CHAPTER 69 Dumaan ang isang taon, nagiging tahimik at maginhawa ang buhay nilang magkakapatid. Sinong mag-aakala na silang mga ulilang lubos at lumaki sa iskwater ay may maayos nang pamumuhay? "Ate, andaming naiinggit sa bagong sapatos ko sa school. Sabi nila, mayaman daw tayo. Ate mayaman na nga ba tayo?" tanong ng bunso nilang si Marcus. Hindi muna siya sumagot. Nakangiti siyang naglagay ng hotdog sa plato nito. "Ambabaw naman ng mga kaklase mo, bago lang ang sapatos mo mayaman na? Naniniwala ka namang mayaman tayo?" sagot ni Marvie hawak nito ang cellphone niyang bago. "Ikaw Marvie kung di mo bitiwan yang cellphone na 'yan baka iyan ang ipapa-almusal ko sa'yo. Anong sabi ko sa'yo? Kapag nasa harap tayo ng hapag-kainan, kumain at hindi kung anu-anong inaatupag." Singit ni Marian na

