Jediael's P.O.V.
"IKAW"
Nagulat kami ng magsigawan sina Tita Veron tsaka Mommy. Magkakilala ba sila?
"Gaga ka, ang tagal mong nawala!" sabi ni Tita Veron kay mommy.
"Hay naku, ganto talaga pag maganda no, kung saan saan dinadala ng asawa" sabi naman ni mommy. Nagtawanan pa silang tatlo nila tita na parang matagal nang magkaka kilala
"Ay wow nahiya naman akong Single Mom." Nag apir pa sila tapos nagyakapan. Magkaibigan sila dati?
Nang tignan ko si Aria naka tingin lang din sakanila na parang nagugulohan din.
"Teka, ikaw mama ni Aria?" tanong ni Mommy sakanya, sakto namang pumasok si dad. Si Tita parang kilala din niya. Teka ano bang nangyayari?
"Oo gaga ka, o diba ang ganda, mana sakin yan" sabi ni Tita Veron tsaka nag hair flip.
"Gaga siguro ikaw lang nag enjoy noon no?" naka ngising sabi ni mommy
"Aba'y mabuti na yun, atleast nasulit bago maghiwalay at naka dalawa pa kami" Tapos nag apir ulit sila. Paano sila magkakilala???
"Ay oo nga pala, Ipagpapa alam ko sana tong anak mong bobita ka" sabi ulit ni mommy.
"Ay san punta niyo? Teka nanliligaw tong anak niyo sa anak ko ha, sabihan mo tong si Jed na huwag muna niyang itatanan tong anak ko" nagulat naman ako sa sinabi ni Tita Veron..
"Baliw ka talaga Veron, hindi naman gagawin ng anak namin yun" sumbat naman ni Dad.
"Aba malay ko ba, baka sayo nagmana si Jed kase tinanan mo tong si bestfriend kong si Eva at buti hindi Adan ang ipinangalan niyo kay Jed" nagtawanan sila after nun, si Aria nakikitawa nalang din pero naka upo na siya sa tabi ng kapatid ko.
"Parang gago naman to, nilantad pa sikreto namin. Oo nga kase magbabakasyon kami sa ilocos,baka gusto niyong sumama, huwag kang mag alala malayo yun sa ex mo" sabay tawa ulit ni Mommy.
"Hay naku, wrong timing naman. Malakas benta ngayon kaya kailangan ako dito" sabi ni Tita
"Edi si Aria nalang isasama namin, ikaw pa na papakainin ko" biro ni Mom
"Aba bobita ka, kung sikmuraan kaya kita ngayon dito sa mismong resto ko" biro din ni Tita
Marami pang kwentohan ang naganap, pero hindi na kami umimik nila Aria kase napaka ingay nila Mom tsaka Tita Veron, pati tita ko tsaka si dad ko sumali narin sa kwentohan nila. Nang maga alas nuebe na, napag-pasyaan na naming umuwi kase inaantok na si Erie, tsaka medyo malayo bibyahein namin.
"o sige, Aria itetext nalang ni Jed mga agenda ha? Una na kami" paalam ni mommy.
Nagpaalam nalang din ako tapos niyakap ko si Aria bilang paalam sakanya, tumango naman siya after ng yakap at bago ako tumalikod. Bitbit ko yung bag ni Erie habang buhat siya si Dad.
Pagka uwing- pagka uwi namin, tinext ko na siya agad. At kasama namin siyang maggrogrocery bukas.
Aria's P.O.V.
Napa aga ako ng gising kase maggro-grocery kami nina Yale. Mamayang 1pm.
"O ingat ka ha, mauuna na ako sa Resto" sabi ni mama sabay halik saaking pisngi.
Tumango naman ako bilang tugon. Medyo excited ako kase makakasama ko yung family ni Yale tsaka first time kong maipakilala sa side ng lalake.
Nagjeans nalang ako tsaka hanging polo shirt, Hindi na daw kami lalabas ni Yale sa Thursday kase kasama na naman ako sa trip nila at tsaka yung nangyari sa resto nun, magkakakilala pala talaga sila since highschool. Sila nina tita Yna basta yun na yun.
*DING *DONG*
Ayan na baka sina Yale na yan
Tinakbo ko mula sa sala namin hanggang sa gate kase nakakahiya naman kung magbabagal bagal pa ako dito e sinundo na ako tapaos ganun.
Pagka bukas ko ng gate si Yale ang bumungad sakin na hawak ang kamay ni Erie na may hawak ding stuffed toy. Naka tingala pa siya sakin. Ang cute niya talaga, naupo ako para magka pantay kami.
"Hi ate Aria" sabi ni Erie nawinawagay-way yung kamay niya na may hawak na stuffed toy.
"Hello baby" sagot ko rin tsaka siya niyakap at niyakap niya rin ako pabalik.
"Tara na, hindi pa kami kumakain e, late kami nagising" sabi ni Yale.
Pagka tayo ko naman sinalubong ako ni Yale ng yakap, naramdaman ko naman ang init sa mukha ko. Medyo nahiya naman ako kase baka nakita nila Tita tsaka Tito.
"Hi po" sabi ko nang papasok kami ng sasakyan nila, ang bango ng loob. Yung amoy na hindi ka mahihilo. Yung kay mama kase medyo nakakahilo yung amoy ng sasakyan niya, tumugon naman si Tita Evatsaka tumango naman si Tito Jun.
Nasa likuran ako ni Tita Eva tapos si Erie nasa pagitan namin ni Yale pero share ko lang guys, nahihilo talaga ako pag hindi ako sa harap or sa gitna pero kailangan kong magtiis kase nakakahiya naman.
Siguro mga 20 minutes yung byahe namin kase medyo malayo tong pinuntahan naming mall.
Kumain muna kami kase sabi nga ni Yale hindi pa sila kumakain.
After nun dumeretso na kami sa grocery store.
Kumuha sina tita ng tig iisang cart, pero yung samin ni Yale ay iisa lang kase pagkain tsaka pang hygiene lang naman kukunin ko.
Halos isang oras ata kami sa grocery store kase medyo maraming tao tsaka maraming pinamili sina Tita.
After nun napagdesisyonan ni Tita Eva na magshoshopping daw muna kami ng damit. Nang patungo kami sa isang store na puro branded nakasalubong namin si Sadie. Naalala niyo ba siya? Yung ano ni Yale taena ano ba ulit? Basta yun na yun.
"O my gee tita, we meet again here." Sabi niya tsaka niyakap si Tita at Tito. At kiniss sa pisngi si Erie na buhat ni Yale. Napatigil naman siya ng makita akong nasa tabi ni Yale, ang panget magulat ni gago.
"Saan ka pupunta Sadie? Sama ka samin magshoshopping kami, kasami namin si Aria nililigawan ni Jed" sabi ni Tita Eva.
Hinawakan naman ni Yale yung kamay ko, siguro hindi alam ni Tito at Tita yung masamang pagitan namin HAHAHAHAHA.
"Oh sure tita" sabi nito tsaka niya niyakap si Tita sa braso na parang pinapakita sakin na close sila ni Tita Eva. Sumunod nalang din kami nina Yale tsaka Tito.
Tingin ng tingin si Yale sakin, akala niya siguro nagseselos nanaman ako. Parang gago naman, ako magseselos? Sapakin ko pa sila sa ngala ngala e.
Habang nagshoshopping kami humiwalay kami ni Yale. Nasa mga vintage shirt kami, habang sina Sadie ay nasa Part na tops na yung mga trending tagala, hindi ko alam tawag dun.
"Okay ka lang ba?" tanong niya sakin.
Tumango naman ako bilang tugon. Hindi ba siya nabibigatan kay Erie? 8 palang naman si Erie pero matangkad siya.
"Aria halika dito nak, maganda sayo to!" sabi ni tita Eva habang naka hawak sa isang dress na parang Korean Dress. Tumingin muna ako kay Yale at Tito na naka upo sa gilid. Si Erie nakay Tito na.
"Ahh tita hindi po ako nagdadamit ng Sleeveless" sabi ko kase akala ko full dress, sleeveless pala.
"Tita hayaan mo na, parang hindi naman bagay sakanya yan, akin nalang tita" sabi ni Sadie tsaka aaktong kukunin yung dress, hindi ko alam kung nang aasar ba siya o ano.
"Ay hindi, kay Aria bagay to. Halika nak, sukatin natin" sabi ni tita tsaka ako hinigit papasok.
Naging bagay naman sakin yung mga binibigay ni tita, medyo nakaka ilang lang kase tumititig si Yale sakin. Lahat naman ng binibigay sakin ni Tita kinokontra ni Sadie pero sa huli binibigay parin sakin ni Tita, yung iba siya na rin nagbayad, medyo nakaka hiya lang. Kaya yung half ako na nagbayad. Si Yale na nagbuhat ng mga binili namin. Si Sadie umalis na agad kaninang nagbayad kami ng Damit. Wala na, Literal na sad na siya.
Napag pasyaan namin umuwi ng maga alas sais na pero ako nagpahatid ako Resto kase mabobored lang ako sa bahay.
Nagtext sakin si Yale nang maka uwi na sila, ako naman ay tumulong muna sa pagseserve.
"Goodnight babi" sabi ni Yale nang patapos na yung facetime namin.
"Goodnight" sagot ko
Umakto pa siyang ikikiss yung camera sa cellphone niya kaya natawa naman ako.
Thusday, December 22, ngayon at medyo busy ako sa pagi imapke. Doon kami magpapasko, susunod nalang daw sina mama or baka sa new year na ako kay mama, sa pasko bibisita nalang ako kina papa doon. Pag pasko tsaka bagong taon, salitan sina mama at papa saamin ni kuya.
Kumuha ako ng mga damit tsaka undergarments ko. Siyempre kinuha ko yung digital tsaka film camera ko tsaka kinuha ko lahat ng films kong isang bag, mas okay na yung handa no. Doon nga pala sa pupuntahan namin, bahay bakasyonan nina Tita Eva, in short dun daw sila nagtanan nina Tito Jun. Yun lang nakwento ni Yale sakin nung nagfacetime kami.
Si mama naman busy sa Resto, si Kuya naman busy sa pag-aaral. Magdo-doctor kase siya, hindi halata ha kase nung nadapa ako sabi niya tanggalin ko nalang daw paa ko ang bobo ko daw kase. Hindi naman siya kasing sama ano?
Maaga akong natulog kinagabihan kase alas-tres susunduin na nila ako, at saktong alas-tres naman ng madaling araw yung pagsundo sakin. Gumising ako at kasama ko namang naghintay si mama nun sa sala kase ala una palang gising na ako tsaka ako naligo.
Hinatid naman ako ni mama ng dumating sina Yale dito sa bahay pero buti nalang Van yung ginamit nila para hindi ako mahilo.
Pero sosyalin tong van nila, para siyang nacostumized na Van ay hindi parang, nacustomized talaga siya, kase may dalawang kama siya, yung isa single bed, yung isa parang queen size bed basta pang dalawahan. Sa pinaka likod nga lang. May isang couch sa unahan kung saan kami naka upo ni Yale . Artista Van ata tawag nila sa mga ganto o camper Van. Tapos may TV tsaka may malaking speaker sa gilid gilid.
1 week lang naman kami dun pero mga bagahe namin puro maleta. Yung mga maleta namin tsaka ibang bagahe, may lalagyan din.
Nakaka inngit, gusto ko rin ng ganto. Si Erie likod kasama si Tita Eva pareho silang natutulog, si Yale naman parang inaantok minsan pumipikit-pikit pa siya.
"Inaantok ka ba? Tulog ka muna " sabi ko sakanya, Si Tito Jun salitan daw ata sila nung driver nila kaya nasa pinaka harap sila ngayon tekaa ano ba tawag dun??
"Ikaw hindi ka ba inaantok?" tanong din niya.
"Hindi pa e, siguro mamaya. Matulog kana muna, sandal ka sakin" Para mas komportable naman siya sa pagtulog. Kumuha siya ng unan sa ilalim ng upuan tsaka nilagay sa hita ko.
"Dito nalang ako" sabi niya, tumango nalang ako. Medyo hindi na ako naiilang kase minsan ganun din naman si Kuya sakin nun pag bumabyahe kami nila mama dahil nagsasalitan din sila.
Napahinto ako sa paghinga ng humarap siya sa tiyan ko. Parang gago to, nakaka hiya tuloy huminga tsaka gumalaw. Kinuha naman niya yung kamay ko tsaka intertwined ang mga ito. Pinagsa walang bahala ko nalang lahat ng mga yun tsaka nanood ng Descendants 3, favorite ko kaya tong mga to, kahit eto pa papanoorin ko araw- araw.
Hindi rin nagtagal e nakatulog ako, nagising nalang ako na nakasandal kay Yale , nag stop over muna kami para kumain, anim oras kase yung byahe papuntang Ilocos. E alas sais na kaya kakain na daw kami
Buti nalang pala naka hoodie ako, tsaka jogging pants, baka daw kase malamig yun ang sabi ni Yale sakin nung nagfacetime kami kaya hinanda ko tong damit ko pero mainit naman daw sa Ilocos. Sina Tita naka pajama pa tsaka sweater, si Yale naka hoodie rin tsaka pajama, pero yung pajama niya pwede pang street fashion. Bat kase ampogi pogi ng hinayupak na to!
Pagkababa namin ng sasakyan, malamig pa sa labas. Hinintay muna namin si Tita na nasa loob pa ng sasakyan kase maga ayos pa daw siya. Hinawakan naman ni Erie yung kamay ko pagkababa niya ng sasakyan halatang kagigising palang, kinukusot pa yung mga mata niya. Umupo naman ako para pantayan siya, tsaka ko inayos yung buhok nila, magkahawig sila ni Tita Eva sa mata tsaka sa ilong. Parang kay Tito Jun nila nakuha yung bibig nila.
Nag thank you naman siya ng maayos ko yung buhok niya. Nang makababa na si Tita ay pumasok na kami sa isang kainan. Nag bacon tsaka egg lang ako tsaka nag coffee baka kase masuka ako, mahirap na. Minsan hindi ako nasusuka dahil sa sasakayan or sa daan, kundi sa mga kinakain ko rin.
Nagkwentohan muna kami tsaka kami binilin ni Tito na bumili ng mga cupcakes na nasa harapan ng kinainan namin para daw may kainin kami sa daan pag nagutom at dagdag sa baon dun sa Ilocos. Marami naman daw silang kamag anak dun, sa side ni tito kaya bumili pa kami ng para sa pasalubong.
Nang maga alas siyete na ay pumasok na kami sa Van tsaka ulit kami bumyahe. Si Erie nasa pagitan namin ni Yale. Sina tito tsaka Tita naman nasa harapan na at yung driver nila siya naman yung natulog sa pag isahang kama at si Tito na nagdidrive.
Maga alas-otso na ng maka rating kami, sa isang malaking gate kami pumasok. May mga iba naga abang na sa labas ng bahay nila, hindi ko naman alam na ganto pala sila karami dito. Medyo nahiya na tuloy ako. Hinawakan naman ni Yale nang mapansin niyang hindi ako komportable.
Nang bumaba kami ng sasakyan ay isang magandang bahay ang bumungad saakin, yung mga iba sinalubong sina Tita tsaka si Erie.
Yung mga iba nagtataka kung sino ako, base sa expression ng mukha nila. Inaya ako ni Yale papasok ng bahay nila habang yung isang kamay niya ay hawak yung maleta ko. Bumungad naman saamin yung sala nila. Siguro may care taker dito kase napaka linis, halatang busy silang lahat sa pagluluto.
"Sino naman tong magandang dalagita Eva, ipakilala mo naman samin" sabi ng isang ale. Aapat lang sila dito sa sala.
"ah nga pala, Si Aria auntie, nililigawan ni Yale" pagpapakilala naman ni Tita sakin, nag bow naman ako tsaka nag mano sakanila.
Natawa naman si Yale sa inaasta ko, hindi naman niya kase sinabi na pupunta mga kamag-anak nila. Bigla-biglaan kase, ayan tuloy nahihiya ako at hindi ako nakapag prepair.
Ngiting-ngiti naman yung mga ibang ale nung magmano ako sakanila. Puro pagpupuri naman narinig ko sakanila.
"kaya pala pinalinis mo yung isang kwarto, akala ko sa kaya na ni bunso matulog sa iisang kwarto, puro pink na pambata tuloy nilagay namin" sabi ng isang ale.
"I'll sleep next to ate Aria" tumatalon talon pang sigaw ni Erie, halatang masaya siya pag nakaka sama niya ako.
Inutosan naman kami ni Tita Eva na mag ayos na ng gamit sa mga kanya-kanya naming kwarto. Gaya nga ng sabi ni Erie ay magkatabi kami at nasa iisang kama lang kami. Hindi pa sana papayag si tita kanina kaya sinabi kong okay lang na magkatabi kami.
Si Yale naman nasa kabilang kwarto. Magpahinga daw muna kami, gigisingin nalang daw kami ni Tita mamaya.
Habang nakahiga napa isip naman ako, siguro hindi naman ako maiilang na kasama mga kamag- anak nila Yale, parang madali lang naman silang pakisamahan tsaka parang mabait naman sila. Hindi ko pa nakikita mga pinsan ni Yale kase tulog pa daw sila. Sana ganun din sila sa mga ale sa baba kase ramdam ko din naman na welcome ako sakanila, sana nga.