Aria's P.O.V.
At dahil nga mabait ako ay nandito ako sa mga booths. Nakakabagot kasi sa Room tsaka excuse kaming lahat ngayon kasi bukas na yung fest pero di nakaka excite huh--nakakawalang gana..
"Aria" Nagulat pa ako dahil nagi-sip ako at naka tulala tapos biglang may magsisigaw dito sa tabi ko parang naka lunok ng micropono. Sino ba yan at nakakagulat.
"May naghahanap sayo dito sa labas. Bakit mo daw inagaw jowa niya" luh gago pinagsasabi nitong si Yvo, ano bang pinagsasabi ng gagang to.
Pagka labas ko ay nakita ko ang mga bulto ng iba naming kaklase. Baliw na talaga to! Pero confimed, mga kasama namin sa Booth yung mga taga Section1-B.
"Bakit?" may karapatan akong magtanong dahil ako ang leader.
"Mga films nalang kulang tsaka kulang din sa pera." ohh pakshet naiwan ko pa naman yung card ko tsaka extra money ko.
"Ako na bahala bukas" paninigurado ko para hindi na sila mabahala pa hayss kaso hindi pa sure yun e.
"Pero paano? Isipin mo te! 6 am yun. Baka wala pang naka bukas na bilihan ng films tsaka kong balak mong humabol mamaya, duh 5 pm palang sarado na yun" tama si Yvo, maagang nagsasara ang mga tindahan ng films dito.
"Pwede bang lumabas sa campus ngayon?" tanong ng bagong bose saamin---wait familiar sakin yun ha.
"Oo pero pag dahil lang sa booths. Kumuha ka ng Gate Pass sa SSG or sa Guidance pero ulit! pag may kasamang SSG officer dito sa mga booths kunin mo nalang ID niya tas bigay mo sa Guard. Tama si Aria SSG P.I.O. siya. Bigay mo lang ID niya sa Guard." Luh ang daldal. Nagtanong lang kung pwedeng lumabas e andami na agad satsat.
"Ahm sige ako na bahala sa mga films." hala totoo ba to? hulog talaga siya ng langit, at hinulog siya para saakin, charot.
"Sigurado ka ba diyan?" Wow sumagot agad tong maharot kong Bestfriend.
"S-sige eto ID ko. S-Salamat" nakaka ilang kase nakita niya kanina kung gaano ako kagaling kumain jusko.
"Oh eh bat ka na uutal?" luh parang gago tong si Yvo, halatang pinipigilan lang niya tawa niya.
"Oh nga pala, Aria siya yung sinasabi kong bago" sabi naman ni Kenneth kaya tumango nalang ako tsaka siya tinitigan.
"Ah nice meeting you again Aria" shett yung boses, boses palang ampogi na. As per usual, Jesrin was still frowning at me as I saw David secretly elbow Leo. Avery was obviously enjoying what I was doing; and anyway, we were friends but not so close and not like Yvo where we were badmouthing one another.
Upon seeing Jediael leave, Yvo yelled. "Kyah pasama ako" I'll truly give in if Yvo likes him.
"Sige tara" he looked at me first and then smiled. The surrounding suddenly became hot, what the hell! Lord guide me!!
Jediael P.O.V.
Yvo and I are here today at the films store. She's kind, but she's talkative and my ears hurt.
"Jed eto nalang kunin natin may plain tapos eto may decor tsaka to para sa instax tapos eto rin" Since I'm not creative in decorating and sincerely don't know anything, I let her choose the aesthetic of the films.
"Ayaw mo nung parang lagyanan niyan? Yung may sipit?" Tanong ko para narin dagdag sa decor kase nakikita ko kase sa mga story/day ng mga friend ko sa IG tsaka sss e.
"Kasya ba sa budget natin?" nagdadalawang isip na tanong niya.
"Oo yan, ako naman magbabayad no worries tsaka kung may mga kulang pa except films bilhin mo narin"
"Sige ikaw na bahala, bibilhin ko tong buong shop" She said this in humor, so I couldn't help but laugh along with her. I then continued to look around the store as Yvo made her choice. Additionally, this has good aesthetics. The aesthetic is also good here. The vibes are even cuter on i********: and not only films are sold here and also things that are connected to the films. Just like that, there are also frames.
'Limited edition BT21 FILMS' Ganda neto ah. Makabili nga ng tig-iisa at ibigay ko kay Aria. Mahilig daw siya sa mga ganto eh, mahilig daw mag picture ng kung ano-ano dahil nakwento ni Yvo saakin nang matanong ko rin kung bakit ganun yung booth namin.
Matanong nga muna kay Yvo na sobrang busy kakapili ng mga films ng instax. Medyo marami kasing kailangan eh yung isang box 20 pcs lang laman and mas mura naman dito sa Filmnation tsaka para may mai-ambag narin ako.
"Hoy Jed, Picture'an mo nga ako dito" sabi nito tsaka ibinigay ang kanyang iPhone na cellphone saakin para picture'an siya
"Ilang take ba?" nahihiyang tanong ko
"Kahit ilan bhe, basta click lang ng click" I followed her instructions, and she posted. I gave her a cellphone right after following her quick photo shoot here at Filmnation.
"Yvo sa tingin mo magugustohan kaya ni Aria to?" I asked and showed the films I was holding to her.
Bigla siyang nagwindag parang nanalo sa lotto. Kinabahan bigla tuloy ako dahil nasa lugar kami kung saan may mga babasagin sa paligid namin at may hawak pa siyang babasagin din.
"Owemjiiii bet na talaga kita para sa bestie s***h cousin ko. Oo mahilig siya sa BT21, fan kasi siya ng BTS. Ikaw ha, kunyari ka pa na 'Para alam ko lang kung paano ilugar ang sarili ko sainyo' yun pala gusto mo bestie ko, naku dali ka boy. Alam mo baka sagotin ka niyan agad! Owemji limited edition? WAHHHHHHHH" ang ingay pala netong babaeng to, paano natitiis ni Aria to?
Kaninang kwinento ko sakanya na nagkabanggaan kami ni Aria, Love at First bump daw tapos nagsisisigaw na sa loob ng kotse ko.
Aria's P.O.V.
Sobrang bagal naman nung dalawang yun, puputi na yung uwak oh. Ano ba yan! Sinulit na ata ni Yvo na makasama si kuyang pogi.
"Aria sana maging successful tong booth natin no" Si Vince. Co-Leader namin na shiniship kay Yvo.
"Sana nga Vince" napangiti nalang ako, kase medyo akward ako sa mga lalakeng hindi ko masyadong nakaka usap, pero mutual namin si Yvo.
"What if itry natin mamaya tong booth natin? Alam niyo yun?" suggest ni Jazzmark.
Minsan may utak pala siya, at okay naman suggestion niya, Kami makaka unang experience ng sarili naming gawa at pinaghirapan. Besides, it's for the display of samples, right? yes, maybe that's good.
"Ayan na pala sila eh"
Lumingon ako sa may parang entrance ng booth namin at nandito na nga sila, andaming paperbag ah puro films kaya yan? Si Jed lahat nag buhat?! wow pa senyora tong pinsan ko. Kapal ng mukha netong pagbuhatin tong bago samin tsaka parang nakakahiya pa nga kase sakanya yung pinaka maraming nagastos.
Ang yabang pa namin ni Matthew noon na kami mag-aambag, bakit naman kase absent yang si Matthew. May lagnat daw tapos ang aga-agang umalis ng bahay.
"Insan alam mo ba ang ganda dun sa may filmnation. Next time na bibili tayo ng films dun na tayo cheap yung price pero yung quality hindi. PROMISE" kadadating eh daldal agad. Hindi ba nahahanginan yung tiyan neto? curious lang po ako.
"Bat si Jed lang pinagbuhat mo? Hindi ka gentle woman" pabiro kung sabi tsaka kinuha yung films kay Jed, magse set-up narin ako kasi limang camera na gagamitin namin at sakin lahat yun. Mayaman ako sa camera pero hindi sa films.
"Aria, nga pala sana magustohan mo" Inabotan niya ako ng isa pang bag ng mga Films pa siguro.
"Naku Jed andami neto, nakakahiya gagi sana yung pang emergency lang kinuha mo, kase magpapabili naman ako kay Matt"
"Hindi hayaan mo na, ambag ko na rin tsaka yang isang paper bag sayo talaga yan" Baliw ba to? Sinong boang ang bibili ng limang paperbag na puro films tapos may ika anim pa na saakin daw? Sino? Siyempre si Jed.
"Tsaka eto oh MCDO. Burger yan tsaka fries may nuggets narin kasi favorite mo daw sabi ni Yvo, wag kang mag-alala nabigyan na yung mga iba" napangiti ako kasi parang gago naman e, HELLO HINDI AKO KINIKILIG NO.
"Thank you talaga pero paano pag nagsobra naman yung binili mo?"
"Edi iuwi mo nalang" ay sabi sainyo gawa ni Lord to. Pogi na't mabait pa.
"Ikaw? hindi pwedeng iuwi?" panunokso at mahinang tanong ko sakanya
"Ha?" nagulat na tanong niya
"Ha?" pangu-ulit ko sa sinabi niya, ang cute niya kaya!! Alam niyo yun!!!! HAysss
"Ehem! Magseset kana ng mga films Aria. Sa ayaw mo kasing pinapahawak sa iba yang mga camera mo ah" ay oo nga pala, si Jed kase nilalandi ako!
Nginitian ko nalang si Jed at before ko siya tinalikuran ay tinaas ko muna ng kaunti yung bigay niya sakin, sign na "thank you" at "una na ako".
Baka mag overnight narin kami dito, pwede naman yun. May mga papers naman kami proof na pinayagan kami.
Nang matapos ko nang magset up ay medyo gabi narin, nagkayayaan din na magpicture kami. Testing daw tsaka dumating na rin si Matthew at dinala niya mga folding bed namin tsaka nilagay sa loob ng tent
Ang ginawa kase namin sa booth namin ay ang half, para sa mga staff ang half naman ay yung mismong booth.
"Si Aria tsaka Jed naman" biglang sigaw ni Leo kaya nagsi alisan na silang lahat at kaming dalawa nalang naiwan doon.
"Hala hindi pwede ako mag shoshoot" angal ko pero andoon na pala si Matthew sa upuan ng magshoshoot. Napa "ayie" naman sila nang makitang wala na akong choice, char kunyari ayuko naman.
Napatingin ako kay Jed at nginitian niya lang ako, inalok pa niya ang kanyang kamay na lumapit ako sakanya kase siya mismo ang nasa center--kaya naman lumapit na ako.
"1..2...3..." pagbilang ni Matthew, ang unang pose namin ay wala lang, char naka smile siyempre.
"Next pose" sigaw naman ni Vince kase siya ang assistance.
"Ano pa ba?" tanong ni Jed pero nakatingin siya kina Kenneth.
"Akbayan mo tol" sigaw naman ni Leo
"Ikaw talaga Leo kung ano-ano mga pinagsasabi mo" pagalit na sabi ko sakanya. Lahat sila nagtatawanan at parang kinikilig pa, by the way iilan lang kami at wala na yung mga iba naming kasama kase mga hindi pinayagan.
"1...2....3...." ang ikalawa naman naming pose ay naka peace sign kami. Dapat kase isa nalang yung pinili kong Lay out e. Magtatanong palang sana ako kay Jed ng pose na gagawin namin kaso...
"1...2...3..." late na, napicture'an na kami.
"Ang ganda" biglang puri ni Jed sa ikatlong pose namin.
"Ang pangit kaya, Matthew burahin mo" utos ko kaso binelatan lang ako.
"Alam ko na" bigla akong hinila at inakbayan, napatingin naman ako sakanya at napako nanaman ako sa mga labi niya, ang ganda nung ngiti niya. Lord kung hindi man po kami para sa isa't isa ipilit po natin.
*CLICK*
Natauhan nalang ako nang may maramdaman kong may nagflash.
"O my God, bagay na bagay kayo jusko!! SHIPPP!" Biglang sigaw ni Erizza.
Napatingin ulit ako kay Jed dahil sa kahihiyan, pero mas nakakahiya na tumingin pa ako kase nakatingin na siya sakin.
"Kainan naaa!!" biglang sigaw ni Yvo kaya napahiwalay na ako kay Jed tsaka pumunta sa lamesa kung saan kami kakain.
May pa cake pa sila, before kami kumain ay nagpray muna kami.
Maraming ganap nung kumakain kami kaya naman ang kalat naming kumain.
11:30 pm na nang tumayo kaming lahat at nagligpit ng kinainan namin. Nagkayayaan na silang umuwi at kaming anim nalang naiwan dito. Ako, Si Yvo, Si Matthew, Si Vince, Si Erizza at saka si DImple.
"Tabi kami ni Erizza" sigaw ni Dimple saamin dahil akala niya ata ay tatabi si Yvo kay Erizza.
"Gaga naka folding bed kaming tatlo! wala ka talagang choice kundi makatabi si Erizza" sagot naman ni Yvo.
Nagsagutan pa sila sa loob ng tent kaya hinayaan ko na sila. Inayos ko nalang iyong punda ng unan at kumot ko. May dalawa akong unan habang kina kuya Matthew at tig-isa lang. Medyo okay na naman daw yung pakiramdam niya at hindi na siya nilalagnat, naka mask din siya dahil baka daw mahawaan kami at mahirap na.
"Matulog na tayo" sabi ni Vince tsaka tumabi kay kuya Matthew. Medyo mas malaki at mas malawak kase yung folding bed ni kuya kaya silang dalawa na yung nagtabi, habang kami ni Yvo ay tig-isa kami. Sina Dimple at Erizza ay naglapag ng comforter sa parang pahabang kahoy na upuan at pinagdikit nila ang mga ito kaya naging kama na siya.
"Matulog na tayo ha, wag na kayong magpa tawa" babala ni Yvo kahit natatawa nanaman talaga siya.
"May nakita ako kanina sa cr ng girls, bakit may buhok na kulot yung sahig?" random na tanong ni Dimple.
"Baka nahulog na buhok lang" sagot ko
"Hindi, B*lbol iyon" natatawang sabi ni Erizza kaya nagtawanan nanaman kami.
"Magsi-tulog na kayo, nilalagnat pa ang kuya niyong Matthew oh" pagbabala saamin ni Vince kaya natahimik na kami.
"Hoy may lalaking naka tayo sa harap" Bulong na sabi ni Dimple. Wala ata silang balak na magpa tulog.
"Oo, sige takotin mo sarili mo. Mamaya ka share mo na yan ng kumot" sagot naman ni Yvo kaya dali-daling nagkumot si Dimple tsaka nagti-titili siya.
"Shhh tama na" pag suway ko dahil pagod na rin ako at sobrang late na ng gabi.
Natahimik na kaming lahat at akala ko ay makakatulog na ako ng payapa ngunit..
"T*t*" biglang sabi ni Yvo kaya nagtawanan kami at nawala na lahat ng antok namin.
"Tangina mo Yvo, isusumbong kita sa mama mo" pagbabala ni kuya kay Yvo kaya natahimik na siya pero halatang pinipigilan parin niya ang kanyang sarili sa pagtawa.