NEIL IVAN LEVISTE Nang maibaba ko ang tawag kay Lein ay agad akong pumasok sa loob ng bahay. Nadatnan ko si mommy sa sala na may babaeng kausap, nakatalikod ito sa akin kaya hindi ko agad namukhaan kung sino siya. Nagkukuwentuhan sila ni mommy nang napatingin siya sa akin at saka tumayo. "Neil is here. Come here, anak," tawag ni mom sa akin. Namulsa akong lumakad palapit sa kanila at umupo sa tabi ni mom. Napatingin ako sa babaeng kausap ni mommy at masasabi kong pamilyar siya sa akin. "Anak, siya 'yong sinasabi kong naghahanap sa 'yo," wika ni mom. Nanatili naman ang tingin ko sa babae. "Who are you? You look familiar but, I don't know you," saad ko. Umayos siya ng upo at tumingin sa akin. "We need to listen to her first. Hindi ko rin siya kilala at hindi niya rin sinasabi sa akin a

