Chapter 13

2222 Words
Aria's P.O.V. After nung usapan namin ni mama, inaya niya akong sa resto nalang tumulong or tumabay kase wala naman daw akong ginagawa dito sa bahay. Hindi naman ako natagalan sa pag gayak kase nakaligo na ako, magbibihis nalang tsaka naghilamos lang ako. Hindi naman malayo yung VMK dito samin kaya si mama na nagdidrive pag sa VMK yung punta namin, tsaka may sariling sasakyan si mama, may sasakyan naman kami na para saaming lahat, pag bakasyon kase kasama minsan namin ni mama yung mga katulong sa bahay kaya may van kami. "Ikaw ha, hindi mo sinabi na nanliligaw pala si Jed sayo. Nakakahiya, pinatulog natin sa sofa nung nagka sakit ka tapos inalagaan ka pa niya, pero buti naman at ganun siya at mababawasan yung sakit ko sa ulo" daldal na sinasabi ni mama sakin habang nagdidrive siya. "Ano ba ma, hindi pa siya nanliligaw sakin nun. Tsaka ang oa mo ha? Hindi naman ako nagdudulot ng sakit sa ulo sayo, baka si kuya mas maniniwala pa ako" hindi alam ni mama na nakatulog si Yale nun sa kama ko nung hinihintay niyang magising ako. "Oh aba ba't ka namumula diyan, asus tong anak ko ke landi. Iniisip mo si Jed no?" inirapan ko naman siya, kase umoobra nanaman yung kakulitan niya. "Ano bang pinagsasabi mo ma? Kung ano-ano po lumalabs sa bunganga mo" Tumawa naman siya. Hindi ko talaga minsan maintindihan mga trip ni mama sa buhay. "E bat ka kase namumula diyan? Pag nakita ko ulit si Jed, sasabihin ko sakanya na iniisip mo siya tapos may papula-pula effect ka pa sa pisngi." Pangaasar niya sakin. Hindi ko na siya pinatulan kase mas lalo niya lang akong aasarin. Tumingin nalang ako sa labas ng bintana at sinuri yung mga nadadaanan namin. Natigil si mama kase nag red light at nasakto pa naman siya sa sasakyang may asong naka labas yung ulo sa bintana, ang cute naman. Tumahol yung aso dito sa banda ko kaya parang tumingin din yung may ari ng sasakyan, buti hindi ako kita dito sa loob. Sana magkaroon din ako ng aso ulit. May alaga kami dati ni kuya, snow pangalan niya. Pero namatay siya kase naka kain ng mga loom bands na ginagawa kong bracelets ko dati. Kaya after nun hindi na kami nagalaga ng aso. Sa pag da daydream ko, Agad naman na kaming naka rating sa VMK. As usual maraming tao, hindi na ako nagdalawang isip pa, kumuha agad ako ng apron para tumulong sa pagseserve. Sana hindi ko maen counter ulit yung gaya ng ex ni kuya, kase baka mabigwasan ko siya ng wala sa oras. Ganoon ang routine ko maghapon, hanggang sa mag gagabi na. Medyo mas dumami ang mga tao. So nasa hinatayan ako ng mga waiter dito samin, yung mga iba nahihiya pa sakin e wala naman talaga akong hiya HAHAHHAHAHHAHAHHAHHAHHA. "Aria sa long table 2 ka" sigaw ng pinaka head nila dito ng mga server. Tumayo na ako galing sa pagkaka upo tsaka kinuha yung menu. Pagkalabas ko ng kwartong iyon dumeretso na ako ng tingin sa table 2 at hindi ko inaasahan kung sino yung mga taong kasama niya AT SIYA MISMO. BAT SIYA ANDITO? Bigla akong naka ramdam ng kaba at excitement saaking dibdib, taena bat ba ako nakaka ramdam ng ganito e wala naman akong dibdib yawa. Tumikhim muna ako tsaka ako ngumiti nang makalapit ako sa table nila. "Ate Ariaaaaa!" excited na sigaw ni Erie tsaka siya tumakbo sakin, at inabot yung kamay sakin na parang nagpapabuhat. Inabot ko naman kay Yale yung Menu tsaka ko binuhat si Erie. Ang sweet niya lang kase pagka buhat ko sakanya niyakap niya agad ako. "Erie, hay naku nakakahiya." Sabi ng mama ata nila. Tumikhim naman yung katabi ni Jed na lalake at sa pagkaka-alam ko ay Austin name niya. Tumayo naman si Jed at tumabi siya saakin, tsaka niya hinigit ng mas palapit sakanya tsaka ako hinawakan sa baywang. Nakakagulat tong mga pangyayari, hindi ko ineexpect kase hindi naman sinabi ni Yale na pupunta sila, NA KASAMA FAMILY NIYA. "Ah ma, Si Aria po....." saglit siyang tumigil at tumingin saaakin "Ano ba dapat?" bulong na tanong niya saakin kase parang hindi niya alam kung paano niya sasabihin na kung ano ako sa buhay niya. "a special someone" pakilala niya sakin, hindi ko alam kung ano ang irereact ko kase hindi manlang siya nagdalawang isip na ipakilala ako at anong special someoneee?!?!?!? "Oh finally, nakita na kita sa personal. I'm Eva, mama nina Jed tsaka Erie. Call me tita Eve or Eva nalang" tsaka niya ako hinug, hindi ko siya ma hug pabalik kase buhat ko parin si Erie. "Eto si dad, Mariano" pakilala sakin ni Yale sa papa niya "Jun nalang, masyadong mahaba yung Mariano" tumango at ngumiti saakin ang daddy nila kaya nag half bow nalang ako tsaka ngumiti pabalik. "Halika, samahan mo kami sa pagkain." Aya ng Tita Eva, taray tita. "Btw, Tita ko tsaka pinsan ko" pakilala ni Yale sa kasama nilang nasa harapan namin. "Hi po" yun nalang nasabi ko tsaka nag half bow lang sakanila habang buhat ko pa rin si Erie. "Hay naku Erie, baba kana sa ate mo. Mabigat kana" suway ni tita Eva kay Erie nang makitang nakayakap parin sakin si Erie. "hindi tita, okay lang po" sabi ko pero vulonteer na si Erie na baba na siya. "Mapag panggap" bulong ni Yale saakin kaya palihim ko siyang kinurot. "Ano po pala order niyo?" tanong ko para hindi na sila matagalan. Nagtuon na naman sila ng pansin sa menu kaya tumayo lang ako sa tabi ni Yale na nakatayo parin. At sa hindi inaasahan bigla kong naramdaman yung maiinit na hininga si Yale sa tenga ko "I miss you, namiss kita sobra babi" nagtaasan naman yung buhok ko sa batok dahil sa sinabi niya. Putragis andiyan nanaman yung mga paro-paro ko sa tiyan ko, nasayaw pa ata ng paro-paro g. Humiwalay siya sakin na nakangiti tsaka siya umupo. Nilibot ko ang aking tingin sa pamilya niya na baka may naka kita samin kase nakakahiya yung ganun. Busy naman lahat sila sa pamimili ng dish except sa pinsan niyang naka ngisi na naka tingin sakin. Napansin naman ata ni Yale yun kaya niya binato ng tissue sa mukha ng pinsan niya. Tumawa lang yung pinsan niya tsaka nagtuon na rin ng pansin sa pag pili ng makakain. Hinila naman ako ni Yale palapit ulit sakanya tsaka ipinalupot lang kanang braso sa baywang ko. Tong lalakeng to nagpapaka clingy nanaman naku. "Aria, eto na order namin" napalayo naman ako kay Yale dahil nahihiya ako sa magulang niya, sinabi naman lahat ni Tita Eva yung mga gusto nila. "Sige tita pa wait nalang po ng 10 to 15 mins. Salamat po" sabi ko tsaka nag bow at paalis na sana ako nang sumigaw si Erie. "Ate Aria!!! JOIN US" Pumunta ako sa counter para maibigay yung order nila. Napabuga naman ako ng hininga ng nasa tagong lugar na ako, nakaka kaba pero parang mabait naman sila lalo na yung tita niya, nakangiti lang sakin tapos yung pinsan niya ang weird maka tingin sakin awit. "O anak, nakita ko si Jed!! Hinahanap kita dun sa waiting area pero sabi nila wala ka daw doon, pero nakita ko si Jed doon papuntang cr, and tinanong ko kung nagkita na ba kayo at sabi niya oo daw" napalaki naman ako ng mata ng marinig ko yun galing kay mama. "opo ako kumuha ng order nila ma" napalaki din ng mata si mama sa sinabi ko. "Ay aba dapat magpaganda ka naman. Nakakahiya anak, tanggalin mo na tong apron. Maglibot libot ka nalang, ayusin mo tong buhok mo. O ayan okay na, mukha ka nang tao" napangiwi naman ako sa pinaggagawa ni mama. "Ano ba ma, ang oa mo." Irita kong sabi sakanya. "Sige na, e alam mo naman maramin tao. Kaya yung sinabi ko sayo ha? Huwag kang umastang tomboy diyan" sabi nito tsaka ako tinalikuran. Napaka ano talaga ni mama kahit kailan. Pumunta muna akong cr para makapag ayos, kase nakakahiya nga. Gaya nga ng sinabi ni mama naglibot libot muna ako, nagtitingin kung sino may kailangan ng asisstance tapos sinesenyasan ko nalang yung mga naghihintay. Bigla akong tinawag ni tita Eva, kaya naman lumapit ako. "Bakit po?" tanong ko kaya napatingin silang lahat sakin. "Join us here, sumabay kana saaming kumain" sabay hila niya sa kamay ko paupo sa tabi niya, sa right side ko naman si Jed. Ganto kase yan Daddy ni Yale/ Tita Eva/ vacant/ Iael/ Ky sa harap naman namin yung tita at pinsan ni Iael. "Btw diba sainyo to? Ang ganda ng place tapos napaka lawak, napaka galing pumili ng mom mo ng location sakto sa view" sabi ng Tita ni Yale sakin tsaka siya tumingin sa paligid, ganun din ginawa ni Tita Eva. "Ano pang mga negosyo niyo? " tanong ng Tito Jun, papa ni Yale. "Ahm iba't-ibang branch lang po na ganto" sagot ko, napatango naman siya. Marami pa kaming pinag usapan, pero hindi rin nagtagal dumating na agad yung order nila at dahil nahihiya naman ako nagdagdag nalang ako ng dalawa pang dish. Naging maayos naman yung kain namin pero naiilang ako sa pinsan ni Yale, alam mo yung tingin na niya na parang ninakawan ko siya at tinatagoan ko siya. Tapos titingin pa siya kay Jed na natatawa. HINDI KAYA JINAJUDGE NIYA AKO? ABA BAKA MASAPAK KO SIYA PAG NAGKATAON. "Eto kain ka pa" sabi ni Yale sakin nang lagyan ng pagkain yung plato ko "Busog na ako" sabi ko nang mahina sakanya kase nakakahiya sa pamilya niya, tahimik lang silang kumakain. "Kaya mo pa yan " kaya no choice ako kundi kainin yung bigay niya. After ng kain namin, pumunta munang powder room sina Tita Eva tsaka Tita ni Yale, si Tito Mariano naman lalabas daw muna saglit. So ako, si Erie, si Yale tsaka yung pinsan nalang nila yung naiwan dito sa table. Yung pinsan niya nagcecellphone lang, habang si Erie nilalaro yung buhok ko, si Yale naman inaalalayan yung kapatid niyang nakatayo upuan at pinapanood yung ginagawa ng kapatid niya sa buhok ko. "Huwag mo masyadong hilain baby baka masaktan si Ate Aria mo" suway ni Yale sa kapatid niyang tinitirintas yung buhok ko. "Hayaan mo siya, hindi naman masakit" sabi ko kase hindi naman pwinepwersa ni Erie yung paghila ng buhok ko. "Paano pag nabuhol yan?" tanong niya sakin tsaka niya pinanood ulit yung ginagawa ng kapatid niya. "Edi guguntingin" sabi ko kase wala naman akong magagawa kung buhol na talaga. "Hay naku Erie, tigil mo na yan. Baka mabuhol mo pa yang maganda buhok ng ate Aria mo at nakakahiya pag nasira yung buhok niya" Tsaka niya pinaupo yung kapatid niya, binigay nalang niya yung cellphone niya para malibang si Erie. "Lapit ka dito babi, kalasin ko" sabi nito tsaka medyo inurong yung upuan niya palapit. Kaya ganun din ginawa ko. Nasa pagitan namin si Ky nanonood ng mga gumagawa ng Slime. "Dahan dahanin mo lang Yale a, pag yan nabuhol lagot ka sakin" pag babanta ko sakanya. "Grabe ka naman babi, pag ako lagot pag si Erie okay lang" sabi nito tsaka ngumuso. "Siyempre bata yan Jed, gawin mo nalang yan" sabi ko at dahan-dahan naman niyang kinakalas yung tirintas ko sa buhok. "Ate can our dog come in here?" tanong ni Erie sakin tsaka niya ako tiningala. Hindi ko natanong yun kina mama kung pwede e. "Sorry baby, bawal ata. I'll ask my mom later" napatango naman siya sa sinabi ko. "Diba sabi sayo Erie, bawal si Kenzo dito" oh baka family dog nila, cute naman. "Pero hindi pa namimeet ni Kenzo si ate Aria" sagot naman ni Erie, magsasalita na sana ako ng dumating na sina tita Eva. "Btw Aria, may outing kami this Friday, baka pwede kang sumama?" sabi ng mama niya "Ah hindi pa po ako nakakapag paalam e tsaka hindi ko sure po kung papayagan ako" "Edi ipagpapa alam kita" sabi ni Tita Eva, nag panic naman ako sa sinabi niya "Ah tita hindi na po, ako nalang po" presenta ko "Wala ba si Tita dito? Ako na magpapa alam sayo" sabi naman ni Yale, parang mas okay nga na si Yale kase nahihiya ako sa mama niya. "Hindi ako na, alam kong nahihiyan ka lang. Mas okay pag ako, para mas ma sure ng mama mo na safe ka, tsaka sa tingin mo pagkakatiwalaan nila si Jed? Hay naku" sabi ni Mama ni Yale. Napatawa naman kami sa sinabi ni Tita. "Ah sige po, ahm puntahan ko lang siya" sabi ko tsaka tumayo, nag bow muna ako bago tumalikod. Nakakahiya kaya, hindi pa kami ni Jed pero parang magkikita na parents namin, AT NGAYONG GABI YUN! Dumeretso naman ako sa kusina kase baka andoon siya, kase doon siya tumatambay pag maraming costumer. "Ma may sasabihin ako" tinawag ko na agad siya ng makita ko siya. "Ano yun?" sabi nito "Ano kase, ma may sasabihin daw yung mama ni Jed" "Ano daw yun? Hay naku Aria nakakahiya. Hindi ako nakapag handa ha, kinakabahan ako" sabi nito tsaka niya inayos yung buhok niya. "Ang oa mo ma ha, hindi naman ka kaba-kaba yung sasabihin nila" sabi ko tsaka na kami naglakad patungo sakanila. Nagulat ako ng pagkarating namin sa Long Table, nagtilian sina Tita Eva tsaka Mama. "IKAW!" sigaw nilang dalawa sa isa't isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD