PAGSIKAT NG ARAW

1311 Words

CHAPTER 74 Nilingon niya si Ringgo na hindi pa bumababa. Tumingin din sa kanya si Ringgo. Inilapit nito mukha sa mukha ni Adam. Kinabahan siya. Ito na yung kinatatakutan niyang mga tagpo. Alam na ni Adam ang gagawin ni Ringgo. Hahalikan siya bago ito bababa at ano pa nga ba ang idadahilan niya? Pumikit na lang siya. Kailangan niyang panindigan ang kanyang desisyon kanina. Nang naglapat ang kanilang labi ay sinikap niyang maging normal lang. Pilit siyang ngumiti nang inilayo ni Ringgo ang labi nito sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Nandidiri siya. Nasusuka. "Salamat mahal ko. I love you and good night." "Good night," sagot ni Adam. Gustung-gusto na niyang bumaba si Ringgo para mapunasan na sana niya ang labi niyang hinalikan nito. Diring-diri na talaga siya. Parang gusto niyang maduw

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD