CHAPTER 75 Huminga nang malalim si Ricci. Napakasuwerte naman yata niya ng husto na ipagkatiwala kaagad ang ganoong posisyon. Ni hindi niya pinangarap na makuha iyon ng ganoon lang kabilis. Hindi siya makapaniwala. "Kayo pa ba ang tatanggihan ko naman, Ma’am? Sa dami ng naitulong ninyo sa akin, hihindi pa ba ako at sa ganoon kataas na posisyon, sino ba naman ako para mag-inarte?" "Sige, galingan mo sa examination ninyo para sabay kayong ma-promote. Alam kong kayang-kaya na ninyo ni Sackey 'yan. Congratulations uli." Tinapik ni Sofia ang balikat ng dalawa saka niya sila iniwan. "Graduate na tayo tol! Puwede na akong manligaw at mag-asawa!" bahagyang sinuntok ni Sackey ang braso ni Ricci. "Yes! Huh! Saya lang tol! Salamat pala dahil hindi mo ako pinabayaan at iniwan. Utang ko sa inyo

