Chapter 4

2056 Words
DAY 3 Aria's P.O.V. At sa sineswerte nga naman. Ang daming tao sa booth namin. Buti nalang tinutulungan ako ni Jed, tsaka mga group mates namin. Eto patapusin niyo muna kase ako... Akala ko andami na nung binili ni Jed na mga Films, pero mga te! Day 1 palang ubos na. Kaya nagambagan na kami ni Matthew. "Eto kumain ka muna habang ginagawa mo yan" si Jed. Ano ba yan jusko, hawak niya ang isang box ng nuggets na favorite ko tapos coke. O sabihin mo sana all "Maya na hindi ko naman mahahawakan yan eh tatapusin ko nalang muna to" sabi ko tapos ipinagpatuloy ang aking ginagawa. siyempre te, magpapakipot muna ako. eme "Eto susuboan nalang kita" ano ba nakain netoooo, Lord kung eto na yun. Salamat po! pero wag ka namang ganyan. "Naku wag na, nakakahiya. Ilagay mo nalang diyan, NEXT!" sigaw ko at habang hinihintay ko kung sino ang kasunod. Nilagay ni Jed yung pagkain sa tabi ko tapos umalis siya ng di nagsasalita. Luh nyare? Pagkatutok ko ulit sa Camera, Putangina? "Ano ginagawa mo diyan?" Putek Jed binabaliw mo akoooo. Pumunta lang naman siya sa lense ng camera. As in naka close up pa jusko "Bawal ba?" Naka ngisi at naka cross arms pang sabi nito, Hayss nakuuu. "Di ako aalis dito hanggat di ka pumapayag na susuboan kita!" nag cross arms pa siya na parang batang nagtatampo. Luh pinagsisigaw neto? Baka marinig kami sa labas naku. "Sige na nga! Papuntahin mo narin dito yung susunod" Di ko matiis eh. Ang cute niya eh! KUNG KAYO AY HINDI MARUPOK PWES BAHALA KAYO SA BUHAY NIYO!!! Mag gagabi na at last day na namin ngayon pero andami paring tao. Mga iba paulit ulit namang pumupunta dito pero okay lang atleast masaya sila tsaka may bayad naman eh. Si Jed umuwi na daw muna nagpaalam sakin tapos si Yvo naman nakakapansin na rin sakin. Kanina kasing sinusuboan ako ni Jed nakita niya kami. Tapos mga titig niya parang jinujudge ako. [09*********] 'Hi, nga pala nakalimutan kong isuli ID mo, hindi ko alam kung nakalimutan ko ba pero parang sinasadya ko talaga tapos ngayon narin.' To:[09*********] hala ikaw ha crush mo ako no? *TING* [09*********] 'Oo e, good night.' *BLAGGG* GAGO TEKA, NAHULOG AKO SA INU UPUAN KO TANGINA ANG SAKIT NG PWETAN KO GAGO "Hoy gago anong nangyari sayo?" pasigaw na sabi ni Yvo, hindi ko pala sure kung sigaw ba yun or bulong palang niya. "Na dulas ako, oo. Ang sakit tangina mo Yvo" kunyaring sabi ko sakanya habang inaakay niya ako patayo. Parang gago naman kase si Jed, nag jojoke lang ako tapos napaka pranka niya, naku hindi ko kaya pagiging straight forward niya. "Sakin mo ba sinisisi kabobohan mo" Kahit last day na ng mga booth namin ay hindi na muna namin binaklas kase awarding bukas kaya hindi na daw muna ililigpit at hanggang ngayon dito parin kami natutulog. At tatanggap parin kami ng mga customers bukas kaya kailangan naming matulog ng maaga at nang makapag handa kami. Nang patulog na ako ay bigla nanamang nabato sa isip ko yung sinabi ni Jed. Gusto kong sumabog at magsabi ng mga masasamang mga words. *KINABUKASAN* Jediael's P.O.V. Maaga akong pupunta doon para maabutan ko si Aria at para MAKATULONG! oo tutulong, kayo kung ano ano nasa isip niyo. To: Aria 'Hi good morning, I'm on my way already. Wala ka bang ipapabili?' Nung nasend ko yun. Inandar ko na yung sasakyan ko at pumunta na sa school. Habang nasa kalagitnaan ako ng byahe tingin ako ng tingin sa cp ko. Binabagalan ko na nga yung takbo ng sasakyan ko para maka abot kung may maipapabili siya. Binilisan ko na mag drive nang mga 3 minutes na siyang hindi nagrereply. 5:30 palang din naman, baka hindi pa kumakain yun at baka tulog pa, daan muna kaya ako sa drive thru baka hindi pa sila kumakain. Nang makapasok na ako sa gate ng school ay hindi pa ganun karami ang mga tao. Tsaka 7:00 naman yung time naming lahat kaya sobrang aga ko pa. Pinark ko nalang yung sasakyan ko sa may malapit booth namin, at mamaya ko na ipark sa parking lot yun. Atat na akong makita si Aria. *Booth* "Si Aria?"tanong ko kay Vince. Siya lang kase ang nasa labas at halatang pauwi na rin. Sila kase taga bantay sa gabi. "Nasa loob natutulog pa. Uyy ibon paki gising kaibigan mo" tawag nito kay Yvo. Ibon tawag nila sakanya dahil sa madaldal siya. "Hindi wag na, Mamaya nalang. Mag ayos nalang tayo dito. Siguro pagod siya kaya tulog pa." baka nga, marami din naman kasing tao kahapon kahit mga outsiders pumupunta jusko. Nag ayos na kami ng booth tsaka magbabantay ako kasi umuwi na sina Vince. Tapos mamayang 6:30 gigisingin ko na si Aria. O ipapagising ko nalang siya kay ibon "Ano gigisingin ko paba si Aria? O ikaw na? Halatang atat kang makita siya e, You like her? Hmmm." Naka smirk pa si Yvo. Oo na! wag mo namang ipamukha "First time!" Sigaw niya nagulat nga ako eh. Minsan nagugulat ka nalang talaga dahil sa boses na at hindi sa mga sinasabi niya. "Ha? First time what?" tinignan ko siya at pinakita sakanya ang expression ko na nagugulohan sa sinabi niya. "Ikaw ang ka una-unahang nagka gusto kay Aria na, you know love at first sight" nang aasar pa mukha niya "Baka may mga iba pa, ako lang yung nakakasama niyo kaya ako lang napapansin niyo" "Siguro nga, ay naalala ko" tumingkayad pa siya para lang maibulong saakin yung naalala niya. "Ano naman problema doon? Mabait naman siya diba?" Parang normal lang naman ah "Yeah okay lang naman, pero first time kase talaga, tsaka alam mo ba ikaw palang yung lalakeng di siya minadali huh-" ang ingay niya baka magising si Aria "Anu ba yan Ibon ang ingay mo ang aga-aga eh! Sino ba kausap mo diyan?" Paktay si, Aria yun. Tinignan ko si Yvo tumakbo agad siya. Tae? Naiwan kami dito. "Yvo!—Oh Jed bat ka andito na agad? Ang aga mo naman." Halatang kagigising nga lang po niya. Magulo pa buhok niya eh, baka di pa niya chinecheck cp niya kaya di niya nakita message ko. "Ah wala kasi akong kasama sa bahay tsaka eto nga pala para sayo. Kanina pa yan kaya di na mainit kasi ayuko namang gisingin ka baka magalit ka tsaka baka narin pagod ka Aria" bigla nanlaki mata niya, luh naka drugs ba to? "Ah Jed. Si Yvo?" Nahihiya pang sambit niya "Di ko alam, Kaninang narinig niya boses mo tumakbo na papunta dun oh!" Turo ko kung saan tumungo si Ibon. "Hayss kahit kailan talagang ibon na yun." Ang cute niya. Kahit kakagising niya palang po. Opo promise! "Ahhh kumain kana muna baka may mga costumer na mamaya" bigla siyang nataranta. "Kalma Aria. Maaga pa, Relax" Kumain na silang lahat nung binili ko sa Mcdo kanina, pero si Yvo palipat lipat ng tingin samin ni Aria "Alam mo Yvo sabihin mo nalang kung anong gusto mong sabihin wag yung gumaganyan ganyan ka diyan. Mukhang kang mangkukulam na di maka pag decide kung sino isusunod mo samin ni Jed" natawa nalang kami pero si Ibon naningkit yung mga mata niya tapos kinurot kami isa-isa. Sakit nun ah, bat nadamay ako e tong bestfriend lang naman niya nagsabi nun. "Wala naman may naisip lang ako" tapos naka ngisi pa ang ibon, spill the tea ba to? "Care to share" si Erizza yun "Nakita ko lang kase sa likod ng cellphone ni Aria, nandoon yung picture ni Jed na stolen naka instax film pa. Hmmm Smell something hmmm-" "Big deal for yah? MAY CRUSH KA KAY JED NO?" Sigaw ni Jazzmark, luh bangag pa ba tong mga to HINDI PA NAG PO-PROCESS SA ISIP KO YUNG SINABI NI YVO NA MAY PICTURE AKO. Tinignan ko naman si Aria pero nakatingin din pala siya sakin at agaran siyang tumingin kaagad sa ibang parte. "BOBO KA? IKAW ARIA! BAT NANDOON PICTURE NIYA??!" Hindi ko alam kung masasarapan ba tenga ko sa nalaman ko o sasakit yung tenga ko dahil kay Yvo. "Yun lang?" walang reactiong sabi ni Aria "Yun lang? Na ako na Bestfriend mo di mo manlang nilagay mukha ko doon!" Natawa naman ako doon at hindi ko napigilan kaya pinaningkitan ako ni Yvo ng tingin, tutal nasimulan ko na namang tumawa, Ttinuloy tuloy ko na "OKAY SANA KUNG BINIBIGYAN MOKO NG NUGGETS" pasigaw na sabi naman ni Aria sakanya "Ay may ka palit na nuggets? Sige Jed. Ikaw nalang, mukha mo nalang hehe, ipa tarpaulin ko pa ba mukha ni Jed para malagay mo sa kwarto mo?" panga asar pa ni Yvo, Si Aria naman pulang pula na ang mukha. Pagkatapos nilang kumain dahil dumarating narin yung mga bisita. At nakaka proud kase. Well, hindi naman sa pinagmamayabang e may maganda na kaming leader may solid pa kaming group ay ang booth namin ang top 1. Aria's P.O.V. Natapos din ang lahat ng success. Well oo nanalo kami kasi kami may pinaka maraming ratings na votes ng pagandahan ng Booths at ngayon mag rurumble ulit sila ng mga students. Every sem ganto dito. Parang gusto kong maging kaklase tuloy si Jed ay HAHAHAHAHA joke po, sorry na. "Goodmorning class. Andito na yung mga bago ninyong kaklase" sabi ni Maam Bea, tapos parang may hinahanap siya. "Asan si Miss Ihara?" Sabi nito. Maam anla andito lang ako sa likod "Po?" Sagot ko. Kasi naka yuko ako kanina HAHAHAHAHAHA antok ako ihhh "As a President in our room. Ikaw mag welcome sakanila" wow naman sana all ang tamad talaga ni maam "Pumasok na kayo" akay niya sa mga estudyanteng nasa labas at pumasok naman sila. joke lang ni ma'am na pumasok kayo, ay charot. hindi mabait talaga ako. Napayuko nalang ako kasi nakaka hiya. Tapos kinakabahan ako, edi tumayo nalang din ako. Si Maam kase biglaan hindi naman niya sinabi na mapapa speech ako ngayon. "Miss Ihara, Go!" Napa angat ako ng tingin sakanila. Putek na kalabaw naman oo. Kung swineswerte nga namanm, parang ginanahan tuloy ako. "Ah okay. Goodmorning We, Section 1-A welcoming you as a new member of our family." pag welcome ko sakanya "Pero ehem FAMILY daw ehemmm bawal magjowa ng kaklase charot" nagtawanan naman sila sa sinabi ko Yvo, funny ka jan? "Thank you" sabay sabay nilang sabi. Wow niceee ang bait, yung mga bago ay yung mga nakasama lang din namin sa booth may tatlong nadagdag lang. "ASAN PA ANG MGA BAKANTENG UPUAN?" Tanong ni maam. Napatingin ako sa tabi ko. Oo nga pala Natransfer sila ng Section. Napatingin ako kay Yvo. "MA'AM SA RAW PO NI MISS PRESIDENT MARAMING VACANT" sigaw din nito. Napatingin ako sa palagid ko. Oo nga no, tatlo lang kaming natira eh anim lahat kami dito dati. Sana hindi by Alphabetical gagawin ni maam. Nasa likod ko ang upuan ni Yvo kase pinaghiwalay kami nun kase napaka ingay daw namin, e natransfer ulit siya kase nakipagdaldalan ulit sa bagong katabi kaya sa likod ko ang bagsak niya. "Okay mister—-" si maam "Tulingan po" sabi ni Jed "Mister Tulingan, Proceed sa tabi ni Miss Ihara, Right Side." Putek eto ung nakakakaba eh. Tinignan niya ako tsaka nginitian. Ikaw ha, wag mo naman masyadong pahalata na crush mo ako. "Hi" sabi nito. Naka tayo parin ako sis tapos naka tingala siya sakin. Cute niyaaa kagigil amputek. Nginitian ko nalang siya. Tapos pinagpatuloy naman ni maam yung pag aayos ng mga pagupo nila. Sa left ko si Avery, from Section 1-B rin. Sa right side naman ni Jed ay si Janah bali-balita siya daw pinaka tahimik sa room nila. Nang matapos lahat ni maam. Naupo narin ako at nagsimula na siyang mag discuss. Panu ako makakapag concentrate sa pag susulat eh katabi ko pa siya. Right side pa oh diba ang saya. *RINNNGGG* Buzzer yan wag kayong Oa. Break naaaaa. Hiwalay na daw, gutom lang to. "Sa Canteen punta mo? Pwede sumabay?" Si Jed hehehe sige tara kahit sa pagtanda pwede "Sige tara" nasa pintuan na kami nang may humila sa damit ko. "Te baka nakakalimutan mo na kami ni Matthew" angal ni Yvo, nang tignan ko si Matthew ay tinitignan niya si Jed na parang sinusuri ito. "Tara na, nagugutom na ako" sabi naman ni Matthew kaya mabilisan na kaming lumabas at naglakbay na papuntang canteen.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD