01
“Mommy, look oh! It's a bear.”
Napangiti ako nang ituro ng anak ko ang life size teddy bear na nakayakap sa maliit na teddy bear. It looks cute.
“Do you want to have it, baby?” tanong ko sa kanya ngunit sumimangot lamang ito at umiling iling pa.
“Of course not, mommy! It's bigger than me kaya, and i think i can’t carry it.” nakahalukipkip pang sabi ng anak ko habang nakasimangot.
“But you can hug it naman, tapos pwede mo din itabi sayo pag natutulog ka.”
“I don't want to buy it pa rin, mommy.”mas lalo pang sumimangot ang mukha nito.
“And why is that, baby?”
“I might got scared, kapag nagising ako ng midnight.”
Tumawa naman ako at nakita ko din na napatawa ang saleslady na nakarinig sa sinabi ng anak ko. Lumabas na lamang kami ng toy store na iyon dahil kung ano-ano pa ang sinasabi niya tungkol sa teddy bear. Na kesyo daw di kasya sa room niya, na sobrang laki daw.
“I'm so happy, mommy!” sabi ng anak ko na tumalon talon pa habang naglalakad kami. Napabilis tuloy ang lakad ko dahil magkahawak kami ng kamay.
“And why is my baby happy?”
Tumigil siya sa paglalakad at itinaas ang dalawang kamay tanda na gusto niyang magpabuhat. Tumawa naman ako at binuhat siya.
“Beause you're always busy with your work. I missed being with you, mommy. I missed you..” sabi niya at mahigpit akong niyakap sa leeg.
Aww, my heart flutters. My baby is really so sweet.
“I'm sorry, baby. Busy lang talaga si Mommy dahil madami akong ginagawa sa work. But you know that mommy really loves you, right?”
Ngumiti siya ng malawak na ikinatunaw ng puso ko. My daughter is so pretty.
“Yes po, Mommy! I love you too. I love you po, sobra sobra!”
Tumawa ako at pinugpog siya ng halik na ikinatawa niya naman. Aww, I really love hearing those giggles!
I really love my daughter. She's my everything, my life, and my world. Kahit pa naghirap ako sa kaya noong pinagbubuntis ko palang siya ay mahal na mahal ko talaga ang anak ko. Naalala ko na kamuntikan pa siyang malaglag noon dahil sa mga stress at pagod na naranasan ko noon. Mahina daw kasi ang kapit niya noong nasa sinapupunan ko pa lamang siya. Kaya tumigil ako sa pagtatrabaho para matutukan ko ang pag-aalaga sa kanya.
I'm so glad that my parents are here para tulungan ako sa pag-aalaga sa anak ko pagkapanganak ko sa kanya. At ngayon nang apat na taon na siya ay bawing-bawi ang paghihirap ko noon. I named her Raenyze Gaia.
Raenyze is come from my name Rae Shinnize, and Gaia is the name of the greek goddess of earth.
My Raenyze Gaia Mendez.
Kumain kami sa paborito niyang fast food restaurant dahil gustong gusto niya ang burger at lasagna doon. Nakakatuwa dahil hindi ko na siya kailangang subuan at siya na ang kumakain mag-isa.
“Mommy, can we go to Arcade, pretty please?” sabi ni Gaia na nagpacute pa talaga sa akin.
Nakakagigil! Ang sarap kurutin ng pisngi niya.
Pinunasan ko muna ang bibig niya na may kaunting sauce bago ko siya kurutin sa pisngi. Napa 'aray' naman siya at nag pout nang tigilan ko ang pisngi niya.
Dear God, thank you for giving me my daughter in my life.
“Okay, baby. But you have to finish your food first, okay?”
Dahil excited siyang maglaro sa arcade ay mabilis niyang tinapos ang pagkain niya kaya ilang sandali lang ay pumunta na kami sa Arcade. Nagpapalit muna ako ng mga tokens para magamit ni Gaia sa paglalaro.
“Let's go na, baby! Saan mo gusto maglaro?”
“There, Mommy!” sabi nito sabay turo sa nakahilerang claw machine.
“Okay, let's go there.” sabi ko rito at hinawakan ang kamay niya at naglakad palapit sa claw machine.
Pinanood ko lamang siya habang pilit niyang kinukuha ang isang color light pink na teddy bear. Tumingin siy sa akin at sumimangot.
“It's so hard to get it, mommy.” busangot na sabi nito. Napatawa naman ako at kinurot ang pisngi niya. Napa pout naman siya dahil dito.
“Just try and try again, baby, until you get it. You can do it, baby Gaia!” pag chi-cheer ko sa kanya.
Nginitian ako nito at bumalik sa pwesto niya kanina. Seryoso ang mukha niya habang kinukuha ang teddy bear. Napatili siya ng malaglag ang teddy bear sa butas kung saan ito kinukuha.
“I did it, Mommy! Nakuha ko yung teddy bear. I'm so happy.” malawak ang ngiti nitong sabi at niyakap pa ako.
Lumabas na din kami ng arcade pagkatapos nun.
“Mommy, can you please buy me an ice cream? Pretty please.” sabi ni Gaia at nagpacute na naman sa akin.
“Okay. Just stay here, don't go anywhere. And also, don't talk to strangers, okay?” bilin ko sa kanya at pinaupo siya sa mga upuan sa harap ng ice cream stall bago ako bumili ng ice cream.
She just nooded.
“One chocolate and vanilla ice cream, please.” sabi ko sa cashier. Ilang sandali lang ay naibigay na din naman ang ice cream na order ko.
Bumalik ako sa pinag-iwanan ko kay Gaia pero ganon na lamang ang kaba ko nang makitang wala na doon ang anak ko.
“Gaia!” tawag ko sa kanya pero hindi ko makita ang anak ko.
“Miss, miss. Have you seen my daughter? She's wearing a pastel blue dress and medyo wavy yung dulo ng buhok niya.” tanong ko sa isang babae pero umiling lang ito.
My god! Hindi ko alam kung paano ko mahahanap ang anak ko sa laki ng mall na ito! Kung ano-ano ng mga naiisip ko. Na baka kinidnap ang ang anak ko ng mga sindikato at isinama sa mga nanlilimos sa kalsada.
Oh, God! No, no please. Wag naman sana. I can't afford to lose her. She's all that I have.
“Mommy!”
Agad akong napalingon nang marinig ko ang boses ng anak ko. Nakita ko siyang malapit sa cotton candy stall. May lalaking nakaluhod sa harap niya pero hindi ko makita kung sino dahil nakatalikod ito sa akin.
“Oh my god, Gaia! I told you na wag kang aalis doon! God! You made me worried.” sabi kong maluha luha pa.
“I'm sorry, mommy. I was just watching them making cotton candy. Its looks cute, right? How can they make a bear cotton candy? It's amazing!"sabi nito habang manghang-mangha sa ginagawang cotton candy. Napatawa na lamang ako.
“Is… Is she your daughter?”
Nawala ang ngiti ko nang marinig ang malamig na boses na iyon. Kahit hindi ko lingunin ay kilalang-kilala ko kung sino ang nagma may-ari noon. Kinabahan ako at hindi kaagad makagalaw. Ito na ba? Ito na ba ang araw na kinatatakutan kong mangyari?
“Rae....”