Chapter 7

2756 Words
Aria's P.O.V. Monday nanaman at naka pasok narin ako. Wala namang masyadong nangyari last week kaya nagpahinga lang ako tsaka laging bumibisita si Jed at mga friends namin. OO FRIENDS!! pero ano slight oo hehe sige na nga!! "Aria" Si Yvo "Ano ba? Bat ka sumisigaw?" Sigaw kong pabalik sakanya "Kanina pa kita kinakausap. May sakit ka parin ba? Tsaka sinasabi ko malapit yong report baka may balak ka?" Oo nga pala, nakakalimutan ko narin yang report na yan. "Mamayang hapon nalang natin pag usapan yan" hayst usto ko nang grumaduate tapos tamang bakasyon lang ulit. Bat ba kase hindi pwede yung pagka panganak mo palang milyonarya/o ka nalang? Pinapahirapan pa kami e, SINO BA KASE NAG TAGO NG SUSI SA EDUKASYON?! charot. Never Give Up guys, pag hindi ka nag give up---- edi hindi diba? edi strong ka. Sige okay na yan. "Oo nga pala, naalala mo si Andrea? Yung ano chiks ni Chris?" Yung jowa ng ex ko, na kahit kami palang---- naglalandian na sila, hayop ang baboy. "Oo bakit?" "Kase ghorl balitang balita sa campus na nagsabay daw sila ni Jed umuwi nung Friday" Friday? Oo nga pala di siya bumisita kase may family dinner daw sila? Ewan yun naman sinabi niya sakin. "Ahh sige" nilingon ko nalang yung dalaga sa mga tabi ko, hindi ko alam pero parang nabuhosan dito sa loob ko nang malamig na tubig. Bat naman ako magseselos? Bakit? Hindi naman kami a. Friends lang naman kami. "Sige lang? Crush mo yun diba? MU kayo diba? Bat okay lang? Ano yun? Papayag kang agawin ni Andrea yun?" pangungulit ni Yvo saakin. "Ano ba Yvo, di kami MU okay? Tsaka crush lang namin isat-isa. Pero hanggang dun nalang iyon." "Pero—" sasagot pa sana siya nang biglang sumigaw yung isa kong classmate. "Guys laro tayo Truth or Dare" sumang ayon naman mga iba kong kaklase pwera sakin. Naka upo lang ako sa upuan ko habang sila ay naka circle na sa may gitna ng room namin. "Sige na Pres! laro na, walang kj diba?" Isa kong classmate. Wala na akong choice kung hindi iniharap ang upuan ko sa circle nila kaya binigyan naman ako ng mga iba ng space. "Itong bote kung saan maitatapat yung takip siya mapagtatanongan pero pag dito sa may baba niya siya magtatanong, gets ba?"page-explain ni Rizza Pinaikot na nila yung bote at sa minamalas tumapat sakin yung takip tsaka kay Jimwell yung baba nito. "Truth or Dare" panimula nito "Truth" ayuko na munang magdare kase baka masyadong malala sila magdare "Pag di sumagot ng totoo iinumin yung nasa loob ng bottle ah" pahabol pa nang isa "Bat kayo naghiwalay ni Chris?" Putek na tanong iyan, Chris pa nga. "Chimoso, sige kase ano wala ang toxic na kase, buti sinampal ako ni Kuya Matthew nun kung hindi, ay hindi pa ako magigising" Napatango silang lahat maliban kay Jed Next Spin tumapat kay Yvo tsaka sa huli nito tumapat kay Mark, nag truth din ang bruha "Dito sa room, isang bagay na pwede mong i-sacrifice?" Anong klaseng tanong iyan? "Pagmamahal ko sainyo para sa pagkain aba taena niyo" Nagtawanan silang lahat, pinalibot ko ang aking tingin kung sino pa ang kasali kaso sa kasamaang palad ay nagkatinginan kami ni Jed put----- gusto kong magmura talaga. Next spin tumapat naman kay Jerich yung takip tsaka kay Crystal. Truth din "Kung may taong gusto mong bumalik sino iyon?" Nice one. Inaabangan namin na pangalan ng isa naming kaklase ang isasagot niya dahil sila ang pinaka shiniship dito sa room namin kaso mag ex HAHAHAHAHAHA "Si Ritchie" tudo hiyaw naman kaming lahat, yung iba hinahampas sa sahig yung mga water bottle nila. Next Spin tumapat kay Jed yung takip sa baba naman neto kay Trixie. Truth din sagot niya. Puro nalang ba tayo Truth? Wala na bang pagbabago? "Ba't kayo magkasama ni Andrea nung Friday?" Napa oww naman silang lahat sabay tingin sakin. Tinaas ko naman dalawa kong kamay na parang susuko na sa pang aasar nila, nung una di siya maka sangot, baka nagulat talaga siya. Ako rin nagulat sa tanong e. "Bakit bawal bang magkasabay kami?" Naka ngising saad niya "Bawal, tsaka tinatanong ka namin." Sabat ni Yvo na parang may ipinaglalaban sa buhay. "Nagkasabay lang tsaka saktong pupunta rin ako sa pupuntahan niya eh" ahh family dinner. Next Spin saakin ulit pero kay Yvo naka tapat yung sa baba. Nag Dare na ako para maiba naman. "I dare you to tell the truth—" eto pinaka ayaw ko sa lahat "1 guy na di mo kayang mawala sa buhay at bakit?" Napaisip naman ako ng katarantaduhan. "Si--" sasagot na sana ako nang sumabat ulit siya "except kuya Matthew" panga asar na sagot niya "Siyempre si Daddy Lo, napaka dali ng tanong e" pag mamayabang ko sakanila dahil parang may hinihintay silang sagot na mas higit pa doon. Marami pang mga tanongan at mga dare ang naganap hanggang sa matapos ito sa kadahilanang dumating na ang amin kasunod na subject teacher. Jediael's P.O.V. *Flashback* Friday na at sobrang nakaka pagod kase marami kaming notes na ginawa. Sumakto pa na dumating pala yung amiga ni Mommy na galing daw abroad tapos pinapasundo pa sakin yung anak e dito lang din naman pala sa school nag-aaral. Hinihintay nila kami ngayon sa VMK Restaurant. Sana nandoon si Aria para naman kahit papaano e ganahan ako pero kasi ang malas ko lang dahil yung anak pala nung amiga ni mommy e yung jowa ng ex ni Aria. Sarap itulak palabas ng sasakyan. "So kamusta na yong Aria niyong oa?" Tanong niya na nakatingin pa sakin. Ang arte ng pagka sabi niya. Taena sabihin niyo nang bakla pero tangina talaga kung kayo lang sana nakakarinig aba sakit sa tenga. "Ano sumagot ka, diba lagi mo siyang binibisita?" Tanong ulit niya "Ano naman sayo?" Tanong ko rin, bahala na at magtanongan kaming dalawa. "Oh sumasagot ka pala, kala ko pipi ka." Kaasar talaga tong isang to. "Shut the fck up kung ayaw mong itapon kita sa daan" Tahimik naman siyang umupo ng prente sa upuan kaya naging okay naman ang biyahe. *VMK RESTAURANT* Di ko alam pero parang kinakabahan ako na ano, siguro excited lang ako kase nagbabaka sakaling nandito si Aria kase medyo okay na naman siya kahapon. "Oh anak andito na pala kayo, maupo kayo" tumingin muna ako sa paligid bago ako umupo sa tabi ni mama. Kaso wala akong Aria na nakita, sabagay okay na yun para makapag pahinga naman siya. "So schoolmate pala kayo, Anak siya nga pala ang Tita Aleta mo. Tropa ko nung highschool ako at eto pa, mag pinsan pa kami kaya di kami napaghihiwalay" napatingin naman ako sa mama ni Andrea. Parang mas bata pa si Tita Aleta kesa kay Andrea. Nakipag kamay naman ako sakanya, mukhang mabait naman siya e. Sana di gaya ni Andrea. Mag nanay pa naman. "Magkakilala na naman siguro kayo ni Andrea ano?" Tanong ni mama samin tapos tumingin siya saming dalawa. "Yes, but not that close" maarteng sabi ni Andrea, Sarap niyang ingudngud dito sa mesa promise. "Ay bakit naman?" Tanong ni Tita Aleta "Hay naku mom, kung alam mo lang kong anong kina bubusy-han ni Jed." Umirap pa siya sa hangin, pinsan pala kitang kupal ka tsaka wag mo akong ma jed-jed diyan baka ilampaso kita dito. "Bakit anak ano bang kina bubusyhan mo?" Tanong ni mama na nakatingin pa sakin ng nakakaloko na tingin. "Madami ma, tsaka kilala mo na naman siya, actually sakanila tong Restaurant na to." Oo kilala na ni mama si Aria pero di pa niya namemeet. "So sakanila pala to? Kaya naman pala lakas lumamon at ang taba-taba" natatawa pang sabi ni Andrea. Alam niyo guys, gusto ko tong kulamin. Ano bang pinaglalaban nang kabit na to? "Anak!" Pang aalerto naman ni tita Aleta sa anak niya. Naku, napaka brat kala mo kina ganda niya yan. "So kain muna tayo before tayo umuwi" Kumain muna kami at siyempre hanggang sa matapos ay nagbabaka sakali parin ako na sana makita ko si Aria. Siguro nagpapahinga pa yun Jed ano ba. Nang matapos na kaming kumain ay kanya-kanya na kaming uwi sa bahay at dahil sa pagod na akong naramdaman ay ako'y nakatulog. *End of Flashback* Aria's P.O.V. Martes ngayon at walang masyadong gagawin kase may meeting daw. Malay ko ba diyan, SSG ako pero nakakatamad pumunta sa mga meetings. "Hoy gaga!" Ayan nanaman si Yvo tangina neto e. "Oh ano?" "E bat ka galit?!" Sigaw naman nito, parang gago to ang sakit niya sa tenga "Ano ba kase yun?!" Sigaw ko ring pabalik sakanya. "Infairness ha, hindi kayo nagpansinan ni Jed ngayon. Hmm bakit kaya?" Tsk chismosa. Palibhasa hindi siya naririnig ni Jed kase naka tambay sila ngayon sa corridor "Big Deal?" Hindi niya rin ako pinapansin e, edi doon siya sa Andrea niyang bulok. "Okay class may 1 hour pa naman, di na tayo magklaklase so maglinis na kayo. And walang pasok bukas. Sige na. Aria ikaw na bahala dito." Lumabas na si maam ng silid at naghiyawan naman ang aking mga kaklase. Rinig na rinig ko ang pag hiyaw nila Dimple isa din sa kagaya ni Yvo na ang sakit sa tenga. "Linis nanaman, hindi pa naman friday." Reklamo ni Trixie "Gaga wala nga daw pasok bukas!" Sabi naman ni Erizza. Isa din tong mga to laging nag-aaway mga boang naman. "Aria ikaw na sa mga bintana ha? Ako na sa mga kabinet." Si Karl Ann. Tangina ang liit ko tapos ako paglilinisin sa mga bintana. Boang din to e. Tinanguan ko nalang siya bilang tugon, wala si Yvo diba? Sa corridor kase sila naglilinis. Uunahin ko nalang siguro yung mga bintana sa likod. Kumuha ako ng basahan sa isang kabinet tsaka umakyat dito para linisan ang bintana na nasa taas nito tapos yung mga iba naglalaro lang naman na naglilinis. May mga iba naman na tutok sa paglilinis, responsable talaga kami. ine entertain lang nila mga sarili nila habang naglilinis. Mabilis naman akong natapos sa mga bintana sa likod kaya pumunta na ako sa may gilid sa may part na corridor tsaka nang naka akyat na ako ay di parin ako nakatakas sa pantitrip ni Bryan. Sabunotan ko to, hinihila ba naman yung sapatos ko e nasa labas siya. Nilusot niya ang kamay niya sa bintana at ang saya-saya ni gago. Nang makita ni Ella na pinagtitripan ako ni Bryan ay naki sabay narin ang bruha, hinihila din yung palda ko taena. Nang lubayan na ako ng dalawa ay naging maayos naman ang aking paglilinis pero putek di ko maabot yung itaas. Kaya medyo tumingkayad ako pero may gago naman na biglang itinulak yung likod ng tuhod ko kaya biglang nanlambot ang aking mga tuhod at sa hindi inaasahan naitama siya sa bakal sa may mga bintana. Nang tignan ko ang gumawa nun ay si Jazzmark na nakatayo parin sa likuran ko, yung mukha niya di niya alam kung matatawa ba o maaawa ang demonyong tanginang anak ng tupang ito at mukhang di pa nakaka recover ang gago. "Uy Aria! Okay ka lang?" Taranta namang tanong ni Jed pero di ko siya tinignan. Naka tingin parin ako kay Jazzmark, Wala pakokonsensyahin ko lang ang gago. "Hoy magsalita ka!" Sigaw ni Jed pero hindi ako nagpatinag, naka tingin parin ako kay Jazzmark. "Tangina Jazz! Bat mo kase ginawa yun? Gago kaba? Paano kong nahulog yan?" Turo ni Jed saakin na sinusumbatan si Jazzmark. "Hoy anong nangyari sayo? May masakit ba sayo? Ano?"Tanong naman ni Yvo na tumakbo pa. Itinaas pa nito ang aking palda ng kaunti. At dumudugo nga ang aking tuhod ng hindi ko manlang na naramdaman. "Gago ka Jazz. Tangina mo pag yan nagka peklat! Tutubo ng ari diyan sa noo mo!" Sabi ko kay Jazz na natatawa na. "Tangina mo pre. Alam kong mag tropa kayo pero wag namang ganyan!" sambit naman ni Vince. "Sorry na, di ko naman kase inaasahan na tatama yan sa bakal e. Pasensya na, ako nalang babayad sa pampagamot mo" pero tumatawa parin ang gago. Gusto ko talagang sabunotan tong kalbo na to. "Tangina mo Jazzmark!" Bilis akong bumaba sa kabinet at hinabol siya. Naghabolan kami sa loob ng room namin at nagulo ulit yung mga upuan na inayos nina Novelyn. Nang maabot ko na sana siya ay may humablot saaking balakang gamit ang bisig nito. "Tangina bitiwan mo ako! Hahabulin ko yun!" Angal ko sa naka yakap sakin na bisig. Isa lang naman gamit niya e parang hinuli akong isda putangina. "Ano ba Aria! Mas lalong magdudugo yang sugat mo sa tuhod! Tatakbo pa e!" Sigaw ni Jed. Napatingin naman ako sa aking likod, Luh magkalapit lang mga mukha namin. "Oh tangina mo bulak o" sampal sakin ni Yvo ng bulak sa mukha kaya naman napalayo ako sa mukha ni Jed. Pinaupo na ako ni Jed sa isang upuan tapos si Erizza naman nang gamot ng aking sugat sa tuhod. Nurse mama niya kaya alam niya ginagawa niya. Pinalibutan ako ng aking mga kaklase na para bang hayss di ko maipaliwanag. Nang idampi nito ang bulak na may alcohol sa aking sugat ay bigla kong nahampas yung nasa gilid ko. Hindi ko kilala kong sino yung nahampas ko kase nakapikit ako sa sakit at nagtawanan naman ang aking mga kaklase nang tignan ko ang aking nasampal ay si Jazzmark pala iyon. Si Jed naman ay nasa kabilang side ko lang din parang tatay na naga-alala sa anak na nireregla. Nang biglang sumapi ang isang mabait na demonyo sa aking katawan kaya naman nang idadampi ulit ni Erizza yung bulak ay kinurot ko si Jazzmark sakto naman na sumakit ulit yung tuhod ko dulot ng alcohol na iyon kaya naman ibinuhos ko lahat ng sakit sa pangungurot sakanya. Tawa naman nang tawa ang aking mga kaklase. "Okay na" tumayo na si Erizza nang maging maayos na ang pang gagamot sa aking tuhod. "Salamat" sambit ko at tumayo na at nang tignan ko si Jazzmark ay mapula na pala ang kanyang braso kaya naman tinawanan ko nalang din siya. "Ayan naka bawi kana" tsaka kami tumawa na dalawa tsaka nag apir pa kami. *Kringggg* *Kringggg* *Kringggg* "Uwian naaa!" Sigaw ni Hanna Kaya naman nagkanya-kanya na kaming nagsi alisan sa pwesto namin kanina, kanya-kanya naring alisan ng room. Nang bubuhatin ko sana ang aking bag ay biglang kinuha ni Jed yun. "Tara na. Yvo alalayan mo yang kaibigan mo" luh galit ba siya? Taena. "Alam mo girl, galit ata siya sayo pero may care parin siya, ayieeee" panunukso nito. "Ulol" medyo masakit yung tuhod ko kase kumikirot siya Nag tungo kaming parking lot dahil andoon daw ang sasakyan ni Jed kase ihahatid niya daw ako, may driver naman kami e. Pinagbuksan niya ako ng pintuan kaya bago ako pumasok ay nag paalam muna ako sa aking kaibigan. Nang nasa sasakyan na kami ay medyo tahimik ako kase di ko alam ang aking sasabihin. Nanunuyo ata ang aking lalamunan. "Bat kase nakikipag harutan ang ginagawa mo, gayong naglilinis ka ng bintana" ako ba kinakausap niya? tinignan ko siya pero di naman siya nakatingin saakin. "Ako ba?" Tanong ko, tinignan niya ako tsaka siya umirap. "May iba pa bang tao dito?" Masungit na tanong nito. Sungit naman ni bibi Jed ko na yan. Natawa ako sa aking mga pinagsasabi sa aking isipan. "Tawa- tawa ka pa diyan, nasugatan ka na nga" nakatutok parin siya sa kalsada. "Hindi naman kase ako nakikipag harutan e" depensa ko sa sarili ko. "Siya ang unang nantrip saakin" "Di na mauulit yan ha? Edi sana ako tinawag mong maglinis ng bintana!" Luh edi sana nagbolontaryo siya, parang timang din to e. "Oo na sige na. Eh bat ka ba nagagalit diyan?" Tanong ko Prumeno siya tsaka siya tumingin saakin "Paano kung nahulog ka doon ha babae?" Humarap siya ng upo saakin kaya naman napasiksik ako sa pintuan ng sasakyan. Naka lock naman to e kaya safe siya. "Edi nahulog" napapunas siya sa kanyang mukha tsaka napatampal sa kanyang noo "Bahala ka nga diyan. Mamayang pagkatapos mong kumain ipagamot mo yang sugat mo sa kuya Matthew mo" sabi nito tsaka pinagpatuloy ang kanyang pagdidrive. Oo nga pala, hindi nanaman pumasok si Kuya Matthew, pero wala namang reklamo ang mga teacher's namin? hala baka ini infavor si kuya? ay pag pogi okay klang kahit mag absent ng isang buwan? pag pangit isang araw lang drop agad charot. Medyo hindi naman naging matagal ang aming paglalakbay kase hindi traffic. "Salamat" sabi ko tsaka lumabas ng sasakyan. Hindi na siya nagsalita pa at pinaharurot na ang sasakyan. Napakibit balikat nalang ako tsaka ako pumasok ng bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD