman yung buhok ko, okay sana nun e kung maliit lang pero hindi! Half ng buhok ko ginupit nila, actually hindi pala siya yung nanggupit. Yung si Roxanne, yung bunso. Nung nagreklamo ako sagot niya sakin "BATA NAMAN YAN E! ANONG ALAM NIYAN?" gago ba sila? E kung bigawasan ko kay siya? Tsaka alam ko namang inutos ni Roxie yun kase bruha talaga siya at para hindi siya mapagalitan.
After nun umuwi ako kaagad kahit hindi pa ako nakakapag paalam sa papa namin at hindi na nasundan yung pagtulog ko nun, kung kukunin man kami ni papa naghohotel kami para kanya kanya kaming room.
Itinuro ko lahat kay Yale yung daan nung nasa Laoag na kami.
Nauna akong bumaba sa sasakyan ng makarating kami sa harap ng bahay. Sakto namang nagdidilig ng halaman si manang Grace kaya agad niya akong sinalubong ng yakap nang makita niya ako, si manang Grace ang naga alaga dito sa bahay ni papa nung nasa Cagayan palang sina papa. Hindi ko na pinapasok kay Yale yung sasakyan kase bibisita lang naman ako/kami.
"O sino naman tong pogi mong kasama? Nobyo mo na ba ito?" tanong niya sakin nang makitang pababa si Iael sa sasakyan.
"Ah hindi pa manang nanliligaw palang siya sakin" lumapit naman si Yale atsaka nagmano kay manang .
"Jediael po, pero tawagin niyo nalang akong Jed"
"O siya pasok kayo, wala sina Roxie pero si papa mo andyan" tumango naman ako bilang tugon, nakakahiya paring pumasok kase natayo lang naman tong bahay na to nung hiwalay na sina papa at mama tsaka hindi naman ako madalas dito. Okay naman kami nung stepmom ko, yung demonyitang stepsister ko lang ang hindi. Binibigyan niya rin ako ng regalo pag birthday ko tsaka christmas.
"Pa" sigaw ko nang makapasok ako sa loob ng bahay at nakita ko siyang garan naman lumabas ng kwarto tsaka siya bumaba.
"Andito ka, bat di mo sinabi para nasundo kita." Tsaka niya hinalikan ako sa noo. Hindi ko alam kung napansin niya ba si Yale.
"Nasakto pang wala yung mga kapatid mo, nga pala ang kuya mo? Tsaka san ka sumakay?" tanong niya sakin
"Pa si Jed, siya kasama ko papunta dito." Parang nag slow motion naman samin ang paglingon ni papa kay Iael. Hindi ko alam kung paano ko ba sasabihin kay papa na manliligaw si Jed sakin.
"O? kaibigan mo?" tanong ni papa sakin
"Ah manliligaw po niya Tito" sabi niya tsaka nilahad ang kanyang kamay para makipag shake hands.
Tinanggap naman ni papa yung kamay niya.
"Ah ikaw yung nakaka sama nina Roxie sa Cagayan diba? Yung kapitbahay namin dun? Akala ko kayo nga magkakatuloyan sa sobrang close niyo e" natawa si papa sa sinabi niya, pekeng tumawa naman si Yale tsaka siya kinakabahan na tumingin sakin.
"O halikayo merienda muna kayo" singit naman ni manang Grace tsaka niya hinanda ang mga cookies sa coffee table namin sa sala. Umupo naman ako sa sofa tsaka nagsalin ng juice sa mga baso.
Umupo nalang din si papa tsaka si Yale naman sa tabi ko umupo.
"Akala ko nga si Chris din makakatuloyan mo" napatingin naman si Yale sakin tsaka siya ngumisi
"Ah yung Chris ba Tito? Akala ko rin e pero nung nakilala lang ako ni Aria hindi na siya umalis sa tabi ko"
"Aba nagiging clingy ka narin anak? Akala ko ba mabilis ka ring macringe?"
"Oo nga tito e, gusto nga niya layuan ko daw yung mga babaeng pinagseselosan niya" nabuga ko naman yung iniinom kong juice dahil sa sinabi niya, SINUNGALING!!!
"Ay aba nagseselos kana rin? Bago yan nak ha?" Tumatawang sabi ni papa
"Bakit Tito? Hindi ba siya Selosa dati?" tanong ni Yale kay papa
"Hindi, kahit anong pa selos mo diyan, hindi siya nagseselos. Hindi ko lang alam sa loob loob niya ha pero sa mga nakikita ko, hindi naman" page explain ni Papa sakanya.
"Edi ang galing ko pala? Napapa selos na kita" bulong neto sakin
"Asa ka, lagot ka sakin mamaya sa sasakyan." Pang babanta ko. Lumaki naman ang mga mata niya tsaka niya tinakpan ang dibdib niya na parang mararape. Gago talaga to e.
"Eto Jed, tignan mo tong picture ni Aria nung bata" tsaka niya kinuha yung tatlo kong photo albums sa ilalim ng mesa. Lumapit naman si Yale sa tabi ni papa tsaka naki tingin sa mga larawan ko.
"Eto, before kami nag hiwalay ng mama niya" tsaka niya pinakita yung picture namin sa simbahan. Napayuko naman ako ng maalala yun, ang saya namin nun e pero hindi ko alam kung kami ba talaga, nung habang nagtitirik kami ng kandila, akala ko umiiyak si mama kase tears of joy o ano pero yun pala napag usapan na nilang maghihiwalay kinabukasan. Hindi ko alam kung alam ba ni kuya nung mga araw na yun yung nangyayari.
"Eto kinder siya neto, marami siyang pictures neto e kase natututo na siyang mag pictures nun" proud na sabi ni papa, picture ko nung graduation namin ng kinder, naka toga pa ako nun. Tumango tango naman si Yale na nakikinig sa mga paliwanag ni papa sa mga likod ng larawan ko.
"Eto picture unang picture na siya lang, nagulat nga ako e, five years old palang siya pero nakukuha na niyang magpicture ng mag isa" naalala ko yun.
Tinakas ko yung camera namin tsaka pumuntang park kase naga-away sina papa at mama nun, tsaka ko nilagay yung camera sa pwedeng patungan, hirap na hirap pa ako nun kase hindi ako marunong mag timer puta pwede pala yung ganun, paano ba naman kase icliclick ko yung shutter tapos tatakbo ako sa harap nun. Tapos biglang nahulong yung camera nun, kaya pinulot ko tsaka pinunasan yung lense, e sa hindi inaasahan naclick ko siya, kaya naisip ko. Hawakan ko nalang siya tsaka itinaas tapos ayun ang first selfie experience.
"Eto naman Jed, pinaka memorable to, Nanalo siya sa photography sa Regional contest." Proud na sabi ulit ni papa. First time ko nun, 3 days kami. Grade 3 ako nun, unang gabi palang nahohomesick na ako pero wala akong nagawa nun kundi magtiis kase ni isang family member nun wala akong kasama. Pero nung sumunod na contest na napuntahan ko, medyo naging okay na ako, doon na siguro ako nasanay.
"Eto Jed, 5th birthday niya" pinakita niya yung picture ko na yun, na may hawak na malaking balloon tapos sa isang kamay naman may hawak na cupcake. Ansayan ko nun kase siyempre birthday ko. Pero kinagabihan habang natutulog ko, nakakarinig ako ng ingay kase sa kwarto palang ako nina mama at papa nun natutulog, unti unti kong sumilip sa kumot ko, nakita ko kung paano saktan ni papa si mama nun, hindi ko pinaramdam na gising ako nun, as in kitang kita ko lahat, kung paano siya sampalin si mama ng kung ano anong nahahawakan niya at pinagbubuhatan ng kamay. Hindi ko alam kung paano ako nakatulog nung mga gabi na nun.
Kinaumagahan okay naman na, parang walang nangyari.
"Ah tito may copy po kayo nito?" tanong ni Yale tsaka pinakita kay papa yung picture ko nung first time ko sa EK. Naka hawak ako ng cotton candy at may mickey mouse na headband tapos sa likod ko yung fireworks. Ayun yung last na lumabas kaming buo
"Ah meron, teka kunin ko yung memory card ko at dun nalang iprint sa instax mas maganda" tsaka siya pumunta sa kwarto nila. Lumapit naman si Iael sakin.
"Okay ka lang babi?" tanong niya ng mapansin sigurong tahimik ako at hindi umiimik kaninang nagkwekwento si papa.
"Okay lang" sabi ko tsaka siya hinarap para ayusin yung buhok niya. Ngumiti naman siya tsaka hinawakan yung kamay ko kaya napatigil naman ako sa pag ayos ng buhok niya. Binaba niya ito tsaka hinalikan sa likod nito at ayan nanaman yung parang may mga paru-paru naman na nabuhay sa loob ng tiyan ko.
"Ang ganda ganda mo, ang swerte ko sayo" hindi agad ako nakasagot sa sinabi niya, gusto kong umiyak pero mas naunahan ako ng kilig ko. Naramdaman ko naman ang pag init ng pisngi ko.
"Jed halika dito anak, may ipapakita ako sayo" sabi ni Papa nang makalabas siya ng kwarto nila, tsaka pumunta sa isang kwarto pa, malay ko diyan hindi naman ako natutulog dito.
Tumingin muna si Jed sakin na parang nagpapa alam, tumango naman ako. Pumunta naman ako sa kusina para tumulong kay Manang Grace sa pag luluto.
"Marunong ka na bang magluto?" tanong ni manag ng nasa kusina na ako.
"Oo manang, minsan tumutulong ako sa Resto ni Mama" sagot ko
"Ah mabuti naman kung ganyan, e ang kuya mo? Kamusta?" nang kwentohan naman kami ni manang ng marami hanggang sa bumaba na yung dalawa.
"Babi tignan mo" sabi ni Jed tsaka nilabas yung wallet niya tsaka pinakita yung film picture ko. Pati sa likod ng cellphone niya meron din.
"Akala ko ba yung isa lang?" tanong ko sakanya
"Hindi ayos nato, pambugaw ng masasamang espirito" sabi nito tsaka tinago yung cellphone niya at wallet. Kinurot ko naman siya sa tagiliran niya, gago ba siya? Pambugaw putangina.
"Kain na tayo" paga aya ni papa samin kaya natapos agad yung pangungurot ko sakanya.
Marami pa kaming naging usapan ni Papa nang maghahapon na ay napagdesisyonan namin ni Yale na umuwi na.
"O siya, mag ingat kayo. Sayang hindi niya na naabutan sina Roxie" pang aasar pa sakin ni papa, akala niya siguro selos na selos ako. Tsk ang panget panget ni Roxie, mukha siyang talampakan ko.
"Una na kami Tito, Ingat po" sabi niya tsaka nag bow, ganun din kay manang.
Nang makapasok kaming sasakyan ay napa buga naman ako ng malaking paghinga.
"Ayos ka lang?" tanong niya ulit, tumango naman ako tsaka inayos yung seat belt ko. Humarap naman siya saakin tsaka inayos yung buhok ko at inipit sa likod ng tenga ko
"Ngiti ka na, dadaan tayo ng Nuggets mo para hindi ka na sad" hindi ko naman sinabi sakanya na malungkot ako. Ngumiti siya sakin ng pagkalaki-laki at hinalikan ako sa noo. Gumaan naman ang pakiramdam ko sa ginawa niyang yun.
Habang bumabyahe, inopen niya yung bluetooth ng sasakyan nila tsaka kinonect sa Apple Music niya, kanta agad ng LANY agad yung bumungad. Yung ILYSB.
Oh, my hearts so good
I love you babe, so bad, so bad, oh
Oh, my hearts so good
I love you babe, so bad, so bad, oh
Oh, my hearts so good
I love you babe, so bad, so bad, oh
Sinasabayan pa niya yung kanta, palihim ko namang siyang kinukuhanan, hanggang sa matapos yung chorus.
Unti-unti na ring tumatap yung paa ko at sumasabay na sa kanta.
And you need to know
You're the only one, alright, alright.
And you need to know,
That you keep me up all night, all night.
Napatingin naman siya sakin ng sabayan ko yung kanta na parang hindi inaasahan na sasabayan ko siya. Ngumiti nalang ako sakanya pabalik tsaka tinuloy ang pagkanta. Hanggang sa ganun na minsan sumisigaw na kami sa loob ng sasakyan maabot lang yung high notes ng kanta na naka play. Ang saya ko, first time ko yung ganto, I mean oo nagpapatugtog naman ako pag bumabyahe kami kaso naka earphones ako tapos mga kanta ko mga emo emo ganun tas naka tingin pa ako sa bintana iniimagine ko na ako yung nasa music video. Pero yun ganito? Vibes. Gusto ko ng ganito. Hindi ko inaasahan na siya pa ang magpaparamdam sakin ng gantong kasaya.
Our love will never end, no
You'll always be apart of me
I'm part of you indefinitely
Girl don't you know you can't escape me
Oh darlin' 'cause you'll always be my baby
And we'll linger on
Time can't erase a feelin' this strong
No way you're never gonna shake me
Oh darlin' 'cause you'll always be my baby
Nang matapos ang mga linyang yun, kinuha niya ang kamay ko tsaka niya ulit ito hinalikan, hindi ko naman maiwasang maiyak sa sobrang saya. Thank you Lord, naranasan ko nanaman yung ganitong saya.
Binaba ko naman ang cellphone ko mula sa pagka video ka sakanya para pumasan yung luha ko.
Tumawa naman siya tsaka ako sinenyasan na lumapit sakanya, pinahid ko naman ang luha ko tsaka ako lumapit. Niyakap niya ako na gamit ang isa niyang kamay. Pero siya naka tingin parin sa daan. Ang landi landi kase neto paano kung maano kami?
Halos buong byahe hawak niya kamay ko, hanggang maka abot kami sakanila. Naka tulog naman ako ng kaunti kase siguro dahil sa pagod, may mga dinaan naman kaming mga magagandang lugar para mag picture, buti dinala ko yung digital camera ko.
Hanggang sa matapos ang araw na yun, hindi pa rin matanggal yung sayang naramdaman ko. Barang naka sakay ako sa ulap sa sobrang saya, sana laging ganito..
MUSIC:
ILYSB - LANY
ALWAYS BE MY BABY - DAVID COOK