Chapter 14

1704 Words
Pumasok kami sa isang gubat na hindi ko mawari kung anong lugar na ito. Hawak-hawak pa rin ni Zephyr ang isa kong kamay. "Malayo pa ba? Bakit kasi hindi na lang tayo naglakad, huh?" reklamo ko. Hanggang ngayon gubat pa rin kasi itong nilalakaran namin. Siguraduhin lang talaga niya na nasa tama kaming daan at alam niya kung saan kami pupunta kung hindi masisipa ko siya sa mukha. "Konting tiis na lang malapit na tayo," sagot niya. Kanina pa kaya niya sinasabi ang malapit na pero hanggang ngayon hindi pa rin kami nakakarating. "Bumalik na lang kaya tayo," suggestion ko. Huminto siya sa paglalakad at ganoon din ako. "Nope, gusto kong makita mo ang lugar na iyun," sagot niya. Napatango na lang ako. Maglalakad na sana ako pero bigla siyang umupo. "Oh, ginagawa mo? Akala ko ba malapit na lang. Bakit nakaupo ka pa diyan?" sabi ko. Lumingon siya sa akin. "Sakay na," sambit niya. "Ano?" Napalingon ako sa paligid. "Wala namang sasakyan ah," nagtataka kong sabi. May nakikita ba siya na hindi ko nakikita? "Ang engot mo din minsan, noh? Sa likuran ko sumampa ka at bubuhatin na lang kita," sabi niya at itinuro ang kaniyang likod. "Linawin mo kasi ang sinasabi mo!" "Bakit ka sumisigaw? Baka may mabulabog kang mga nanahimik na kaluluwa dito," naka ngisi niyang sambit. Hindi niya na ako matatakot sa mga sinasabi niya na pawang kasinungalingan lamang. "Sasakay ka ba o hindi. Baka gusto mong iwan na lang kita dito?" pagbabanta niya. Sumampa naman na ako sa kaniyang likuran. "Kumapit ka ng mabuti." Yumakap ako sa kaniyang leeg tsaka siya tumayo. "Papatayin mo ba ako sa higpit ng hawak mo, huh?" sabi niya na para bang nasasakal siya. Niluwangan ko naman ang pagkakayakap sa kaniyang leeg. "Sorry naman. Natakot lang ako baka mahulog mo ako," tugon ko. "I will not let that happen. Sa akin ka lang mahuhulog hindi sa damuhan—ouch bakit ba ang hilig mong manakit?" natatawa niyang sabi. Humihirit na naman siya eh pero hindi ko maiwasang kiligin sa kaniyang sinabi. Ipinagpatuloy na niya ang kaniyang paglalkad habang buhat-buhat ako sa kaniyang likuran. Bigla naman akong naawa sa kaniya. Hindi kaya siya nabibigatan sa akin? Mas mabuting naglakad na lang sana ako. "Ibaba mo na lang kaya ako. Maglalakad na lang ako," sabi ko. "Hindi na kailangan malapit na tayo. Tingnan mo 'yun." Napatingin ako sa unahan at nakikita ko na ang dulo ng gubat. Sa wakas nakarating na rin kami. Anong klaseng lugar naman itong pinuntahan namin? Nang lumagpas na kami sa gubat ay napa wow agad ako dahil sa sumalubong sa aming napaka gandang lugar. Totoo ba itong nakikita ko? Para itong isang paraiso dahil sa ganda ng lugar na ito. Ibinababa naman na ako ni Jayden. Naglakad ako papalapit upang masilayan ng maayos ang lugar. Tinatangay ng hangi ang aking mga buhok. "Zephyr, ang ganda dito!" sigaw ko sa kaniya. "Sinabi ko naman sayo na magugustuhan mo sa lugar na ito. But be careful nasa mataas tayong lugar," sabi niya. Tama siya nasa mataas kaming parte nitong lugar. Mayroon pang nasa ibaba. Mayroon pa akong natatanaw na isang water false sa ibaba. Gusto kong pumunta doon pero paano naman kami bababa doon. "Tara." Napalingon ako kay Zephyr. "Saan?" tanong ko. "Sa ibaba," sagot niya at inabot ang aking kamay at hinila ako. "Paano naman tayo makakababa doon?" "Basta sumunod ka. Makikita mo," sagot niya. Hindi na ako nagtanong pa at hinayaan na lang siya. Naglalakad kami muli sa loob ng gubat at lumiko. Hanggang sa isang kuweba ang nakita ko. Teka, papasok ba kami diyan? Huminto ako sa paglalakad na siyang ikinalingon niya sa akin. Balak talaga niyang pumasok sa loob pero ang dilim na sa loob. Paano kung may mga wild animal sa loob niyan? "Bakit?" "Ang dilim kaya ng loob," sagot ko. "Ayaw ko na. Hindi na ako tutuloy kung ganiyan kadilim ang loob." Medyo humigpit ang pagkakahawak ng kaniyang kamay sa kamay ko. "Maniwala ka, walang mangyayaring masama sa atin sa loob. Ako ang bahala sayo," pagpapagaan niya sa aking kalooban. "Akin na ang cellphone mo," utos niya. "Bakit kailan mo pa ng cellphone ko? Meron ka naman hindi ba?" angal ko. "Naiwan ko ang akin. Gagamitin natin ang flashlight ng cellphone para may ilaw tayo sa loob," paliwanag niya. Hinalungkat ko naman ang dala kong shoulder bag at ibinigay sa kaniya ang cellphone ko. Nang ma-open na niya ang flashlight ay pumasok na kami sa loob. Napahigpit ako ng hawak sa kamai ni Zephyr. Nakakatakot kaya ang loob. Para talagang may nakatira dito na hindi ko alam kung ano? Nakaalalay lang sa akin si Zephyr dahil pababa kasi ang daanan. Hindi makita sa kaniyang mukha ang takot. Malamang ay sigurado na siya sa kaniyang sarili na walang mangyayaring masama sa amin dito. Huminto na kami sa pagbaba. Nakita kong nasa patag na kami pero saan na kami lalabas. Kubong na kasi ang lugar at wala na kaming paglalakaran pa. "Dito ka lang." Pinigilan ko naman siya sa pamamagitan ng paghawak sa kaniyang kamay nang balak niya akong iwan. "Saan ka pupunta. Huwag mo akong iwan." "Hindi ko gagawin 'yan. May gagawin lang ako para makalabas tayo dito," tugon niya. Binitawan ko naman na siya at pumunta siya sa harapan. Hinawakan niya ang pader na parang may hinahanap dito hanggang sa may hinila siya patagilid. May linawanag na pumasok sa madilim na lugar na kinalalagyan namin at tuluyan ng nagkaroon ng daan. Napahanga ko sa aking nasilayan. Isang sekretong daan. Nakakahanga naman. Hindi ko inaasahan na may ganitong lugar palang alam si Zephyr. "Ano? Bilib ka na?" mayabang niyang sabi. "Oo na. Pero saglit lang Zephyr, hindi ba tayo trespassing dito?" nag-aalala kong sabi. Baka naman isang forbidden place itong napuntahan namin. "Hindi, ang lugar na ito ay tayong dalawa lang ang nakakaalam," sagot niya na siyang ikinalito ko. Aba! Inaangkit ba ng lalakeng ito ang magandang na ito. "Tara na." Hinawakan na niyang muli ang aking kamay. Nakakarami na siya, ah. Nang makalabas na kami sa kuweba ay sumalubong na naman ang ganda ng tanawin sa amin at ang masarap na simoy ng hangin. Nakasunod lamang ako kay Zephyr hanggang sa huminto kami sa water falls na nakita ko sa itaas. Sobrang tuwa ang naramdaman ko at agad na lumapit sa tubig. Tinanggal ko ang shoes kong suot at medyo inulublob ang isa kong paa. Sakto lamang ang lamig ng tubig kaya parang ang sarap maligo dito pero dahil sa naisip kong wala akong dalang damit ay inulublob ko na lang ang aking dalawang paa at umupo sa batohan. Umupo naman sa aking tabi si Zephyr at inilublob din ang kaniyang paa sa tubig. Grabe talaga napaka ganda ng lugar na ito. Rinig na rinig ko ang ingay na pag bagsak ng tubig galing sa tuktok ng water falls at para sa akin napaka ganda nitong pakinggan sa tenga. "Maganda ba?" Sobrang tango ang itinugon ko sa kaniya. "Paano mo pala nalaman ang lugar na ito?" tanong ko. Tumingin ito sa akin. "Labindalawang taong gulang ako nang maligaw ako sa gubat na nilakaran natin kanina," pang uumpisa niya. Huh? Seryoso ba siya sa sinabi niyang 'yan. Naligaw na siya sa gubat na 'yun? "Nagmamatapang pa ako noon na kaya kong lumabas nang walang tulong ng iba pero nagkamali ako. Tumagal pa ako ng dalawang araw hanggang sa hindi ko sinasadyang mapunta sa lugar na ito. Dito ko napawi ang uhaw at gutom ko. Sa pagdaan ng isang linggong pananatili dito ay sa wakas nakabisado ko na ang lugar at ayun na nga tuluyan na akong nakabalik," kwento niya. Gulat naman ang masisilayan sa aking mukha dahil sa kaniyang ibinahagi. Hindi ba siya nagbibiro? Nakayanan niyang makabalik na siya lamang. "Seryoso ka ba?" tanging nasabi ko lang. As in hindi ako makapaniwala. "Mahirap bang paniwalaan? Prfft...anong klaseng mukha 'yan?" natatawa niyang sabi. "Hindi ko lang talaga inaasahan na nangyari sa iyo ang bagay na iyun. Mabuti na lang talaga at nakalabas ka. Oh my...parang ayaw ko nang bumalik pa sa gubat na iyun dahil sa sinabi mo." Nakakatakot na bumalik sa gubat na iyon. Ngunit hindi maiitangging sa dulo ng gubat ay may nakatagong napaka gandang lugar. Nang nagsawa kami sa panlilibot sa lugar ay napagdesisyunan na naming umuwi. Inabutan na kami ng gabi pagkarating namin sa Farm. Inihatid naman na ako ni Zephyr sa bahay ni Tito. "Kamusta ang date niyo ni Zephyr?" salubong sa akin ni Samantha. "Anong date ang sinasabi mo diyan? Hindi kaya," tanggi ko pero sabagay matatawag na ring date ang ginawa naming araw na ito. "So, alam mo na rin ba ang tungkol kay Clara at kung meron nga bang namamagitan sa kanilang dalawa?" ngiting ngiti niyang sabi. Tumingin ako ng seryoso sa kaniya. "Alam mo na ang lahat sa umpisa pa lang, tama ako diba?" "Hahaha," napahalakhak siya ng tawa. Sabi na nga ba, eh. "Kung alam mo na sa umpisa pa lang na pinsan ni Zephyr si Clara sana sinabi mo man lang sa akin. Eh sana hindi niya ako nabuking na..." "Na? Nagseselos ka!" Sigaw niya. "Shhh...tumahimik ka nga baka mayroong makarinig sayo," saway ko sa kaniya. Tawang tawa naman niya akong tiningnan. Nakakahiya talaga, pinagselosan ko pa ba naman ang pinsan ni Zephyr at malala pa ay ang sama kong nakitungo kay Clara kanina. Baka isipin nun na isa akong masamang babae o kung ano-ano na. "Mahal mo na ba?" tanong niya na aking ikinatahimik. Napaisip ako dahil sa sinabi niya. Mahal? Mahal ko na ba siya? Napailing iling ako. "Hindi ko alam pero nasisiguro kong nakaramdam ako ng saya tuwing siya ang kasama ko, that's all. As for now, I don't really sure about my feelings for him," paliwanag ko. "Pero ako nasisiguro kong kayo ang nakatadhana para sa isa't isa. Balang araw mapapagtanto mo rin sa sarili mo na mahal mo siya," sabi niya na aking ikinangiti. Hindi man ako sigurado sa ngayon alam ko balang-araw magiging malinaw na apra sa akin ang nararamdam ko para kay Zephyr. Umakyat na ako sa second floor upang pumunta na sa aking kuwarto. Humiga ako sa aking kama at napatingin sa kisami. Napaka saya ko ngayong araw na ito at si Zephyr ang nagparamdam sa akin ng mga iyun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD