Jediael's P.O.V.
Walang pasok ngayon kase may seminar daw at hindi ko alam kung anong reason kase yung labas agad namin ni Aria naisip ko. Speaking of Aria. hindi na siya nagtext sakin kagabi, alalang-alala ako sakanya tapos malalaman ko kinabukasan natulog lang pala amp. So ngayon wala pasok ulit at may biglaan kaming lakad nina Mommy. Si Daddy nakabihis na at nasa parking na, si Mommy naman nagmamake up parin at si Erie naman kasama ko dito sa sala naka upo hinihintay si Mommy.
"Kuya i want to see ate Aria again." Sabi niya tsaka siya pumunta sa harapan ko at tumatalon pa. Sina Mom and Dad gusto ring makilala si Aria kase nabanggit ko sakanila na nililigawan ko siya. First time ko rin kaseng mag open sakanila about sa ganyan kaya na excite sila, gusto nga rin nilang yayain sana ngayon kaso sabi ko wag muna. Masyadong mabilis kaya medyo nagtatampo pa si mommy sakin.
"Soon" sabi tsaka tsaka sinuklay yung buhok niya gamit ang aking mga daliri.
"When?" Tanong niya ulit. Ang kulit din neto e.
"Hindi ko pa alam, basta isasama kita pag lalabas ulit kami" napatango naman siya bilang tugon sa aking sinabi.
"Kids tara na" sabi ni mommy na pababa na ng hagdan. Naka dress silang dalawa ni Ky habang ako naka pants lang and hoddie si Dad naman naka shirt tsaka pants lang din. Kakain lang kami sa labas tsaka mag shoshopping siguro.Sumakay na kami ni Ky tsaka nag sit belt. Pag family day talaga hindi ko ginagamit yung sasakyan ko.
Habang bumabyahe kami, naka tingin lang ako sa labas. Naka earphones ako kaya nagiimagine ako na kunyari sa music video ako. HAHAHAHAHAHAHAHAH taena niyo wag niyo akong kontrahin.
"Jed, Talaga bang bawal yung nililigawan mo?" Tanong ulit ni Mom
"Bawal nga mom, nakakahiya naman. Lumabas kami kagabi e" sabi ko tsaka bumaling sakanya
"Nag date kayo nak?!" Tanong ni Dad tsaka ako tinignan sa rear-view mirror.
"Opo Dad, biglaan lang naman. Tsaka date ba yun? Kumain lang naman sa labas" sagot ko. Date naba pag ganun? Paki sagot guys parang awa niyo na
"Dapat pinag planohan mo para matulungan ka namin" sabi mom tsaka siya humarap sakin.
"Mom hindi ko rin naman kase alam na mapapapayag ko siya. E sakto naman na may bibilhin siya sa Rob e" sabi ko tsaka tinanggal na yung earphones ko kase alam niyo pag may nagsimula nang magsalita tuloy-tuloy na yan. Sayang yung view oh, naudlot pagdradrama ko.
"ayy andami namang tao" sabi ni Dad nan makita namin yung parkingan.
"Hay naku daddy, you know naman na walang pasok ngayon." Sabi ni Erie na parang highschool na magsalita e 8 years old palang naman yan.
Nang maka hanap kami ng pwedeng parkingan dito sa Rob ay lumabas na kami at pumasok sa loob ng Rob. 3 yung ANEX niya kaya malawak siya at maraming papasyalan.
"Kuya, can you buy me some candy the one that you put 5 peso in the butas then yung iniikot?" Tanong niya ang tinutukoy niya yung bubble gum na di ko alam tawag doon.
"Sige mamaya pagka uwi natin" sabi ko. Bitbit ko kase siya at ayaw namang lumapit kay mama.
"Where are we gonna eat?" See feeling englishera tong kapatid ko.
"Mom saan tayo kakain?" Tanong ko kay mama para di na ako kulitin ni Erie
"Korean Restaurant lang, daming tao kase sa food court e. Alam mo namang Korean Restaurant marami dito kaya panigurado may kakainan tayo" nang maka rating kami sa food court ay tama nga sila, sobrang daming tao.
"Kuya, ate Aria!" Sigaw ni Erie habang tinuturo sa labas kase transparent namin na salamin yung sa may side namin dito sa kakainan namin.
Nang tignan ko ang kanyang itinuturo ay wala naman akong nakita na ni anino ni Aria, kaya naisip ko baka ginogood time lang ako nito kapatid ko at baka siguro namalik mata lang si Erie.
"Wala naman baby e" sabi ko tsaka ako bumaling ulit sakanya.
"I saw her!" Sabi nito ulit habang nakatingin parin sa labas na parang hinahanap kung asaan na yung nakita niyang Aria kuno.
"Hay naku Erie baka ginogood time mo lang ako ha." Sabi ko tsaka kinuha yung mga side dish tsaka kinain ito.
"Totoo nga, why ba ayaw mong maniwala sakin, i see her! mismo saaking pretty eyes!" paglalaban naman nito.
"Sino ba sinasabi ng kapatid mo?" Tanong ni Mom nang mapansin na nagkakasagotan kami ni Erie dahil nakita daw niya kuno si Aria.
"Malay ko diyan ma. Sabi niya nakita daw niya si Aria e wala naman" paliwanag ko kay mama dahil wala naman talaga si Aria, edi sana nakita ko siya kung meron talaga diba?
"Malay mo andiyan naman talaga." Sabi ni mama tsaka ngiti sakin. Alam ko may binabalak to e.
"Wala ma. Nasa Restaurant nila siya ngayon" napatingin sakin si Dad nang masabi ko yun
"May Restaurant sila!? E BAT NGAYON MO LANG SINABI! PARA DOON NA TAYO KUMAIN!" Lumakas ang boses niya habang sinasabi ang mga katagang iyon tsaka aba malay ko bang gusto nila doon.
"E sabi niyo kase Rob e" tsaka ako napakamot sa aking batok, bakit? masunoring anak. Paninindigan ko ang pagiging masunoring anak
"Sayang naman Jed. Edi sana nakita namin siya, saan ba Restaurant nila?" Si Dad. Ganyan sila ka atat na makilala si Aria.
"Sa VMK po. Sa Highway yung kinainan natin nung Reunion" kase kumain na kami nila Mom doon ilang buwan na naka lipas.
"Doon? Bat di mo sinabi kasi agad?" Sabi nito habang nag iihaw siya.
"Sa susunod nalang ma" sabi ko tsaka kain ng mga side dish na nasa lamesa.
"Siguradohin mo ha" sabi ni Dad habang kumakain din
Pagkatapos naming kumain ay nagshopping muna sina Mom and Dad para sa mga pangangailangan sa bahay.
"Kuya let's buy gummy" sabi nito habang hinihila yung dulo ng Hoodie ko.
"Sige tara" sabi ko tsaka ko siya binuhat. Nagpaalam muna ako kina Mom tsaka kami tumungo sa Gummy store.
Habang namimili si Erie ay parang nakita ko yung bulto ng likod ni Aria pero sabi niya kase nasa VMK siya. Baka nga totoo yung sinabi ni Erie. Baka siguro may binili lang at hindi ko rin sure kung siya yun e. Itetext ko nalang siya mamaya.
"Kuya you pay na" sabi ni Erie habang kumakain na sa Gummy niya.
Nang magkabayad na ako ay dumeretso na ako sa store kung saan iniwan namin sina Mommy. At nang maka rating kami ay nagshoshopping parin sila kaya pumuli nalang din ako ng damit ko tsaka mga pangangailangan ko rin.
Nang maka bayad kami ay binitbit ko na yung ibang paper bag tsaka sa kanang kamay ko naman ay si Erie na kumakain parin ng Gummy bears niya. Wala na siyang pake sa paligid niya basta may kinakain na yan.
Mag aalas kwarto na pala kase natagalan kami sa Grocery store kase andaming kailangan sa bahay.
"So Jed. Anong unang niregalo mo kay Aria?" Tanong ni Dad habang naglalakad kami papuntang Nike store.
May naregalo naba ako? Ah meron
"Yung Instax Film nung Fest sa school. Sakto kaseng hindi pa sila nakabili ng Films noon kaya ako na bumili bilang ambag ko narin" Nagamit na kaya ni Aria yon? oo ata, ewan kung yun yung nakita ko sa kwarto niya nun.
"E sa fest niyo naman yun anak, I mean yung gift na para sakanya lang"
"Ayun nga dad, binilhan ko siya ng Limited Edition na Bt21 Films kase mahilig siya magpicture. Tsaka gusto rin daw niya yung BT21 sabi nung kaibigan niya kaya binilhan ko siya" Hindi na sila nagtanong pagkatapos nun kase pagkapasok namin ng Nike Store ay nagkanya kanya na kami.
Kami ni Dad ang magkasama at sina Mom at Erie naman magkasama.
"Nakwento sakin ni Sadie na nakita ka niya raw dito sa Rob kahapon?" Tanong ni Dad habang pumipili ng sapatos.
"Opo kasama ko si Aria, muntik nang mag away e, nagkasagutan pa" Sabi ko habang sinusukat yung sapatos na gusto ko.
"Tagal niyo nang magkaibigan ni Sadie. Ni katingting ba hindi ka nagka gusto doon?" Tinigil ni Dad pamimili ng sapatos tsaka siya tumabi sakin habang naka tingin sa salamin sa harapan namin.
Tumingin din ako sa salamin tsaka ako ngumiwi
"Wala dad" sabi ko habang ganun parin ang pwesto.
"Bakit? Materialistic no? Di maganda ugali? Di naman sa panlalait pero lahat ata ng ayaw ng lalake nasakanya na." Sabi ni Dad. Napatingin ako sakanya at lumaki ang aking mga mata nang sabihin niya yun. Like bat niya alam?
"Okay yan son, kahit naman na magkaibigan kayo ni Sadie ay ayuko parin sakanya okay na ako sa magkaibigan kayo, kaya ipakilala mo na sakin yang si Aria." Tinapik niya ang aking balikat tsaka siya bumalik sa pamimili ng sapatos at kung ano-ano pa jan.
Ngayon ko lang narinig ng ganun si Dad. Yung seryosong usapan namin about sa babae, ngayon lang! Promise!
"O maghugas muna kayo bago matulog ha? Magpalit ng PJ's, lalo kana Jed! Bat ka naman naka boxer lang na natutulog e kung lamigin ka?" Anong mali doon? Normal lang kaya yun, minsan nga hindi na ako naka boxer e.
"Oo na mom. Akyat na ako pagod na ako e" kiniss ko sila ni dad sa pisngi niya tsaka ako umakyat.
Naka uwi na kami at after naming magshopping kanina sa Nike ay maggagabi na so kumain ulit kami doon.
Naligo na ako tsaka ginawa ang aking ritwal. Tinignan ko ang aking cellphone kung meron bang message si Aria pero ni tuldok wala. Siguro pagod? Bahala na.
Aria's P.O.V.
Nagsimula na kaming maglakad papunta sa Mcdo, medyo malapit lang naman dito kaya okay narin.
"Aria, anong pwede pang regalo kay Ella sa Birthday niya?" Sa January palang naman birthday ni Yvo pero nagreready na si Tita.
"Eh tita matagal pa naman, may time pa para mag isip"
"Oo pero alam mo naman iyang pinsan mo. Siguro bilhan ko nalang siya ng Apple Watch ano?"
"Tita naka ilang apple watch na si Ella a" sabi ko kase kada year ata nagpapalit ng Apple Watch si Yvo, kada may bagong labas ang apple bumibili kaagad si Tita.
"Oo kaso iba-ibang gen. naman, tsaka wala talaga akong maisip e. Hindi naman kase nag oopen si Yvo sakin ng mga gusto at ayaw niya" hindi naman mapaglihim si Yvo pero siguro nahihiya lang siya.
"Tita sa pagka-alam ko may nagugustohan siyang libro atsaka gusto rin ata niyang bumili ng paintings kase gusto daw niyang mabago yung kwarto niya" sabi ko kase nakwento sakin ni Yvo na gusto niyang iparenovate yung kwarto niya.
"Ay oo nga no, kung iparenovate ko nalang kaya yung kwarto niya? Dapat Aria 2 days before her birthday sa bahay niyo na muna siya ano?" Maganda ding Idea yun
"Opo tita sige"
Nang maka rating kami sa Mcdo ay nagorder na agad kami kase gutom na ata talaga si Tita. Tanghali na rin kase tapos nauna na daw kumain sina ate Elisse.
"May boyfriend na ba si Yvo?" Tanong ni Tita habang kumakain kami, napa isip tuloy ako kung sino sa mga kwinekwento ni Yvo sakin na mga naka talking stage niya ang makakatuloyan niya?
"Wala po siyang pinapakilala saakin tsaka mga nakwekwento na kanyang natitipuhan" sabi ko tsaka sumubo ulit ng pagkain. Ayuko namang sabihin sa mama niya na kada linggo ay may kwinekwento siya sakin, pero wag niyong inaano si Yvo ha, pag yan nagka jowa jusko napaka loyal.
"Hay naku si Yvo talaga, sinasabi ko sakanya lagi na mag boyfriend siya. Naku ni crush wala siyang sinasabi, di kaya tomboy si Yvo?" Sabi nito saka tingin sakin na nagtatakang expression.
Nabulonan ako sa sinabi niya. Myghad Tita Yna kung alam niyo lang kung gaano kaharot ang anak ninyo baka mas malala pa maging problema mo sa love life ng anak niyo.
"Ano ka ba tita Tibo agad, baka naman po di pa Ready si Yvo, tsaka parang may something sila ni Vince e" halata ko rin madalas na naming nakakasama si Vince.
"Omyghad buti naman, naku baka tumandang dalaga iyang kaibigan mo naku wag naman sana" sabi nito tsaka kumain na ulit kami, may lahi pa naman daw sina tita na tumatandang dalaga HAHAHAHAHHAHAHAHA
Pagkatapos naming kumain nag lakad lakad muna kami ni Tita, nilibot namin yung mall tsaka bumili ng mga kailangan niya, binilhan pa ako ng films. Pumasok kami sa isang store na puro gadgets andoon tsaka may mga connect sa gadgets chuchu hindi ko alam tawag dun oo.
"Aria gusto mo ba nitong case?" Tsaka niya pinakita sakin yung case na kulay pink na may vector paint na babae tsaka lalaki na naka uniform.
"Naku wag na po tita, andami mo nang nabili na damit namin ni Yvo e" tsaka pinakita yung mga paperbag na bitbit ko.
"Bahala ka diyan, bibilhan kita neto" sabi niya. Di ko rin kayang tumanggi sa kakulitan ni Tita kasi hindi ka titigilan kaya wala na rin akong nagawa.
"O sayo ito" bigay niya saakin nung dalawang case kaso pink yung isa yung isa black.
"E tita bakit po dalawa? Okay na po sakin yung isa" isasauli ko na sana yung isa nang inirapan niya ako.
"Hay naku Aria ang kulit mo talaga, sayo yan anak. Edi ibigay mo sa natitipuhan mo yang isang case" Napakamot nalang ako ng ulo dahil sa sinabi niya at kakulitan ni Tita. Kanino ko naman to ibibigay? Sino bang natitipuhan ko?
Nang maghahapon na bumalik na kami sa boutique at akala namin hindi na masyadong marami ang tao doon kaso kabaliktaran pala.
Kinuha ko na yung dress tsaka ako nagpaalam kay Tita kase magdidilim narin, nagpasalamat naman ako sakanya dahil sa andami niyang nilibre sakin imbes na ako manlibre kase babayaran ko yung damit. Ay nilibre ko pala si Tita pair nga lang ng Hikaw tsaka bracelet na pandora yun lang daw kase trip niyang bilhin ngayong araw.
Nang makarating ako sa Parking Lot ay dumeretso na ako sa aking sasakyan. Wala na yung sasakyan na katabi nito na familiar saakin.
Nagdrive na ako pauwi kase inaantok narin ako,nagtext nalang ako kay mama na dederetso nalang ako sa bahay. Sige naman daw, madali lang kausap nanay ko e. Nang maka uwi ako ay inayos ko na muna yung mga paper bags na para saakin sa aking kwarto tsaka ako pumunta sa kwarto ni mama para ilagay yung dress doon. Nagshower din ako kase parang nalalagkitan ako sa aking katawan kahit galing naman ako sa may aircon na lugar. Ginawa ko na ang aking mga ritwal pagkatapos ay humiga na ako sa aking kama tsaka ako nagdasal.
Hays sana talaga maging payapa ang buhay ko bukas kase may school nanaman. Hindi na ako nag abalang kumain pa kase inaantok na talaga ako.
*kinabukasan*
Aria's P.O.V.
So ang agenda namin ngayon ay magvovote ng kung anong gagawin namin para sa Christmas party, siguro akin na lahat ng gastosin para sa photobooth. At dahil nga 4th year highschool palang kami. Kailangan parin ng parents naman na imeeting yung mga mapaguusapan namin ngayon.
"So paano nga?" Tanong ng isang paepal dito sa Classroom namin. Nakaka bwisit kaya, lalo na yung makakapal niyang make up. Nagfefeeing siya na siya si Maxpein kunyari pa mysterious ang gaga.
"So guys, ganto pagplanohan muna natin kung ano ang ating kakainin." Sabi ko habang nakatayo sa harap ng mga kaklase ko at siyempre dahil president tayo kailangan pangunahan tong epal at asungot kong mga kaklase.
After a hour natapos din kami agad dahil mabilis lang pero hindi naging madali kasi epal yung mga iba, ayaw maki sama.
Magsusuggest ng mahal pero ayaw naman na siya yung magdodonate.
At sa decoration, may plano silang magtayo ng photobooth pero sa room lang namin kase dito sa school pag Christmas program dapat sa loob lang kayo ng room niyo.
"Alam mo Aria, epal talaga yang si Jazzmark. Akalain mo yung gusto ng Graham cake tas ako yung ituturo na magdodonate? Hambalusin ko kaya siya." Sira nanaman araw niya dahil nag away sila ni Jazzmark. Naalala niyo? Yung epal kong kaklase na nanulak sa likuran ng tuhod ko kaya ako nagkasugat.
"Hayaan mo na role niya ata talaga dito sa mundo na maging Epal sa buhay nating dalawa." Napairap naman siya.
Napatingin naman ako kay Jed kase kanina pa siya bumabahing. Ewan ko ba sa Author ng story na to kung bat kami ginawang sakitin.
Habang naglalakad kami sa Hallway papuntang Canteen ay hindi parin matanggal tingin ko kay Jed kase sunod-sunod mga bahing niya.
"Ano bang ginawa mo bat ka binabahing?"
"Wow girlfriend yarn??" singit naman ni Yvo na naka kapit sa kamay ni Vince. kinda sus
"Wala naman, nag mall lang kami kahapon. Lamig lng siguro to" Siguro nga dahil December na medyo malamig na.
Naka Hoodie naman kami pero siyempre dahil siguro naka skirt kami malamig parin.
"Ano Order niyo?" Tanong ni Vince ng maka hanap kami ng uupoan
"ahm sakin gusto ko ng Milktea, Fries tsaka Burger" Panggagaya ni Yvo nakita niya sa t****k, Kaya naman nagtawanan tong mga kasama ko. Bakit LT kaya yun, Trending nga yun e. SANA ALL SINUSUYO HAHAHAHAHAHA
"Sige Milktea tsaka Carbonara sakin" Napatingin ako ng masama kay Jed kase gusto pa niyang mag Milktea e sinisipon na nga.
"Hambalusin kaya kitang yawa ka?!" Natawa naman siya sa inasta ko. Iniba ko yung iinomin niya imbes na milktea nag coffee nalang kinuha ko para sakanya.
Habang kumakain kami siyempre di maiiwasan na pinagtitinginan kami, aba sa ganda ko ba namang to... charot