Chapter 5

2583 Words
Aria's P.O.V. After ng merienda namin ay bumalik na agad kami sa room namin at agad na dumating yung subject teacher namin sa Science at nagturo na ng di ko maintindihan na lesson. Oo na ako na bobo sa science. Mabilis ding natapos yun kasi may meeting sila. Emergency daw eh gusto lang din naman niya makasama si Sir Kieth sa Faculty eh. "Uwi kana agad?" Tanong ni Yvo. Alam kong tinatamad pa tong umuwi kase walang kasama sa bahay. "Ahh oo. Walang kasama si Mama eh, baka di pa naka uwi si kuya tsaka uuwi si Matthew sa bahay nila" Minsan lang nauwi si Matthew sakanila, kahit ayaw naman niyang pumupunta doon. Oo may kuya ako. Tatlo nalang kami. Si papa may pamilya ng iba, pero okay lang mas payapa na buhay namin nina mama ngayon kesa dati na puro sigawan at gulo sa bahay. Binibigyan naman kami ni papa ng pang allowance pero deretso sa card, ilang years ko narin di siya nakikita. Sabagay baka pag nakita pa namin siya baka mabugbug siya ni kuya eh. Malaki kasi galit ni kuya sakanya kaya ganun. "Hatid ko na muna kayo." Si Matthew habang naka tingin sa cellphone niya, pumayag naman na kami kasi parang uulan pa. 1 hour and 30 minutes pa kami sa traffic bago kami nakarating samin e napaka lapit lang ng bahay namin at base sa napag tanongan namin may na disgrasya daw kanina kaya medyo na tagalan. "Buti naka uwi kana, aga mo ha" si kuya nandito na pala. Agad kung tinanggal ang sapin sa aking mga paa at tumakbo papunta sakanya at niyakap siya. Namiss ko siya kasi 1 week siya dun sa Cagayan. "Namiss kita kuya. Kamusta naman po sina Mommy dun?" Sabi ko habang naka yakap sakanya. Mommy tawag ko sa Lola ko. "Okay naman siya. Pero si Papa—-" pagkasabi niya nun humiwalay agad ako ng pagkayakap sakanya at napa simangot naman ako. "Pupunta daw sila dito next week." next week makikipag over night ako, bahala sila diyan. "Kasama sina Roxie at Roxanne"tuloy neto, ano ba yan. panira ng araw. "ay nagka usap kayo?" tanong ko agad nang malalalang galit nga pala siya kay papa "Hindi, sinabi daw nila kay mommy. kapal din ng mukha nun e, buti hindi natin namana kaepalan niya" Napa tango nalang ako sakanya at kinuha ko na ang mga gamit ko at aakyat na ako sa taas. Ayuko silang makita napaka pangit ng mga yon, lalo na yung panganay na si Roxie tangina nun mukhang ingron ng paa ko, hayop na yun. Ayuko silang makasama sa iisang bahay, makakaya ko pa naman kung si papa lang, pero duh. Bat ka kasi sila nagkaroon ng anak, sana nabaog si papa nun. "At wala na tayong magagawa dun. Hiniling niya yun, baka itigil pa niya yung about sa mga cards natin."hindi ko namalayan na sumunod pala si kuya sakin tsaka hindi naman namin kailangan nung allowance na galing sakanya kase yung binibigay ni mama yun talaga mga allowance namin pang araw-araw. tapos yung binibigay niya naiipon or kinukuha lang namin pang luho namin. "Fine" yun nalang nasabi ko, tsaka ako nagtaklob ng kumot. *kinabukasan* Saturday na pala at wala akong ginagawa dito sa bahay, wala si Matthew busy ang mga kasambahay namin yung mga iba nag day off pa kaya dadalawa nalang sila ngayon. bumangon ako at kinuha ang aking laptop tsaka ako pumuntang balcony. Napa tingin naman ako sa kaharap ng bahay namin, walang ka tao-tao pero may mga labahan sila si labas. mag print kaya ako ng "Garage Sale" tapos idikit ko sa mga labahan nila? HAHAHAHAHAHAHAHAA NAIIMAGINE KO YUNG ITSURA NG KAPITBAHAY NAMIN PAG NANG YARI YUN, WAG NA NA NGA LANG. Makapa pag online na nga lang kung ano-ano pa naiisip ko. *Jedial Emmanuel Tulingan added you* Biglang notif ng laptop ko at sa bobo ako napindot ko yun, gagi paano niya nalaman sss ko?! ay joke, napaka common pala ng name ko sa sss KSHAHAHA. Accept ko na nga lang siya, pati na rin sa buhay ko accept na kita. Napa tawa naman ako sa aking mga naiisip. Siguro kung may nakaka-kita saakin ngayon ay baka sabihan niya ako ng boang. Jed: HI ay hala pati sa message napaka pogi Aria: Hello po, cnu kah? Baka sabihin niya Jeje ako HAHAHAHAHAHA Jed: Hindi ko si Natoy pero ako to yung mahal na mahal ka MAAAAAA BAKITTTT!!!! TANGINAAA SAN PEDRO PWEDE MO NA AKONG KUNIN! PWEDE NA AKONG MAMATAY NG PAYAPA. *TING* Jed: HAHAHAHAHA just kidding napa straight naman ako ng upo nang makita ang kanyang message. Aria: ano ba yan napaka paasa naman Jed: I imagine your face na naiinis nanaman at parang mas gusto ko pang lalo kang inisin Tumayo na kaagad ako sa aking kina uupoan at dumeretso sa harap ng salamin. Ano bang itsurwa na naiinis ang gusto niya? Nag try pa ako ng iba kong naiinis na expression. Tanga nun ha, nadali ako dun ha. Jed: hey, still there? Aria: yeah, ano ba? wala ka bang magawa sa buhay? Jed: wala, boring nga e. Paki yanig buhay ko Kung si Jed ay gusto niyang mayanig pwes ako nanginginig. Aria: Sakalin kaya kita? Jed: ang brutal naman ng love language mo Aria: gusto mo isemento pa kita? Jed: Grabe, ganyan mo ba ako kamahal? Aria: Bahala ka jan Jed, pangit mo Jed: HAHAHAHAHAHA ang cute mo talaga pag naiinis no? Aria: aba ewan ko, hindi ko naman nakikita mukha ko Jed: edi magsalamin ka Aria: ginawa ko na Jed: ay crush mo ako no? bat mo ginawa? gago crush amp--GAGO BAT KO BA KASE SINABI Aria: Alam mo Jed, malapit na kitang makasal Jed: makasal? see you have a crush on me talaga ha? napa backread tuloy ako sa chat namin. GAGOO NA TYPO AKAOOO Aria: sakal kase yun, na typo lang, napaka judgemental mo! Jed: hmm wag mo naman masyadong ipahalata na crush mo ako Aria: Epal, bahala ka jan, tinatamad na akong mag type. Jed: okay, byeee see you next week hinart ko nalang yung message niya kase ayukong maging last chat. After ng convo namin ni Jed ay naghanap na agad ako ng malilibangan at puro diamond painting naman yung nakita ko sa hobby box ko kaya yun nalang ginagawa ko maghapon. *Kinahapunan* Kumain na muna kami tsaka naisipan naming pumunta sa Park. *Park* Naglibot-libot kami ni kuya sa park tsaka nagpagdesisyonan na pumuntang NBS. Alam na alam ni kuya mga paborito ko. Pumunta rin kami sa Savemore dito sa malapit samin. Wala lang gusto lang naming bumili ng kung anong pwedeng pasalubong kay mama. Busy siya sa work eh, sa restaurant kasi namin nag s-stay si mama pag gantong mga oras. Si kuya naman nag aaral palang, graduating student. "Gusto mo netong Ferrero?" Tanong ni kuya habang nagtitingin tingin kami dito sa may mga chocolates. "Mahal yan kuya." Sabi ko talaga namang mahal yun eh. "Okay lang. Eto kunin natin tong malaki. Wag mong uubusin to sa isang araw ah." Alam kasi ni kuya na mahilig ako sa chocolates. Pero swear guys favorite ko yung Recess tapos M&M's na chocolate. Si kuya naman yung Mars. 5 na nung maka uwi kami ng bahay. Tinext ako ni mama na sa Resto nalang namin kami kumain kasi baka late makaka uwi si mama. Di ko pa naman alam kung paano magluto, ay medyo may alam ako pero yung mga basic lang. Ganun din si kuya, siguro kay papa kami nagmana, inayos na muna namin yung mga pinamili namin tsaka nagbihis kasi amoy araw yung damit namin. Inilagay ko yung mga bago kong books sa may secret room ko. Siyempre sina mama at kuya lang nakaka alam nito. pagka pasok amoy mga libro kaagad "Aria baba kana diyan!" Sigaw ni kuya. 6 narin kasi at baka traffic kase weekends Agad akong bumaba at ayukong nagagalit ang kuya ko, nasasayang pogi niya eh 1 hour yung byahe namin papunta sa Resto kasi traffic nga talaga. Ang daming tao sa Resto namin, masarap kasi magluto mga hinire ni mama tsaka minsan siya narin nagluluto. "Goodmorning Maam Aria" nagbow pa yung kuya Guard eh. Aria din tawag talaga nila sakin dito. Si kuya naman Vincent. "Goodmorning din po kuyaaaa" tapos nginitian siya pabalik, ang cute ni kuya parang si dagol HAHAHAHA joke. JOKE LANG WAG NIYO AKONG ICANCELL Hindi naman ako nagulat na full na tong Resto namin, wala na nang vacant eh. "Mga anak nandito na pala kayo. Pwede patulong muna sa pag seserve, kasi marami nang tao eh. Pleaseee?" Nagpacute na si mama HAHAHAHAHA Kinuha ni kuya yung isang apron at tumulong na sa pagseserve. Ako naman kinuha yung tatlong Menu at inisa isa yung mga table kung saan naupo yung m ga kakapasok. Habang naglilibot ako hindi ako comfortable kase parang may naka tingin sakin. Nilibot ko ang aking mga paningin ng... "Jed" yun nalang nasabi ko. Marami sila, siguro pamilya niya. Halos Apat na long table yung sakop nila. pinagdikit dikit kase nila e, kaya alam ko "Miss" sigaw nung isa niyang kasama. Gago bat tawag ako?? Okay self kalma. Napatingin naman silang lahat sakin. "Ahm miss pwede pa take out yung mga natirang pagkain tsaka pa order pa ng limang Carbonara. Take out." Napatango nalang ako. Tatalikod na sana ako ng bigla siyang magsalita ulit. Napatingin ako kay Jed, ngumuti siya kaya nginitian ko narin. Naalala ko tuloy yung chat niya. "Ah miss pwede pati ikaw iuwi ko narin" nagsigawan mga kasama nila, naka drugs ka ba kuya?! "Hindi pwede akin yan eh" Sumbat naman ni Jed tsaka niya sinuntok sa braso yung lalake kanina. "Maniwala sayo pre, lahat naman sayo ano ba yan." Nagrereklamong sabi nung kasama niya "Diba Aria?" Tanong ni Jed, Gago hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kaya ngumiti nalang ako tsaka tumalikod. Jediael's P.O.V. Habang hinihintay namin mga order namin na maitatake out. Tong si Kenedy panay tanong. "Seryoso pre? Classmate mo siya?" Tanong niya. "Oo nga ano ba tumigil ka nga." Pinsan ko si Ken, reunion naming magpipinsan ngayon kaso gipit kami para sa big event kaya nag resto nalang kami. "Eto na po yung order niyo" sabi nung lalake na matangkad siguro mas matanda na siya samin, nang tignan ko parang nakita ko lang din si Aria kase sobrang hawig siya ni Aria eh. "Salamat po." Sabi ko Paalis na sana si kuya nang paloin ni Aria siya sa balikat. "Ano ba kuya. Bilisan mo naman nagugutom na ako." Sabi niya. Kapatid niya kaya yun? "Tara na" sabay sabay na sabi ng mga kasama ko. Tiningnan ko muna cellphone ko. 8 pm na. "Pre nasa may pintuan yung chiks." Sabi ni Kenedy. ako naman tong si bobo tumingin din ako, oo nga nasa pintuan nga si Aria. Nahihirapan kaming lumabas kasi maraming tao na pumapasok at lumalabas narin. Napatingin siya sakin at tsaka siya ngumiti, ang cute niya habang may naka soot na apron sakanya. 30 minutes lang inabot namin sa traffic bago pa kami maka uwi. 9 na eh. Inaantok narin ako, naalala ko nanaman ngiti niya. Napagulong gulong nalang ako saaking kama sa sobrang kilig. Sunday Morning Kakatapos lang ng mass at dumeretso na kami ni kuya sa Mall, nagpaalam na naman kami kay mama eh. Si mama kaninang First mass siya, nalate kami ng gising ni kuya eh. After din naming mag mall ay dumeretso na kaming resto *Resto* "Aria Tumulong kana muna dito ha habang hinihintay niyo bisita niyo ng kuya mo" tumango ako bilang sang ayon kay mama, wala lang nagustohan kong tumambay dito sa Resto namin simula nung bata palang ako. Pag Birthday ko closed tong resto para sakin, ganun din si kuya. makikita ko daw ngayon yung jowa ni kuya, pero dahil maaga pa ay tumulong muna kami. Kinuha ko yung tray na may kasamang frappe, Palakad na ako ng biglang may bumangga sakin at tumapon sakanya yung frappe. Hala gago sayang yung Frappe "Ano ba harang harang kasi sa may daanan, shet nakakahiya sa ime-meet ko neto ngayon" sigaw niyang sabi. Ma help! BROOOO! "Ma'am sorry po." Sabi ni kuya Nathan isa sa mga staff dito. Tsaka ako tinulongang mag linis ng kalat nung frappe na natapon "Hindi mapapalitan ng sorry niyo ang nasira kong damit." Sigaw nito ulit, lahat ng tao nagtitinginan na. "Bat ba kasi ang bobo mo magserve?! Ha!? Tanga kaba? Di ka ba nag a-aral. Ano bayan! Asan manager niyo kakausapin ko!" Ma!!!!!! Bobo daw ako oh!!! *pout* alam ko naman yun pero wag mo namang ipagsigawan te "Kim?!" Sigaw ni kuya. Yes thank you kuya! pero bat niya kilala? "Babe see what she do to my dress!?" Wtf?yan yung Jowa ni kuya? Hmmm yung sinabi niya na yun, bigla akong lumakas ay charot oo. YAN NA YUN? ANG PANGET NG TASTE NI KUYA HA. Nilinis na nila kuya Nathan yung kalat, tumayo ako tsaka siya hinarap. "Kuya paalisin mo yan. Ang arte, tsaka excuse me miss! wag kang mag eskandalo dito sa resto namin kung ayaw mong yang damit mong mukhang basahan ang panlinis ko sa kalat dito btw kapatid ako ng boyfriend mo " mahinhing sabi ko tsaka ko siya nginitian. "Kapatid mo siya?" Tanong niya kay kuya, bingi ba to? "Oo bruha kami may ari ng resto na to" sabi ko ulit tsaka ako humalipkip "Sorry" sabi niya tsaka yumuko "Gaga ka!? Hindi mapapalitan ng sorry mo ang kahihiyan na nadanas ko ngayon" mahinhin ko ulit na sabi, ewan ko kung may nakakarinig pa saamin o yung mga malapit lang saamin ang nakaka rinig saakin "Baket anong nagyayari dito?" Sabi naman ni mama "Sa office ko tayo mag usap ngayon din!" Sumbat ni mama. angas din ni mama parang principal ng school HAHAHAHAHAHA Dumeretso lahat kami sa office ni mama, naka kapit ako sa braso ni kuya at ayukong kumakapit tong babae na nandito ngayon sa kuya ko. "Ano ba wag mong hawakan kuya ko!" Sigaw ko nang magtangka siyang humawak dito. "Aria" pagbabanta naman ni kuya saakin pero inirapan ko lang sila. "Ano bang problema?" Tanong ni mama nang nakarating kaming lahat sa office niya, umupo kaagad kami sa sofa at nasa pagitan namin si kuya, siyempre nakakapit parin ako hindi kaya ako nagmumukhang linta ngayon? "Eh ma kasi magseserve na ako kanina eh nabangga niya ako tapos ang dami nang pinagsasabi ng hipokritang yan! Sabihan daw ba akong bobo!? Tapos hindi daw ba ako nag aaral ma! Sino di magagalit dun?! Nagsorry na nga ako tapos sabi niya di daw mapapalitan ng sorry ko yung dress niya eh satin nga pamunas lang natin sa lapag mga ganyan eh. Tapos malalaman ko girlfriend siya ni kuya. sa Ugali na nga lang siya babawi hindi pa niya magawa." Nagrap ako mga sis? Okay kabahan kana Agust D "Sorry po tita" sagot niya. "Yung hindi mo tanggapin ang sorry ng anak ko okay lang yun. Pero yung sabihan mo siya na bobo wala kang karapatan." Sumbat naman ni mama. Binelatan ko yung babae, si kuya patawa tawa nalang sa inaasal ko minsan sinasaway naman ako. "Ma ihahatid ko na po siya" sabi naman ni kuya ng matapos na ang lahat. "Sama ako" sabi ko tapos kumapit ulit kay kuya. Bat ba kuya ko to. "Wag na, makikipag away ka lang, bilhan nalang kita mamaya ng potato corner mo" pang uuto naman niya saakin kaya tumango nalang din ako kase uto-uto ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD