Chapter 11

2942 Words
Aria's P.O.V. Pagkatapos naming kumain ay dumeretso na kami sa room namin kase guys hindi kami yung tipo ng estudyante na gumagala pag may free time. Pagka upo namin, sumandal sa balikat ko si Jed. "Alam mo ba gusto kang makilala ng mom tsaka dad ko" Sabi niya tsaka niya nilagay yung hood niya, nakapatay naman yung aircon kaso nilalamig parin siya. "Hindi ko alam ngayon mo lang sinabi ko" pamimilosopo niya sakin kaya naman napairap siya. "Tsk" aba galit pa ata pero mga mars ngayon ko lang napansin!! Ang pogi pala ng side view ni Jed. #simpera "Ano umiirap ka pa diyan, dutdutin ko yang mata mo" sabi ko inaktong dudutdutin ko mata niya kaya linayo naman niya ulo niya sakin. "Joke lang e" sabi naman niya tsaka niya inayos hood niya. "Lika na, sandal kana ulit sakin" sabi ko kaya naman sumandal ulit siya. Ang bango niya rin mga marsss. "Asus crush mo ako no? Kaya mo ako pinapasandal?" Pang aasar niya tsaka umaaktong sinusundot ako. "Umayos ka" sabi ko nang seryosong tono kaya umayos naman siya. "Ayon nga gusto ka nilang makilala, gusto nga nila isama kahapon e kaso baka busy ka tsaka baka hindi ka pa ready at nahihiya ka pa" sabi niya tsaka sinuksok yung kamay niya sa loob ng bulsa sa hood niya. "Nagmall din ako kahapon e, kinuha ko yung gown na pinatahi ni mama sa mama ni Yvo" napaupo naman siya ng maayos tsaka siya tumingin sakin at mukhang gulat na gulat pa siya. "So tama nga na nakita ka ni Erie kahapon, alam mo bang hindi ko siya pinaniwalaan kase sa pagka alam ko nasa Restaurant ka, akala ko pinagloloko ako ng kapatid ko" naalala ko hindi nga pala kami nagusap kinahapunan after nung alis namin. "Oo gumala pa kami ni tita e" Tas nagkwentohan pa kami hanggang sa dumating na yung prof namin. At etong si Jed parang nanginginig na sa lamig kaya hinawakan ko yung kamay niya para may mainit naman na naka ano sakanya ng kunti. Malay ko ba kung anong nangyayari sakanya. "Mag halfday kana kaya?" Sumimangot naman siya tsaka mas lalong hinila yung kamay ko para makasandal din siya sakin. "yaw ko po" sabi niya habang naka pout. Ang cute-cute niya ano, sa sobrang cute niya gusto ko siyang higupin. Dinampi ko naman yung isa kong kamay sa noo at leeg niya, confirm nilalagnat nga siya. "Sabing mag halfday na e, ako bahala. Pag ikaw mas lalong lumala yang lagnat mo sinasabi ko sayo Jediael ha." Panenermon ko. Para akong si mama ngayon na sinesermonan si Kuya pero keri ko pa naman. "e boring kaya sa bahay" nyeta "Mas inuna mo pa yang inisip kesa sa kalusugan mo ano?!" Kinurot ko siya sa tagiliran niya. Hindi ako makasigaw ngayon kase nagdi-discuss parin prof namin. "E wala ka naman doon e" sinamaan ko siya ng tingin tsaka umayos ulit ng upo. Parang timang ang gago pektusan ko kaya siya. "Mag halfday kana, te-text naman kita" sabi ko na kaming dalawa lang naman nakakarinig. "Pramis?" Nagpa cute pa. Naku kung nakikita niyo lang siya ngayon jusko, gusto ko siyang iuwi. "Oo nga wag kang makulit" napatango naman siya. May isa pa kaming subject so ganto muna posisyon namin. Pati kamay ko nasa loob na ng bulsa ng hoodie niya. Hanggang sa matapos yung class namin. "Uy Ali, wala raw si Prof—— tulog na si Kyle" Si Karl Ann. Isa sa mga kaibigan ko dito sa room. Napatingin naman ako sa kasama ko, di ko naramdaman na nakatulog pala siya. Dahil nga wala daw yung susunod naming prof. Hinyaan ko nalang siya. Nakaka awa tong bibi Iael ko... ang cute niya matulog e. Usto niyong makita? Ayuko nga bleh. Hapon na at nag halfday si Jed kase baka mas matuloyan pa siya sa lagnat tsaka puro notes lang naman ginawa naman. Buti naman ano, para naman wala siyang mamiss na lesson namin. "Ang tahimik natin ha?" Pang aaasar ni Yvo sakin kase wala lang, parang wala ako sa mood magsalita. Alam niyo yun? Yung bakit ka pa magsasayang ng laway kung wala ka namang importante na sasabihin? "Anong kailangan mo?" Tanong ko sakanya. "Wala naman. Ikaw may itatanong ka? Baka gusto mong magsalita. Baka lang naman"Dahil sa sinabi niyang iyan parang nademonyo yung utak ko. Parang may lumitaw na bombilya na kulay dilaw na umiilaw basta alam niyo na yun ano hindi ko na ie-explain. "Anong meron sainyo ni Vince?" Nginisiaan ko siya at ngumiti na parang nang aasar. "Wala, next question" Sabi niya na hindi maka tingin sakin ng deretso. May tinatago to e. "Sige, anong relasyon niyo ni Vince?" "Ano ba Aria! Wala nga" Asar na sabi niya. "E bat ka nagagalit diyan?" "E wala nga, ang kulit din kasi ng lahi mo e." Ginugulo niya pa buhok niya dahil sa pagka asar saakin. "Sumakit man ang tiyan ngayon ang nagsisinungaling?" Banta ko sakanya "OO NGA TANGINA MO NAMAN E.DAPAT HINDI NALANG KITA KINAUSAP AT MABULOK NA NALANG YANG LAWAY MO!" Sigaw nito saakin tsaka umalis. Nakakatawa yung mukha niya *TING* Nag vavibrate yung phone ko kaya naman hinugot ko ito saaking bulsa tsaka tinignan kung kanino galing yun. From: Jediael 'u busy?' To: Jediael 'Hindi naman bakit?' Sana nagpapahinga na siya para gumaling naman. Mabilis ang nagdaang mga oras at araw at gumaling na rin si Jed at ngayon ay Christmas Party namin. As usual maraming pagkain, maraming regalo. "Aria! Picture muna tayong lahat!" Sigaw ng Adviser namin kase nandito na kaming lahat sa room. And wala nang pwedeng lumabas. Kumuha na kaming lahat ng litrato na mga gusto namin. May mga single pics may mga iba naman na group pero di pa kami nakakapag picture ni Jed, kay Yvo lang. Si Cristal ang Emcee namin, kase maingay talaga siya at bagay sakanya yung role na yun. Nang nasa kalagitnaan na kami ng program, napag pasyahan nilang maglaro ng guess the word, tutal matatalino naman sila minsan....charot, nag hulaan lang talaga sila. Hindi ako masyadong naka sali kase sinusumpong ako ng allergy ko. Si Jed naman ay nasa tabi ko lang din, minsan sumasali siya sa pa games pero ako hindi na sumali. Kumuha nalang ako ng mga litrato nila. "Uminom ka na nang gamot mo, malapit na mag 12" paalala ni Jed saakin kase kailangan kong uminom ng gamot para sa allergy. Malamig kase e may nagkaka allergy ako pag gantong kalamig yung simoy ng hangin. Nang maglalast game na sila ay hinila na nila akong sumali, pumayag na rin ako tutal basic game lang naman yun. Yung group your selves. Bente kaming player, sampong lalake at sampong babae. Sumali na rin ang lolo niyong si Jed. Nakapatong yung dalawang kamay niya sa balikat ko kase nasa likuran ko lang din siya. At dahil nga maliit ako, ginawa akong patungan ni gago. "So guys, ready na ba kayo?!" Sigaw ni Cristal sa mic nang nasa harapan na siya na sign na magsisimula na yung game. "Dikit ka lang sakin ha?" Bulong ni Jed sakin, nagtaasan lahat ng balahibo ko dahil sa pagbulong niya. Ramdam ko pa yung init ng hininga niya kaya tumango nalang din ako bilang tugon. "Okay, simulan na natin!" Sigaw ni Cristal Naghiyawan naman sila, hindi ko alam pero medyo kinakabahan pa ako. Nakaka intense kaya, Ito rin ang dahilan kung bat hindi ako sumasali kasi nanenerbyos ako e laro lang naman to. "Group your selves into..... 3!" Sigaw ni Cristal kaya naman hinila ko na si Tala para sakto na kaming tatlo, may mga pumunta pa samin pero pumunta na sa unahan si Jed tas nilagay niya ako sa likuran niya, kaya naman ganun din ginawa ko kay Tala para wala nang sumama. So ayun nga may natanggal na dalawa agad kaya 18 players nalang kami. Tawang-tawa kami kase nagtutulakan pa sila, tas naghihilaan para lang makapag stay sa game, kase 500 yung price. Hindi pa kami natatanggal ni Jed kase samin din naman sila agad lumalapit. Ngayon 9 players nalang kami. Pinaghiwa hiwalay nila kami para daw may thirll yawang mga kaklase to, pero si Jed halatang binabantayan ako kase panay tingin sakin "Last na to, group your selves into 5" Ang bilis ng pangyayaring hinila ako ni Jed tsaka niya ako niyakap. Dumagsa lahat sila patungo samin. Yung tatlo naming kasama naghahawak naman sila ng kamay para palibutan kami, as in kami ni Jed na nasa gitna kaya circle na kami. Gets niyo ba yung sinasabi ko? Ha? Okay goods. Nawalan na rin ng pag asa yung mga 4 na players kaya nanalo na kami, at tig 100 kami sa prize. Nagsi tilian pa sila nung nakita nilang nakayakap si Jed sakin. "Sabing laro lang, walang yakapan." Pambungad sakin ni Yvo nang paupo na kami saaming upuan. Uminom na agad ako ng tubig pagka upo ko kase nakakapagod yung laro, ilang rounds din yung game kase parang sinasadya ata ni Dimple na pagsaktohin yung mga bilang para tumagal yung palaro niya, medyo pinagpawisan pa ako. Kumuha pa ako ng panyo sa bag ko para punasan tong mukha ko kase nafifeel ko yung pawis ko, nang pupunasan ko na sana yung pawis ko nang biglang may humablot dito. Hinarap ko siya sakto naman naka harap niya sakin, hinawakan niya ako sa may baba ko gamit ang kaliwang kamay niya tsaka niya pinunasan yung pawis ko sa mukha. Naka titig lang ako habang ingat siya na pinupunasan yung pawis ko. Yung ingat na pag punas para hindi mabura make up ko. Naka tingin siya lang din siya sa mukha ko, yung parang nagiinvestigate siya, kung may natitira pa bang butil ng pawis sa mukha ko. Kung krimen siguro ang pagtitig kay Jed, naka kulong na siguro ako ngayon dahil sa pagtitig ko sakanya, parang walang maingay sa paligid. Yung parang kaming dalawa lang. Natauhan lang ako ng maramdaman kong may parang flash na natama sa mukha ko. Napatingin ako sa aking paligid, totoo nga. Kaya pala walang maingay kase naka tingin sila lahat samin. Nakatutok rin lahat ng cellphone at camera nila samin. Pati adviser namin naka bungisngis na naka tingin. Medyo naka ramdam ako ng hiya kahit sa pagka alam ko wala naman ako nun ay yumuko ako tsaka kinuha kay Jed yung panyo ko. Nawala ang katahimikan ng sumigaw si Cristal ng "Party, Party!" At sumabay pa sina Janzen na nago operate ng sound system namin kaya naging maingay na ulit sila. "Papunas din sa likuran ko" sabi ni Jed tsaka niya binigay yung panyo niya saakin. Tumango naman ako tsaka siya tumalikod sakin. Tinaas ko yung shirt niya sa may likuran, naka tack in pa. Para siyang koreano sa fashion niya. Siguro may lahi siya na Korean, dali kong pinunasan likod niya kase hindi makakalig taan na pinipicturan kami tsaka gutom na rin ako. Pagkatapos kong punasan likod niya ay humarap siya sakin tsaka inalok yung alcohol kaya tinignan ko siya ng nagtatakang tingin kase anong gagawin ko sa alcohol? iinomin? Nang mapag tanto niyang hindi ko gets yung sinasabi niya ay kinuha na niya yung kamay ko tsaka niya nilagyan ng alcohol yung palad ko. Siya na rin nag scrub gamit yung kamay niya kaya naman nagtitilian ulit mga kaklase ko. Gago talaga tong Jed na to bigwasan ko to e. Pinanliitan ko naman siya ng mata kaya natawa naman siya. Nilagay na niya yung alcohol sa bag niya tsaka naman niya ako hinigit papuntang lamesa para kumuha ng pagkain. Halos kumakain na mga patay gutom kong kaklase kami nalang ang huli. "Ang sweet naman nitong spaghetti! Ano kayang label nito!" Sigaw ni Rizza habang sumusubo ng spaghetti, dahil sa joke niya nagtawanan silang lahat. Yung style ng room namin, nasa gilid lahat ng mga upuan at magkakaharap yun. Napalibutan yung room namin ng upuan pwera sa may right side ng room namin dahil andoon ang photobooth tapos naka close yung door kaya walang lalabasan. Yung lamesa at mga pagkain ay nasa gitna. Kaya parang magkaka salo salo parin kami sa iisang lamesa. Jediael's P.O.V. Kumakain na kami ngayon and siyempre katabi ko si Aria. Ang cute niya kumain kase lumulubo yung pisngi niya HAHAHAHAHAHA sana makita niyo rin ano? Pero ehe no! Habang kumakain siyempre nagpapatugtog and nagkwekwentohan sila. Kami ni Aria tahimik lang na kumakain, siguro nahiya siya sa nangyari kanina. "Sayo na to" sabi nito tsaka bigay ng Lechon manok sakin kase may allergy nga pala siya, nilagay niya ito saaking pinggan. "Ano pa gusto mo?" Sabi ko tsaka ko kinuha yung pinggan niya pero pinipigilan niya ako. "Huwag na, busog na ako e" sabi niya tsaka kuha ng pinggan sakin kaya naman bumalik na ako sa pag-upo tsaka tinuloy sa pagkain, Minsan kumukuha-kuha pa siya sa Graham ko. "Kala ko ba busog kana?" Tanong ko sakanya nang kukuha ulit siya sa graham ko. "E bakit!? Gutom na ulit ako e!" Sabi niya sakin tsaka sumubo ulit. "Sayo na yan" sabi ko sakanya. Napa pout naman siya tsaka tumigil na siya sa pagkuha. Napatigil naman ako sa pag subo ng kinakain ko at napaisip na baka mali yung pagka sabi ko at iba pagka intindi niya at parang naoffend ko siya dahil sa itsura niya ngayon na parang kawawang tuta. "Bakit? Sayo na, kuha pa ako" sabi ko sakanya para mabawasan yung sama ng loob niya. "Wag na" sabi niya tsaka siya tumayo papuntang photo booth kaya naman sinundan ko siya tsaka binitbit ang aking pinggan. "Uy bakit?" Tsaka ko nilapag yung pinggan sa may table dito sa photobooth. "Wala balik kana dun" sabi niya tsaka siya bumalik sa pagkakalikot sa mga camera niya. "Penge lang ng graham e" bulong nito tsaka mas lalong sumimangot yung mukha niya. "Halika nga dito" hila ko sakanya tsaka kinuha yung pinggan papuntang upuan namin. "Ano ba Jed" sabi nito sakin nang nakasimangot, sabing Yale ang itawag sakin e. "Kukuha pa ako ng bago para may makain pa tayo. Okay? Behave ka jan!" Sabi ko tsaka dumeretso sa mga pagkain. "Alam mo ba Jed, may dalaw yan ngayon" sabi ni Yvo sakin kaya naman napatingin ako kay Aria. "Ha? Kaya pala ganun siya umasta, nagtatampo nga ata sakin e" tumango si Yvo tsaka nilagyan pa ng maraming pagkain yung plate ko para daw kay Aria. "Yan paborito niya yang chopsuey" napa tango nalang ako sa mga pinagsasabi niya kase madaldal nga ata talaga to. Nang pabalik na ako sa aming upuan ay naka halukipkip lang siya. "Eto o, share tayo" sabi ko tsaka nilagay yung plato ko sa gitna namin tsaka kami kumain. Aria's P.O.V. Ayaw niya akong share-an nung graham niya, edi don't. Nasa last part na kami ng program at bigayan na ng Regalo. Yung plot kase ng pagbigay ng regalo kung sino nabunot mo, iaannounce mo sa harap tapos sa mismong harap ng mga kaklase mo bubuksan yung gift. "Sino nabunot mo?" Tanong ni Jed sakin nang hinihintay namin pangalan namin na mai announce sa harap. "Secret" sabi ko sakanya tsaka ko siya binelatan "Ako no?" Tanong nito tsaka nilapit ang mukha sakin "feeling ka masyado Tulingan" sabi ko tsaka mas niyakap yung regalong nasa lap ko. "Jediael Emmanuel Tulingan" sigaw ni Dimple kaya naman napatingin kaagad ako sakanya at pinapakita sakanyang hindi siya yung nabunot ko. Si Reinier pala naka bunot sakanya, nang buksan niya yung regalo ay dalawang tees na Oxygn. Nag presenta narin si Jed na siya nalang susunod na magbibigay ng regalo. Si Jazzmark nabunot niya. Swerte ng kumag na to panigurado imported yang bibigay ni Jed sakanya. "Gagi ang mahal nito, walang ganto sa gubat pre" sabi ni Jazzmark na hindi makapa niwala sa binigay ni Jed sakanya na isang sneakers(shoes) na black. Maraming mga kaklase ko muna ang nagbigayan bago na announce yung akin. Si Trixie ang naka bunot sakin kaya alam kong puro pagkain to. Nagpresenta narin ako na ako na susunod, so ang nabunot ko ay si Nirah!! Ang saya lang kase masaya siya sa regalo kong Instax films na puro pictures niya tsaka nung jowa niya, wag kayo 20 pieces yun. Si Yvo naman puro damit yung nakuha niya, ganun din si Vince. Akin karamihan mga Case at popsockets kase nababase daw sa mood ko yung pagiba-iba ko ng case. Si Jed naman marami halo-halo. May natanggap pa siya galing ibang section. Edi sana all diba? "Uwi kana?" Tanong ni Jed sakin habang nagliligpit ng camera. "Oo, kailangan kong tumulong sa Restaurant mamayang gabi" tumango naman siya tsaka tinuloy ang pagliligpit. "Hatid na kita" tsaka kinuha yung paperbags kong puno ng regalo. "Teka, wag na. Ako na bahala" sabi ko tsaka ko siya pinigilan. "Hindi ako nagtatanong, ihahatid kita sa ayaw at sa gusto mo" sabi niya tsaka kinuha yung mga paperbags ko. "Hintayin mo ako dito, lagay ko lang to sa sasakyan" dagdag nito kaya tumango nalang ako tsaka tumulong sa paglilinis sa room namin. Wala pa akong plano para sa bakasyon pero baka sa bahay lang ako or magbabakasyon kasama sina papa. "Wala ka nang naiwan?" Tanong ni Jed sakin nang paalis na kami ng room. Tinignan ko naman yung paligid ko para icheck kung may naiwan ba ako or wala. "Wala na, tara na" sabi ko tsaka nagpaalam na sa mga natitira ko pang kaklase sa loob ng room. "Sige tara na" sabi nito tsaka hinawakan yung kamay ko. TEKA! HINAWAKAN YUNG KAMAY KO!? Napatingin ako sa kamay naming magka hawak habang naglalakad kami. Ilang beses na naman kami nagkahawak ng kamay pero gagi parang nakukuryente yung kamay ko dahil sa paghawak niya. Napatingin naman ako kay Jed na naka ngisi habang naglalakad kami. Mukha normal lang sakanya. Gago ba siya? Kinikilig ako dito tapos normal lang sakanya? Taena netong hayop na to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD