Chapter 9

2324 Words
Aria P.O.V. Nandito kami ngayon sa ANEX dahil bibili ako ng mga bago kong libro. Kung di niyo lang alam e nagcocollect po ako pero siyempre binabasa ko rin tsaka may secret room ako doon. O hmm di na secret. "Saan tayo?" Tanong ni Yale, arte arte neto pwede namang Jed nalang tawag ko sakanya e. Habang naglalakad kami naka hawak ako sa hoodie niya na parang takot mawala na bata. "Sa National Bookstore" nagmamasid naman ako sa aking kapaligiran kase nakaka ilang yung mga tingin ng mga tao. "Uy Jed!" Sigaw nang babae na di ko kilala na may katangkaran na payat. Nabitawan ko yung hoodie ni Yale dahil sa biglang pagyakap ni ate kay Yale. Napaatras naman ako kase baka matamaan ako. Balak pa atang magpa karga amp. Anak ng, kapatid ata ni Uma to e. Parang octopus kung maka yakap kay Jed tsk. "Sadie" so magkakilala talaga sila? Ano ba Aria malamang yayakap ba iyang babae kong di sila magkakilala. "O my god, i miss you damn so much talaga, you're not replying my chats e" you're not replying tss. Utot mo replying Tss arte arte "i miss you damn so much"CHE! "Kinda busy" sabi naman ni Yale, Kinda busy utot niyong dalawa. "O so ngayon nandito kana, tara let's eat. My treat" sabi nito saka pinulupot yung kamay niya kay Yale tsaka niya sana hihilain nito, hindi pa ata ako nakita. Hello tong ganda kong to? ini ignore ng isang mukhang Ursula? "Teka, I'm with my girl, Sadie. Siguro next time nalang." Sabi nito tsaka tinanggal ang nakapulupot na kamay nung Sadie sa braso niya. Huh hambalusin kita e. Ngayon Sadie nakikita mo na ako! Tumabi saakin si Yale tsaka niya pinulupot ang isang kamay saakin bewang "Oww, so siya kinabibisihan mo? Wow, parang nung di ka palang nag transfer nasakin lahat ng atensyon mo ha?" Tumingin siya sakin tsaka niya tinaas ang isang kilay niya. Aba baka gawin kitang Sad hayop ka "Kaya nga siya nagtransfer kase ayaw na niya makita mukha mo e" bulong ko tsaka tumingin sa paligid "May sinasabi ka? Narinig kita" sabi nito tsaka baling sakin tsaka niya ako dinuro "Narinig mo pala e bat mo pa tinatanong?" Tss panget mo tanga "Aba! Lumalaban kapa!" Lalapit na sana siya ng pumagitna na si Yale samin. "Ano ba Sadie! Diba sabi nang next time e!" Sigaw nito tsaka hinampas yung kamay nung anak ni Ursula na naka turo saakin. Paepal naman tong Tulingan na to, kating-kati na kamay ko o. "Hindi pa ito ang huli na maghaharap tayo, tandaan mo yan!" Sigaw nito tsaka siya lumayas sa harapan namin, oh sad na ang baby ursula "Tara na Aria" sabi ni Yale tsaka niya kinuha ang braso ko tsaka niya hinawakan ang aking mga kamay. "Tara na nga" inis na sabi ko tsaka kami nagtungo sa National Bookstore Nang makapasok kami ay hindi na kami masyadong nagusap tsaka dumeretso ako sa shelves kung nasan yung mga librong bibilhin ko. Hindi narin naman siya umimik kaya mabilis akong nakapili ng mga bibilhin ko. Habang pumipili ako ng mga libro ay nakasunod siya saakin na parang tumitingin din sa mga librong pinipili ko. Tsk akala mo okay sakin yung harap harapan kang yakapin ng Sadie na yun! Huh pagasawahin ko kayo e! Itapon ko pa kayo sa Ilog! Panget niyo! Nang matapos kong bayaran ang mga libro ay kinuha na ni Yale yung paperbag. Hindi parin ako umimik pero naririnig ko yung pagbuntong hininga niya. "Saan mo gustong kumain?" Tanong niya habang hawak yung kamay ko sa kanan tsaka yung isa niyang kamay naka bitbit sa mga paperbag. "Kahit saan" sabi ko tsaka tumingin ulit sa paligid, andami kase naka tingin samin este kay Jediael pala. Dutdutin ko mga mata nila e. hay naku nabwibwisit talaga ako sa Sadie na yun. Dinala niya ako sa isang mamahaling Restaurant. Buti hindi masyadong maraming tao kaya mabilis lang rin kaming naka hanap ng uupuan. Si Yale na nagorder para sakin kase hindi ko naman alam yung nasa Menu nila. Buti sakanya e suki na daw siya dito. "Bat ang tahimik mo diyan" tanong niya nang paupo na siya sa harapan ko "Wala" sabi ko. Hindi ko rin alam bat bigla akong naging tahimik e okay naman kami, basta ang alam ko nabwibwisit ako dun sa Sadie na yun. "Ano nga yun? Sabihin mo sakin ngayon din" napatingin ako sakanya dahil sa base sakanya pagka sabi ay inuutusan niya ako "Aba ano ako alipin mo?! Inu-utosan mo ako?!" Medyo pasigaw kong sabi sakanya tsaka ko siya tinignan ng unbelievable face "E bat ka galit?" Tanong niya sakin tsaka niya nilapit ang mukha saakin "Hindi ako galit!" Sigaw ko sakanya dahil nanririndi ako sa pagmumukha niya "E bat ka sumisigaw?" Bat ba ako sumisigaw? Hindi naman a, Normal na to for me, hays bahala ka jan, pake ko sayo! "Wala! Naririndi ako sa pagmumukha mo!" Tsaka ko siya inirapan at kinuha nalang ang aking cellphone tsaka ako nagscroll sa newsfeed ko. Wala naman nang bago dahil puro memes lahat. "Bat ka ba kase galit? May nagawa ba ako?" Tanong niya ulit "Sabing wala e! Pagbuhulin ko kayo nung Sadie mo e, napaka kulit niyong dalawa, sakit kayo sa ulo" Sigaw ko ulit sakanya. Napangisi siya nang masabi ko ang mga katangang iyon. Teka ano ulit yung sinabi ko ba kase? "Nagseselos ka?" Tanong niya "Aba di ba obvious!" Luh putek ano ba yung nasabi ko. Shet Aria humanap ka ng paraan para lutasan iyon. Nang tignan ko siya ay naka kagat siya sa pang ibabang labi parang pinipigilan pang ngumiti. "Ano bang nginingitian mo diyan? Para kang timang tsaka naniwala ka naman, clout chasing lang yun no." sabi ko sakanya "Nagseselos ang baby ko e" sabi niyo na umakto pa na parang bata yung pinagsasabihan. "Ano ba Yale, sabi ko obvious ba na hindi! Wag ka ngang epal!" Kailangan kong idepensa ang sarili ko dahil ayukong napapahiya ako dahil minus kaangasan yun. "Oh sige na hindi na, wag na magalit ang baby na iyan, tignan mo o lumulubo nanaman yung mga pisngi niya. Namumula pa. Achuchuchu" pinanliitan ko siya ng mata kaya mas lalo pa siyang natawa. "Oo na sorry na po, sorry na sa baby na iyan o galet na galet wag sanang manakit." Natatawa pang dagdag nito "Eto na po yung order niyo sir/maam" buti nalang dumating tong pagkain na to kung hindi hahambalosin ko si Yale. "Pray muna tayo" sabi niya tsaka kami nagpray siyempre. Bait bata kami, ganun ang astig. "Tambay kaba dito?" Tanong ko sakanya after naming magpray, medyo gumaan narin pakiramdam ko pagkatapos nun "Oo pero baka magiba na tambayan ko" sabi nito tsaka niya kinuha plato ko tska hiniwa yung steak. "Ha? Bakit? Ang ganda dito e" tskaa uli ako tumingin sa paligid "Tambayan namin nina Sadie to e" sabi nito tsaka sinauli yung plato ko. Napahawak ako sa tinidor ko tsaka ko siya tinignan ng matalim na tingin "O galit nanaman ang baby na iyan, kaya nga magpapalit na ako ng tambayan diba? Kase sa VMK RESTAURANT na ako tatambay." "Che! Wag samin!" Sabi ko tsaka ako kumain, tumawa nalang din siya tsaka kumain narin. Kaasar tong gago na to Hindi naman na kami umiik pagkatapos nun kaya madali lang kaming natapos sa pagkain. Nagbayad na si Yale, aambag pa sana ako kaso sabi niya libre nalang daw niya. Ihahatid na niya ako saamin kase maggagabi narin. Pumunta pa kami sa mall para lang mag away guys. Buti at hindi traffic kaya mabilis lang din kaming nakatungtung saamin "Text text nalang ha?" Sabi niya ng pababa na ako ng sasakyan. Nagseatbelt na ako guys. "Ayuko nga! Katext mo yang Sadie mo!" Sabi ko sakanya tsaka ko sinara yung pintuan. Narinig ko pa siyang tumawa Hinintay kong maka alis muna siya bago ako pumasok sa loob ng amin bahay. Wala masyadong tao sa sala dahil siguro nasa kusina silang lahat dahil oras na ng kainan. Dumeretso na ako sa aking kwarto tsaka naligo kase nakakapagod tong araw na to. Pagkatapos kong maligo ay nagpatuyo na agad ako ng buhok tsaka ginawa yung routine ko. After that hindi ko na nahawakan yung cellphone ko dahil inantok nalang din ako dahil siguro sa pagod. Aria's P.O.V. Andito ako ngayon sa Restaurant namin kase wala trip ko lang tumulong. Si kuya busy sa school works niya kaya di kami magkakasama ngayon. Si Yale naman biglaang Family day daw kaya lumabas sila. Tadtad nga ng text niya yung cellphone ko kagabi kase nga diba hindi ko na siya naka usap kase naka tulog ako. Ngayon nandito ako sa Restaurant. Ayaw naman akong patulungin ni mama kase nandito daw yung mga nag o-OJT. Sobrang dami ng tao ngayon. Buti andito sila. "Ma'am Aria, may ibibilin daw po yung si Madam" tawag sakin ng isang staff. "Sige po ate" nagbow ako tsaka tumayo papunta sa kitchen. Hinanap ko si mama medyo marami sila dito sa kitchen. "O anak, andiyan kana pala. Halika rito" sabi nito nang makita niya ako sa may malapit sa lutoan. Natatakot nga ako baka matalsikan ako ng mantika, nung last na natalsikan ako napunta pa sa mata ko, halos tatlong linggong blurred yung paningin ko. "Ma dito nalang natatakot ako diyan e" hindi naman sa nag iinarte pero nagka trauma ata ako pati nung malapit nang maibuhos sakin yung kumukulong mantika nung nagluluto si kuya tapos naghaharotan kami. "Pasuyo anak, paki kuha yung damit ko na pinatahi ko sa mama ni Yvo. Para sa party na magaganap next week" sabi na e. Wala naman akong magagawa, boss ko yan e. "Sige ma, saan ba? Sa boutique or sa bahay nila?" Kinuha ko yung panyo ko tsaka pinunasan ang aking mukha "Sa boutique nila anak, sa may Rob" kinuha ko na yung pera tsaka ako pumunta sa parking lot, siyempre ako magdridrive ano pa nga ba. Natutunan kong magdrive nung second year highschool palang ako pero take note sa kotse yun ha. Pag sa motor nung grade 3 ako, tinuruan ako ni papa nung sinundo niya ako sa school. Nang mapadaan ako sa highway nakita ko yung mga Christmas Decorations. Nung dumaan kami ni Kyle dito wala pa tong mga to e. Christmas, kung kailan dapat buo ang pamilya. Pero ako? Okay lang kahit hindi buo kase ramdam ko parin naman yung saya tsaka hindi naman nila hinahayaan na malungkot Christmas namin. Lalo na si mama hindi niya hinahayaang malungkot kami. Napaisip tuloy ako kung anong pwedeng panregalo sa mga kaklase ko tsaka sa pamilya ko. Matagal pa naman yung 25 pero ang hirap namang mag-isip pag biglaan kang bibili ng mga panregalo. Nang nasa Rob na ako ay dali akong humanap ng pwede maparkingan sa Parking Lot siyempre. Medyo madaming tao talaga ngayong araw na to kase ang hirap ding humanap ng parkingan. Nang makalabas ako ng aking sasakyan ay parang namataan ko iyong katabi kong sasakyan, parang nakita ko na to e pero hindi ko alam kung kaninong kotse basta parang nasa isip ko e nakita ko na to, bahala na nga. Naku Aria pati sasakyan pinoproblema mo! Agad-agad akong pumasok sa Rob tsaka ako dumeretso sa Boutique ni Tita. Nadedemonyo ako sa aking mga nakikita sa aking kapaligiran pero kailangan kong magpigil. Kalma Aria dress yung pakay dito hindi mga ganyan. Nang makarating ako sa boutique ay medyo marami ring tao kase famous tong boutique nina Yvo kaso iilang beses lang siya napapadpad dito. Yung fashionista mama niya pero siya parang boang na galing Mental Hospital. "Aria!" Sigaw ni Tita Yna nang makita ako. Nakipag beso siya saakin tsaka ako hinawakan sa pulsohan tas hinila ako papasok ng boutique. "Tita kukunin ko lang po sana yung pinatahi ni mama" sabi ko tsaka ako nakasunod sakanya. Trivia lang makulit din si Tita Yna mas makulit kesa kay Yvo kaya ewan ko kung paano nahahandle ni tito kakulitan nilang dalawa. "Oo sinabi niya sakin, naku sabi ko kase ipapadala ko nalang kay Yvo sa bahay niyo pero sabi ng mama mo ikaw nalang daw e nakakahiya daw. Nahiya pa ang loka e nung late siya sa birthday ko di naman siya nahiya" natawa ako sa kwento ni Tita kase simula bata palang din sila,mag Bestfriend na sila. Buti ganun din kami ni Yvo pero hindi ko rin alam paano ko natiis yun. "E Tita alam mo na naman si Mama, kunyari pang nahihiya yun, medyo may pagka makipot siya e" sabi ko tsaka kami natawang dalawa sa kalokahan ni mama. Mabait si Tita Yna, minsan mas gusto niya ako kesa kay Yvo pero buti hindi nagseselos si Yvo kase iba naman yung way na pag mamahal niya sakanya kaya walang inggitan na nagaganap. Ganun din si mama kay Yvo kaya normal na samin magtulog sa bahay ng isa't isa. "Eto sabihin mo kay mama mo wag na niyang bayaran" napatingin ako sakanya ng sabihin niya iyon. Kase hello? Ang mahal kaya nung mga ginamit niya tapos libre? "Naku tita, wag po nakakahiya. Ang mahal niyan e" sabi ko tsaka ilalabas sana ang aking card kaso tinapik niya ang aking kamay. "Ano ka ba, bayad yan sa pantitiis mo sa anak kong si Yvo na isa ring boba" "E tita kaya ko pa naman pong tiisin si Yvo tsaka sanay na po ako pinsan ko po yun e, pero di po matitiis ng konsensya ko na libre to" sinong di makokonsensya? Siguro pag iba to mga 20K+ na bayad nito. "Sige kung gusto mong magbayad, kain nalang tayo sa Mcdo. Ngugutom na ako e, hintayin mo ako kukunin ko lang yung bag ko" pumasok na siya sa kanyang office, napabuga naman ako ng hangin kase parang kakapusin ako ng hininga sa libre na dress na to. "Elisse! Ikaw na bahalang magbantay dito ha? Kakain lang kami ni Aria saglit. Paki box na yang dress, babalikan namin ni Aria yan" bilin niya sa assistant niyang si ate Elisse. "Sige po ma'am" sabi nito tsaka siya tumayo at inayos yung gown.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD