LALAINE FRANCISCO LEVISTE Kanina pa kami nakarating dito sa dining area pero hindi pa kami nagsisimulang umorder, dahil hinihintay namin ang pagdating ni mama. May contact number pala si Neil kaya, tinawagan niya kanina at sinabing may gustong kumausap. Hindi direktang sinabi ni Neil na ako ang kakausapin. May thirty minutes na rin kaming naghihintay pero wala pa rin. Napansin ko na ang pagtingin ni Mae sa relo niya at pagtingin sa amin. Magkatabi kasi kami ni Neil, tapos for four persons ang kinuha naming table. "Sinong hinihintay natin? Hindi pa ba tayo o-order? Gutom na talaga ako," wika niya sa amin. Napatingin ako kay Neil at bahagya siyang tumango. "Sige, pasensya ka na at natagalan. P'wede naman siguro tayong kumain habang naghihintay," sagot ko at napangiti siya. "Thanks. K

