Aria's P.O.V.
Halos isang buwan na naka lipas, medyo naging okay na naman kaming lahat. Hindi ko na hinabol si Jazzmark dahil sa sugat ko kase magaling na naman siya kinaumagahan.
Isang buwan na rin nung last na nagka usap kami ni Kuya Matthew dahil hindi na siya umuuwi sa bahay at kinuha na siya ng papa niya.
"Aria!" Tawag sakin ni Jed habang may bitbit na bag ng mcdo, nagpabili kase kami ni Yvo nang Mcdo kase umuwi si Jed para kumain sa isang restaurant dahil bilin ng mama niya.
"Gago ka talaga Jed! Sabi ko Tig-isa lang kami gago magpapakain kana?" Parang baliw naman kase dalawang paperbag pa naman dala e sabi namin tig-isa lang kami ni Yvo.
"Alam ko namang magaling kayong kumain, dinamihan ko na" diniinan pa yung magaling kumain tsaka siya tumingin sakin. Aba! Ipakain ko sakanya yung box e.
"Asus, sabagay yung isa talaga diyan magaling lumamon!" Parinig naman ni Yvo.
"Ah talaga? Pinagtutulungan niyo ako ha?" Kinuha ko yung dalawang paper bag tsaka sila binigyan ng tig isang nuggets tsaka burger. Hindi naman na nagreklamo si Jed pero tong isang babae dito parang kulang pa yun.
"Hoy gaga bat eto lang?" Reklamo ni Yvo
"Pasensya na magaling kase ako lumamon e, gutom kase ako. Kaya ko namang kainin to e. Kulang pa nga. Dapat nga nuggets lang sayo e." Akmang kukunin ko pa yung burger niya ng lumayo na siya sakin.
"Tangina mo Ihara!" Sigaw niya at pumunta sa upuan niya.
Tumatawa naman si Jed na nasa likod ko habang kumakain ng nuggets. Nasa room kase kami, pero wala kaming prof ngayon kase may seminar sila at tapos na namin yung pinapagawa nila kaya wala na kaming problema.
Umupo ako sa aking upuan at umupo naman si Jed sa upuan sa aking harap tsaka siya humarap sakin, kinuha ko yung nuggets ko sa paperbag tsaka ko kinain.
Tawanan lang kami ni Jed habang kumakain sa kadahilanang kalokohan ni Yvo.
"Ang damot damot! Burger tsaka nuggets lang! Luh! Kaming dalawa yung nagpabili tapos sakanya na lahat! Hindi pa nabayaran!
Asus! Baka naman kase nanliligaw na yung isa diyan" nagkatinginan naman kami ni Jed dahil sa sinabi ni Yvo.
Hindi naman nanliligaw si Jed saakin pero hindi naman kami nagdadate. Baka hanggang friends lang talaga kami? tsaka hindi naman ako yung tipo ng babae na gusto na nasa labas lagi. Hindi ko alam pero mas gusto ko yung nanonood lang sa bahay tapos kumakain tas minsan gagala dala ko lagi camera ko.
"Ano di maka sagot! Kase baka totoo!" Sigaw ulit ni Yvo. Pinangtitinginan na kaming lahat ng aming mga kaklase lalo na yung mga tropa ko kung maka tingin sila parang may binabalak naka ngisi pa silang lahat.
"Wag mo akong pangunahan, plinaplano ko palang yun e!" Sigaw naman ni Jed kay Yvo kaya napatuwid agad ako ng umupo tsaka lumaki ang mata ko dahil sa pagka bigla. Nagsigawan naman ang mga uto-uto.
Nang binalingan ko si Jed ay ngumingiti pa siya sakin habang nginunguya yung burger niya, Mabulonan ka sana!
Hindi nagtagal ay nabulonan nga siya, ninerbyos naman ako kung anong magyayari kaya inabot ko agad sakanya yung coke tsaka hinimas sa likod niya at nang tignan ko siya ay naiiyak na siya dahil sa pagkabulon. Medyo natatawa ako na nagiguilty, ay sige ako na pinaka masama!
"Asus! Alalay agad!" Sigaw naman ni Yvo. Nang tinignan ko siya ay kunyari may tinitignan pa sakanyang paligid.
"Okay ka lang?" Tanong ko kay Jed. Tumango naman siya tsaka pinunasan sa gilid ng kanyang labi.
"Aria!" Sigaw naman ni Stephanie sa may pintuan naman.
"Bakit?" Sigaw kong pabalik sakanya.
"Nandito si Chris! Kakausapin ka daw" Sigaw naman ni Ritchie
Hindi muna agad ako pumunta doon, aba dapat pakipot ka muna no para hindi ka mag mukhang excited na makita siya. Lalo na't medyo may pagka assuming yung tao.
"Si Chris daw" Pangu-ulit naman ni Jed na nasa harap ko.
"Wait lang ha" sabi ko tsaka tamayo, sumunod naman siya sa aking likuran. Nang nasa pintuan na ako ay hinanap ko agad kung nasaan si Chris
"Bakit?" Tanong ko kasaniya nang makita kong nasa gilid siya ng pintuan namin.
"Pinapabigay ni Mommy" Abot sakin ng isang paperbag tsaka siya umalis nalang. Naramdmaan ko naman ipinatong ni Jed yung braso niya saaking balikat nang pabalik na kami sa aming upuan.
"Gagi Aria, Tingin, ano yan??!" Sabi ni Yvo na nakiki singit pa sa mga kaklase kong makikitingin din kung anong laman nung paper bag.
"Buksan mo na, makiki tingin kami kung anong laman" sabi naman ni Jirah
"Paano pag panty to?" panga-asar ko sakanila.
"Inang yan, alangan naman regalohan ka ng panty ng mama ni Chris"singit naman ni Tala
Dahil hindi na naman sila makapag hintay, binuksan ko na yung paper bag at binaliktad, nahulog naman yung mga laman niya saaking lamesa, puro stationeries lang naman laman.
Pero bat naman ako bibigyan ni Tita Trisha ng ganito? Bahala na imemessage ko nalang. Kinuha ko ang aking cellphone sa aking bag tapos hinanap ko ang pangalan ni Tita Trisha sa contacts ko.
To: Tita-Ninang Trisha
'Hi Tita, Good afternoon po. Thank you po sa binigay mong stationeries pero para saan po ito?'
Hindi ko na hinintay pa na magrereply siya kaagad dahil alam ko namang busy yun, nilagay ko na sa aking bulsa ang aking
cellphone tsaka ibinalik yung mga laman sa paperbag.
"Ehem!" Tikhim naman ng subject teacher namin na nasa may pintuan na pala at nakita niya kaming nagkukumpulan.
Nagsi kanya-kanya na silang balikan sa kanilang inuupuan. Mabalis naman na natapos yung klase namin kaya nang maguwian na ay maaga pa. Hindi ko alam kung uuwi na ako or mamaya pa.
"Aria" tawag sakin ni Jed saakin, nilingon ko naman siya tsaka pinagpatuloy sa pag aayos ng aking bag.
"Labas tayo, kung okay lang tsaka maaga pa naman e" sabi niya. Gagi totoo ba to? Isang Jediael Tulingan mga mars inaaya akong lumabas. Itabi niyo! Ako naman.
"Sige tara, pero paalam muna tayo, uwi muna ako." Pumayag naman siya kaya nagmadali na akong magligpit ng gamit. Nang patapos na ay kinuha niya ang aking bag tsaka niya sinabit sa kanyang kanang braso. Hindi ko sasabihing nacucute'an ako sakanya pero sige na nga.
"Tara na" sabi nito kaya sumabay na ako sakanya sa paglalakad, Hindi ko na kasabay si Yvo kase may service na siya, ako din kase wala na si kuya Matthew saamin.
Dahil nga uwian maraming estudyante sa may coverwalk namin dahil yung maliit na gate lang binuksan nila para maka labas kami ng campus at maka punta sa parking lot. Hinawakan niya ang dalawa kung balikat tsaka siya pumunta sa may likuran ko kase pang isahan lang yung daan at para hindi kami magsiksikan.
Nang maka labas na kami ay kinuha niya ang kanyang susi sa kanyang bulsa tsaka niya pinatunog yung kotse niya kaya mabilis lang namin yun nahanap.
Pinagbuksan naman niya ako ng pintuan sa may front sit tas yung bag namin nilagay niya sa may back passenger sit, wag niyo akong hahawakan, oh baka maapakan niyo buhok ko ha.
"Comfortable ka ba diyan?" Tanong niya ng makapasok siya dito sa loob at inandar niya yung kotse kaya umandar narin yung aircon.
"Oo naman, mas comfortable ako dito sa harap kase pag sa likod nahihilo ako" sabi ko sakanya, Sinimulan na niya magdrive ng makaramdam ako ng lamig kaya medyo hinihimas ko yung braso ko para kahit papano mabawasan yung lamig.
"Nilalamig kaba?" Tanong ni Kyle tsaka ako tinignan.
"Medyo, wag mo na akong alalahanin. Nga pala pwede magpalit ako ng damit mamaya? Kahit mag shorts nalang ako tapos shirt. Buti ikaw naka jeans kana tapos hoodie e" malamig kase dito sa loob e. Tsaka malamig na talaga kase October na.
"Oo naman, pero kunin mo muna pansamantala yung isa kong hoodie diyan sa may bag ko, medyo traffic e." Medyo mabagal lang ang usad ng mga sasakyan pero kaya pa naman, 3:30 palang kaya keri yan.
Kinuha ko yung hoodie na sinasabi niya tsaka ko sinuot. Ang bango gagi, gusto niyong amoyin? Luh asa ka, e.
Hindi din nagtagal ay nakarating na kami sa bahay namin.Inaaya kong pumasok si Jed saaming bahay kaso nahihiya daw siya kaya hihintayin nalang daw niya ako sa labas. Kinuha ko yung bag ko tsaka ako tumakbo papasok ng bahay. Nandoon ang mga kasama namin sa bahay at wala pa sina kuya at mama.
"Ma'am ang aga niyo ngayon a" si Ate Merlie. Isa sa mga kasama namin dito.
"Oo ate, may lakad ako today e" sabi ko sakanya
"Asus si maam may date" panunukso naman nito.
"Ate shhh" sinignal ko pa sakanya yung shh sign HAHAHAHAHA
Nang makapag bihis ako ay sinuot ko parin yung hoodie ni Kyle. Arburin ko kaya to?
Lumabas ako tsaka nagpaalam kay manang Merl tsaka pinasabi ko narin sakanya na sabihin kay mama. Payag naman yun kase minsan lang naman ako gumala.
Nang nasa sasakyan na ako ay tinignan ni Jed yung suot ko pang ibaba.
"Ang iksi naman!" Reklamo nito.
"May short bang mahaba?" Tanong ko sakanya, parang gagi to e
"Tara na nga" asar na sabi nito.
Wala narin akong nagawa. Kaya bumyahe na kami papuntang Rob.
Jediael's P.O.V.
Hindi ko rin alam at parang may tumulak sakin na imbitahan si Aria lumabas kaya agad ko siyang inaya. Buti pumayag naman, nakaka kaba kaya pag di siya pumayag.
Dapat pala plinano ko to, Hindi yung biglaan yan tuloy hindi ko alam kung saan ko siya dadalhin. What if dalhin ko siya sa may lugar kung saan may pwede makita yung city lights? Hmm? Or siguro sa mall? Tas maga-arcade kami. Tanong ko nalang siya mamaya.
"Aria saan mo gustong pumunta?" Tanong ko sakanya nang nasa loob na kami ng sasakyan galing sakanila.
"Pwede sa mall tayo Kyle? Sa robinson? may bibilhin kase ako e." Medyo nahihiya pang sabi niya. Ang cute niya nga e nagblublush pa siya.
"Sige, pero please wag mo na akong tawaging Jed" Jed? Yun lahat tawag nila sakin e, dapat pag siya naiiba para unique nga e
"E anong gusto mong itawag ko sayo? Asungot?" Sabi niya sabay bumaling pa siya sakin, naka taas pa yung paa niya pero yung sapatos niya nasa baba.
"Ah asungot pala ha" sabi ko sabay ngisi
"De joke lang eto naman di na mabiro e, ano nga gusto mo?" Sabi niya ulit. Hindi pa naka seatbelt amp.
"Yale, Yale ang gusto kong itawag mo saakin" sabi ko sabay baling sakanya
"Yale?" Napa stop muna siya tapos kunyari parang nagiisip pa. "Ay Jediael pala pangalan mo ano? Sige Yale nalang" sabi niya sabay ngiti sakin.
"Tsaka mag seatbelt ka nga! Paano kung bigla akong prumeno dito? Ha?" Bumaling ako sakanya saglit tapos sa daan ulit ako tumingin.
"Ayuko nga" sabi pa nito. Aba't
"Sige isusumbong kita sa mama mo Aria"
"Kilala mo ba mama ko?" Tanong nito sakin ng nakatingin parin saakin. Inayos niya yung upo niya humarap siya sakin pero yung paa niya naka taas parin. Yung parang nag indian sit siya na paharap sakin. Kaya nilock ko naman yung pinto baka biglang bumukas at mahulog siya. Okay maman yung lock ng pinto ko kaso may trust issue ako lalo na pag mga babae kasama ko.
"Hindi pero alam ko kung saan siya pwedeng mapuntahan."
"Utot mo" sabi nito sabay tawa.
Nang maka isip ako ng kagagohan. Tinignan ko siya at nakatingin parin siya sakin at natatawa parin. Boang ata to e HAHAHAHAHA nagka crush ako sa boang, isang boang na si Aria lang.
"Ano? Asungot?" panga-asar nito
Asungot pala ha. Prumeno ako ng slight lang na preno na super slight talaga na sakto lang para matumba siya patagilid.
(Naiimagine niyo ba yung sinasabi ko?)
Nagulat naman siya at nanlaki ang mata na nakatingin sa daan. Nang tignan niya ako ganun parin reaksiyon niya at nang maka recover siya nanliit ang mga mata niya na tumingin sakin. Kung nakakamatay lang yung tingin niya kanina pa ako naka baon sa lupa.
"Asungot ka talaga!" Sigaw neto sakin sabay pinaghahampas ako.
"Aray, diba sabi kase sayo mag sitbelt ka" sabi ko ng tumatawa sakanya kase ang cute ng reaksiyon niyang naka tingin sakin na nanlilisik parin yung mga mata.
"Bahala ka diyan Yale" sabi nito sabay umayos ng upo tsaka siya nagsitbelt. Napatawa nalang ako dahil sa pinaggagawa niya.
Nang nasa Robinson na kami ay nauna akong bumababa tsaka ko siya pinagbuksan ng pintuan at hanggang ngayon napasimangot parin siya.
"HAHAHAHA sorry na, tara na sa loob. Libre kita ng pagkain na gusto mo" sabi ko sakanya tsaka ginulo yung buhok niya pero naka busangot parin siya hanggang ngayon.
"Tignan mo, nantutumba kana nang gugulo ka pa ng buhok!" Sabi nito sabay irap sakin.
"Eh sorry na nga, tignan mo o daming naka tingin sayo. Baka akala nila sinaktan kita, Naku sayang sa pogi points ko yun" tsaka ko siya inakbayan.
"Aba! E totoo naman halos masubsob ako sa harap ng sasakyan." Humalipkip pa ito tsaka ngumoso. Ang cute cute niya. Pinisil ko naman yung pisngi niya gamit yung kamay ko na naka akbay sakanya.
"Sorry na nga po" sabi ko sakanya ng papasok na kami sa entrance
"Hmm namimisil ka pa ng pisnge!" Sabi ulit nito at tumingin sakin. Bahagya pa siyang tumingala kase mas matangkad ako kesa sakanya, sa true lang hanggang balikat ko siya
"HAHAHAHAHA halika bili tayo nung candy" hinila ko siya sa may store na maraming candy na di ko alam ang tawag doon basta yung kinikilo yung maraming sour candies.
"Balak mo bang ubusin ngipin ko?" Malambing na tanong niya habang nakayuko at namimili ng mga candies
"Yung kaya mo lang kaseng kainin yung bilhin mo" sabi ko tsaka humarang sa likuran niya. Nagshorts pa kase nakaka inis.
"Ano sayo?" Tanong niya habang kumukuha ng mga gummy worms.
"Kahit ano na, basta di yung masyadong sour" sabi ko tsaka kinuha cellphone niya kase naka suksok lang sa bulsa niya sa likod.
Tinignan naman niya ako at naniniguradong ako ang kumuha ng cp niya.
"Ate eto na po lahat" umayos na siya ng tayo tsaka niya binigay kay ateng nagbabantay ng store.
Nang maka bili kami ay naka akbay parin ako sakanya habang tumitingin sa mga nadadaanan namin. Habang kumakain ng Gummies tsaka sinusuboan niya ako.
"Ano nga pala yung bibilhin mo ulit?" Tanong ko sakanya ng maalala iyon.
"Ahm libro lang." Sabi niya sabay subo ulit ng gummy.
"Edi tara na bili na tayo tapos kakain na tayo" sabi ko sakanya ng hihilain ko na sana siya papunta sa ANEX.
"Mamaya na anong oras palang o. Bili nalang tayo ng milktea tas punta tayong bookstore tas kakain na tayo" sabi niya saakin kaya pumayag na naman ako.
"Sige sa taas tayo kung milktea gusto mo." Sumakay kami ng escalator pataas.
Nang nasa cafe na kami ay humanap kami ng mauupuan tsaka kami umorder. Matcha flavor yung kinuha niya kaya yun nalang din kinuha ko.
"Ampogi" tumindig naman ang aking mga tenga sa aking narinig. Nang tignan ko siya naka tingin naman siya sa gummies niya na di niya parin maubos ubos.
"Sino?" Tanong ko sakanya. Tsaka kinuha ang aking cellphone.
"Ayun o pogi" nakaturo siya sa ibang direksyon pero nakatingin siya sakin. Nang bigla siyang tumawa nang napaka lakas
"Joke lang sasabog kana sa sobrang pula mo o kalma totoy" sabi pa nito ng tumatawa.
"Ah, ako totoy?" Tiningnan ko siya sa mata tsaka ako ngumisi.
"Uy saan nga pala tayo kakain mamaya? Libre mo ako ha? Ako na bahala dito sa milktea" pang iiba niya ng topic.
"Sino nga kase yung sinasabi mo?" Tanong ko ulit sakanya
"Wala eto naman. Joke lang e. Wag kanang magalit masisira joke ko" sabi nito. Sakto namang nandito na yung milktea namin.
Mabilis naman kaming natapos doon at pumunta na kamin ANEX para sa bibilhin niya.