Aria's P.O.V.
"Anong balak mo para sa bakasyon?"
"Wala, di ko alam. Bahala na siguro, Ikaw?"
"Magbabakasyon daw kami sa Ilocos e"
"Okay yan, sana all"
"Gusto mong sumama?" Lumingon siya sakin after niyang sabihin yun.
"Hindi huwag na, nakakahiya tsaka baka sunduin din kami ni papa e." Napatango naman siya sa sinabi ko.
Actually alam na ni Jed yung family story ko kase nga may time nun na wala na kaming ma topic so napunta kami sa ganun.
"Labas tayo before kami pumuntang ilocos? Gusto mo?" Tinignan ko siya na nanlalaki ang aking mata. Date? Parang first time yun ha. Pero yung pag punta namin sa Rob nun date na ba yun?Basta niyaya niya ako.
"Sige ba, kailan ba yan?" Napakamot naman siya sa kanyang batok tsaka umiwas ng tingin.
"Hindi ko pa alam, pero tatanungin ko sina mommy kung kailan kami pupuntang ilocos para masabi ko sakanila na lalabas tayo" sumang-ayon naman ako sa sinabi niya.
Nang nasa sasakyan na kami ay pinagbuksan niya ako ng pintuan kahit nakakahiya, pero okay yan HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA
"Mag seatbelt ka, baka masob-sob ka nanaman diyan sa harapan" pinanlakihan ko siya ng mga mata nang maalala yung nangyari sakin nun. Gagong to pinaalala pa yung kahihiyan na nangyari sakin.
"O nagagalit ka nanaman diyan, sige na para maka uwi na tayo. Para makapag pahinga ka." Nag seatbelt na ako tsaka uwing-uwi na rin kase ako kase medyo sumasakit puson ko.
Mabilis naman kaming nakarating sa bahay kaya naman pagka dating namin ay pinagbuksan niya ulit ako ng pintuan.
Pagkababa ko sakto namang tumigil yung sasakyan ni mama sa harap ng bahay namin.
"O Aria! Tapos na yung program niyo?" Agarang tanong niya pagka baba niya ng sasakyan.
"Opo ma" sabi ko tsaka tinignan si Jed na binababa yung mga regalo ko.
"O, ikaw pala yan Jed. Salamat sa pag hatid dito sa anak kong pasaway ha? O siya mauuna na ako sa loob pasok ka muna Jed"
"E hindi na po tita, para makapag pahinga naman si Aria"
Napatango nalang si mama sa sinabi ni Jed. Magkakilala na sila kase nung time na nagkasakit ako pumunta si Jed samin. Naalala niyo yun?
"Una na ako Aria" sabi niya pagkatapos binaba yung mga gamit ko.
"Salamat ha? Ingat ka!" Tumango naman siya tsaka ngumiti sakin. Kumaway pa siya bago pumasok ng sasakyan. Nang paalis na siya ay bumusina muna siya, sign na paalis na siya kaya kumaway na lang din ako.
Pumasok na ako sa bahay tsaka inakyat yung mga gamit ko. Humiga na ako sa kama ko at hindi na inabala pang magbihis.
Ang saya ko ngayong araw. Siguro bukas na ako magsusulat kung anong gagawin ko para sa bakasyon.
Ika limang araw ng Christmas Break at hindi ko pa alam ano ang gagawin ko, pero parang may gustong gawin tong katawan ko na hindi ko alam. Natatakot ako para sa future ko kase may mga bagay na hindi ko alam pero dapat alam ko yun. Gets niyo ba ako?
Kung hindi lang siguro gumagana tong utak ko puro bagsak na ako.
Medyo bobo talaga ako guys, yung grades ko hindi siya kataasan pero sakto lang na naka pasa ganun.
Yawa naman taenang bakasyon to. Kala ko magiging masaya boring amp. Sa gabi nalang din kami nakakapag usap ni Jed kase lagi silang lumalabas ng mga pinsan niya. Siguro matagal pa silang pupunta sa ilocos tsaka wala naman siyang masyadong na kwekwento sakin about sa pag punta nila. Hinahayaan ko nalang kase bakasyon naman tsaka duh, hindi naman kami. Minsan nagfa facetime din kami pero pag nasa kwarto na siya. Minsan may maliit na away kami pero mga tampohan lang ganun, naayos naman agad.
*Yale, FACETIME VIDEO*
Bat natawag to ngayon? Luh
"Good morning babi" bungad niya ng masagot ko ang tawag niya, parang kakagising palang niya.
"Ba't ka namumula diyan?" pang aasar niya sakin kaya ginaya ko naman ang kanyang pagkakasabi.
"Bakit ka napatawag?" medyo pagsusungit kong tanong sakanya.
"Wala para maiba naman, simula kase nung bakasyon na hindi na tayo nakakapag usap ng umaga tsaka ano....namiss kita." Sabi nito tsaka kindat sakin at kitang kita ko ngayon yung brace niya dahil sa kanyang pag ngiti.
NASABI KO BA SAINYO NA MAY BRACE SIYA?
"Utot mo miss, tigilan mo nga ako Tulingan"
"Bakit ayaw mo nun future Tulingan?" napa ngiwi naman ako sa sinabi niya, hindi nakaka kilig no. Duh sinong nagsabing nakaka kilig yun? mabulonan na nagsabi nun.
"Kumain kana?" tanong ko para maiba naman yung topic
"Hindi pa, kakain palang. Ikaw?" tanong nito pabalik, bumangon ako galing sa pagkakahiga tsaka pumunta sa harap ng salamin
"Hindi rin, kita mo naman diba o, naka oversized shirt pa ako tapos pajama." Sabi ko tsaka nilagay sa back cam yung cp ko.
"Babi, picture tayo pang story ko sa Ig tsaka Fb." Sabi nito tsaka inayos yung buhok niya.
Sinunod ko naman siya, naka ilang screenshots pa siya para sa hiling niya.
"Ang ganda mo talaga" naka irap naman ako sa kanyang sinabi.
"Kain tayo, baba ka na. Sabay tayo" napatango naman ako biglang pagsang-ayon sa gusto niya.
Ngayon lang ganto tong hayop na to. Nag dududa na tuloy ako.
Bumaba ako at dumeretso sa kusina na bitbit ang aking cellphone habang nasa facetime parin. Wala sina Mama at Kuya kase nagbakasyon si kuya kasama mga kaibigan niya.
"Sinong kasama mo jan?" tanong niya habang nginungoya ang kanyang pagkain.
"Sina mang Dario tsaka manang Doti nasa resto si mama."
"Kawawa naman ang batang iyan HAHAHAHAHHAHAHAHA" kung bunotin ko kaya yang ngipin mong hayop ka?
"Mabulonan ka sana Jediael." Sabi ko tsaka ko siya inirapan.
"Pag ako nabulonan, abotan mo ako ng tubig na galing sainyo ha?" tanga-tanga din pala minsan si Jed.
"Bobo ka ba? Gusto mo pa talaga galing dito samin?"
"Oo, paano ba naman kasi diba, ang aga-aga sinusumpa mo na ako." Sabi nito tsaka niya ako inirapan. Attitude amputek.
"Bakla ka ba? tanggalin ko mata mo jan e"
"Duh anakan pa kita e" tsaka niya ulit ako inirapan tapos uminom siya ng tubig, pagkatapos hinalf close pa niya yung mga daliri
niya.
"Gong-gong ka talaga, ang tanda tanda mo na para kang bata" natigil naman siya sa sinabi ko.
"Parang bata na kaya nang gumawa ng bata? Ganun ba yun?" Tumawa siya ng pagka lakas lakas dahil sa kaniyang sinabi.
"Tangina mo Jediael, umaga palang jusko" anong nasa isip kaya ng hinayupak na to?
"Hoy joke joke lang yun ha baka mapamali pa ako, pero ano....kailan ka free?"
"Para saan?"
"Kasal natin" Sinimangotan ko siya tapos siya tumawa ulit
"Dami mong banat ha? Banatan kaya kita para tumino ka"
"Ahm may sasabihin ako." Bigla siyang sumeryoso kaya naman inayos ko ang aking upo at biglang kinabahan.
"Ano yun?" tanong ko.
"Naga-aya magbar mga pinsan ko. Pwede ba akong pumunta?" nagulat naman ako sa tanong niya kaya hindi ako nakapag salita
agad. Bakit siya nagpapa alam sakin? Gurl? Hano daw? Bakit?
"Sige sasabihin ko nalang sakanila na hindi ako makakapunta" nanlaki naman yung mata ko sa kasunod na sinabi niya.
"Hoy gago pinagsasabi mo? Bat ka nagpapa alam sakin? Ako ba nanay mo ha?"
"Hindi sassabihin ko nalang na hindi ako pinayagan ng mapapangasawa ko" kuminat pa ito tsaka ngumiti, lumalabas tuloy yung perpektong hulma ng kanyang ngipin. Pinanliitan ko naman siya ng mata kase kung ano-anong mga sinasabi niya. Alam ba niya na malaki epekto sakin nun? Parang may butterfly sa tiyan ko sa mga pinagsasab ni gago.
"17 ka palang ha? Bat pwede ka nang pumasok?" kuryosidad kong tanong
"Aba sa tangkad kong to babi, paghihinalaan pa ako? Pag ikaw oo maghihinala talaga sila." Aba putanginang tao rin to e.
"Ginagago mo ba ako Jediael? E kung putolan kaya kita ng paa?"
"Hay naku bata, okay lang yan. Mahal naman kita" Kinindatan niya ulit ako tsaka siya tumawa.
"Nga pala, kailan ka ba free? Iniiba mo kase yung usapan e."
"Aba kasalanan ko pa? Sino kaya yung nagsabi ng kasal diba?"
"Kung gusto mo pwede rin."
"Ayusin mo nga Iael!"
"Kase gusto kang makilala ni mama tsaka gusto nga rin niya isama ka sa ilocos e. Pwede ka ba?"
"Hindi ko sure, baka hindi ako payagan ni mama kase andoon din sina papa"
"Try natin, ipag papaalam kita kay tita."
"Hindi alam ni mama na nasa talking stage na tayo hoy" nasabi ko rin ba sainyo? kung hindi.. patawarin niyo ako.
"Ano yung hindi ko alam?" biglang sangit ng nasa likod ko, kaya sa sobrang gulat ko napatay ko yung tawag.
"Ha? W-wa-wala m-maa." Kabado kong sabi. Kase baka magalit siya
"Hindi may narinig ako e, may hindi ako alam. Tsaka sino yung kausap mo diyan sa cellphone mo?" parang nagtataray na sabi ni
mama, hindi ko alam, kung matatakot ba ako o ano e.
"Ah ma si Jed lang po, tsaka ano ma"
"Ano? Na nanliligaw na siya sayo?" parang nabingi ako sa sinabi niya, MAAAAA
"Luh ma, hindi po a." mas nagulat naman ako nung tumili siya tsaka siya tumalon talon pa
"Hay nakuu, deny-deny ka pang bata ka, jusko okay lang yan no. Dumaan din naman ako sa ganyan. Diyos ko yung pinagdadasal ko matutupad na, naku anak jackpot ka diyan kay Jed, ampogi pogi niya tapos mabait pa."
"Ah kala ko magagalit ka e."
"Aba magagalit talaga ako pag pinatagal mo pang hindi sinabi na may ganyan kayo, may feeling talaga ako kanina na may malalaman akong ikakatuwa ko e" parang mas kinikilig pa si mama kesa sakin.
"So kailan kayo lalabas?"
"Hindi ko alam ma, tsaka asa talking stage palang po kami"
"Talking stage, ano iyon? nung panahon namin wala namang talking stage-talking stage samin"
"Masyado kana kaseng matanda mama" panga-asar ko, pero nasa 30's palang si mama.
Jediael's P.O.V.
Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Tita, kaya hindi na ako magtataka kung bakit napatay ni Aria yung tawag. Napahinga pa ako ng malalim, napagalitan kaya siya? Sana hindi. Mabait naman si Tita Veron e tsaka hindi ko pa namemeet yung Kuya at Papa ni Aria.
Ayukong pumunta sa bar kaso nakaka konsensya lang kase nag mamaka-awa yong pinsan ko tsaka wala naman akong ginagawa dito sa bahay. Sabagay 7 pm naman yun so may time pa ako.
Tsaka lang ako tinext ulit ni Aria nung magtataghali na. Wala naman akong ginagawa maghapon dito sa bahay kaya minsan naiisip kong gumala or magshopping kasama si Aria kaso minsan pumupunta siya sa resto nila kaya minsan pumupunta nalang ako sa park kasama si Erie.
*TINGGG*
From: Austin
'6 pm sharp. Sa VMK restaurant, Family Dinner daw. Sabihin mo kina Tito.'
Mas lalo akong naexcite nang mabasa ko yun pero napawi ang ngiti ko nang maalalang hindi pupunta si Aria.
To: Austin
Sino pa kasama?
From: Austin
Tayo tayo lang, Hindi ko na dadalhin jowa ko
To: Austin
Paano yung session?
Tanong ko nang malala ko yung paga-aya nila ng inom.
From: Austin
Re-sched, bakit? Inom na inom ka na ba? Kala ko ba may ari nung VMK yung nililigawan mo? Or baka gusto mo lang makita si Sadie?
To: Austin
Kilabutan ka nga, tsaka hindi ko gusto si Sadie no, tangina kadiri ka. Sige na nga. Itetext nalang kita pag pupunta na kami dun.
From: Austin
Asus mukhang patay na patay sayo yung tao.
Hindi ko na siya nireplyan kase mas lalo niya lang akong pagtitripan. Agad ko namang sinabi kina mama yung magaganap. Sana andoon siya. Siguro matutulog na muna ako bago kami pumuntang VMK.
After 1 hour naman ginising na ako ni mama para gumayak.
Hindi naman sa nae-excite ako pero binilisan ko nang maligo. Bakit ba? Nag babaka sakali lang naman ako. After nang text niya kanina, hindi na nasundan kase sabi niya inaantok siya, kaya ewan ko kung anong ginagawa nya ngayon.
Naka hoodie lang ako, siyempre ano pa ba? Tsaka fitted pants. Wala lang mas comfotable kase ako pag naka ganun.
"anak tapos kana ba diyan? Ihanda mo na daw yung sasakyan, sabi ng daddy mo" sigaw ni mommy sakin galing baba.
Dumaan muna akong balcon para tignan yung aso kong si Kenzo. Hindi pa siya nakikita si Aria pero kase hindi pa naman siya napapadpad dito sa bahay.
"Dito ka muna ha? Lalabas lang ako baka sakaling makikita ko ang mommy mo. Huwag kang magpopo dito sa room ko ha?
Papagalitan kita sige ka." tsaka ko tinap yung ulo niyo tsaka ito binuhat at kiniss.
Dali na akong bumaba at hinanda ang sasakyan at yung family car muna daw kase gamitin namin. May kanya kanya kase kaming sasakyan, may sariling sasakyan sina mommy at daddy tapos may family car tapos may sarili naman kaong sasakyan na regalo sakin nung nag 17 ako kase pwede na naman daw akong maka kuha ng license kaya yung lagi kong dinadala sa school.
Nilabas ko na yung sasakyan namin mula sa grahe para sasakay nalang kami mamaya. Pagkababa ko nang sasakyan narinig ko naman ang pagtahol ni Kenzo sa balkonahe ng kwarto ko, tumambay muna ako sa gate namin, nagdadalawang isip pa ako kung isasama ko siya or huwag nalang kase baka may iba pa kaming pupuntahan tapos bawal pala sa aso, kaya iniwan ko muna siya doon pero may taga bantay naman dito sa bahay kaya may kasama siya.
"Kuya, isama natin si Kenzo" sabi ng kapatid kong si Erie, dati hindi sila sang ayon ni Mommy sa pangalan ng aso ko kase hindi naman daw pang aso yun, pero sabi ko okay na yun, anak ang turing ko doon , tapos papangalanan ko ng pang ordinaryong aso lang? Now way.
"Bawal siya doon baby, halika na. Pasok kana sa sasakyan" binuhat ko siya tsaka ko binuksan yung door ng sasakyan.
"Dalhin natin siya please?" pangungulit nito kase nitong mga nakaraang araw siya lang yung nakakalaro niya kasi ayaw naman niyang lumabas ng bahay, hindi tulad ng ibang bata na nakikipaglaro sa kalye. Maraming bata dito samin kaso siguro nahihiya siya or baka ganun talaga siya at may mga tao namang ayaw talagang makipag halubilo sa maraming tao.
"Bawal nga baby, wag ka nang makulit" humalipkip naman siya tsaka nag pout.
"Gusto ko din naman siyang dalhin kaso baka kase bawal ng dog sa pupuntahan natin, next time nalang okay? Ask muna natin yung may ari ng pupuntahan natin kung pwede yung dog doon para maisama natin si Kenzo sa susunod, Okay?" pagpapaliwanag ko sakanya tsaka inayos yung clip niyang nahuhulog mula sa kanyang buhok.
"okay po, sorry" tsaka niya ako niyakap.
Hindi naman nagtagal tapos nang gumayak sina mom and dad medyo malayo kase yung VMK samin mga 30 mins na biyahe.
Habang nagkukulitan kami ni Erie biglang nagsalita si Dad sa harap.
"Friday na punta nating Ilocos, so bukas bibili na tayo ng mga kailangan natin." Friday, e Teusday na ngayon. Siguro sa Thursday ko nalang aayain si Aria na lumabas.
"Isama natin yung nililigawan mo Jed anak" suggest ni mama, natigil naman ako sa pangungulit kay Erie dahil sa sinabi ni Mommy, kaso baka hindi siya payagan.
"I don't know mom kung papayagan ba siya ni Tita Veron"
"Veron? Familiar name, pero hindi pa naman sure e, edi try mong ipag-paalam siya."
"Sige mom, itra-try ko po" wala nang umimik after nun. Hindi na naman din nagtagal nung makarating kaming VMK.
Pagkababa ko nakaramdam ako ng kaba na hindi maintindihan.
"Kuya diba kina ate Aria to" sigaw ni Erie nang makababa siya ng sasakyan.
Tumango naman ako bilang tugon, hindi ko alam kung narinig ba ni mommy yun.
"Good Evening po Ma'am, Sir" bati samin ng guard nila.
Pagkapasok namin ng resto nahanap din namin agad sina Austin tsaka sina tita. Dumeretso na sina mama doon sa table namin habang si Erie lumilingon lingon pa sa paligid na parang may hinahanp din. Pero ako, inikot ko muna ang aking tingin nagbabaka sakaling andito siya, pero wala. Napa buntong hininga naman ako nang biglang naka ramdam ako ng mabigat saaking dibdib. Hindi ko rin alam kung bat ganto tong nararamdaman ko, like hello hindi naman ako clingy na tao, pero parang miss na miss ko si Aria.
"Jed, ano? Tatayo ka lang diyan?" tanong ni Mom pero naka ngiti siya na parang nagaasar pa sakin. Nag mano naman ako tita at tito ko nang makarating ako sa table namin.
"Ano na? Balita ko sakanila to? O asan na?" excited na tanong ni mommy.
"Ano ba ma, baka wala siya tsaka hindi naman dapat nandito siya lagi."
"Hay naku ikaw Eva lagi mong pinagtitripan yang anak mo, order muna tayo ng pagkain natin." Nagtaas naman ako ng kamay sign na kailangan namin ng assistance.
Naestatwa naman ako ng ang lumabas sa pinaghihintayan ng mga ibang waiter, ANDITO SIYA.....