CHAPTER 68 "Sige. Tatanggapin ko ang alok mong tulong." "Talaga?" muling umupo si Ringgo. Nakangisi itong nakatingin kay Adam. "But wait, I still have some conditions." Alam na niya iyon. Hindi papayag si Ringgo na walang magiging kapalit. "Una, hihiwalayan mo si Ricci." "Granted! Wala naman talaga kami ni Ricci." "Good. Pero doon sa pinakulong kita, wala akong kinalaman do'n. Alam 'yan ng Diyos na wala akong kasalanan dito. Malay ko bang napag-usapan na pala ninyo ni Dante ang pagpapasunog sa mga bahay ng iskwaters bago pa man ako naging CDO? Pera lang ang katapat niyang si Dante at ako na ang aayos no'n kung ngayon pa lang, mapag-uusapan natin 'to. Well, I know you have money pero you don't have enough connections to do it kaya ako lang ang puwedeng gumawa no'n." nakangisi itong

