Chapter 1
"Nico," I called his name when I heard his voice outside of my room. Bago ko buksan ang pinto ay napasulyap pa ako sa orasan dahilan upang mangunot ang aking noo. Pasado alas dos na ng madaling araw pero bakit naririnig ko ang boses nito? Dahan-dahan kong binuksan ang pinto habang hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.
"Nico," I called his name again and I looked around but I saw no one here. Urgh, Maybe I was just imagining that I heard her voice. Maybe I'm just excited about Nico and I's wedding tomorrow kaya siya ang unang pumasok sa isip ko. Tatalikod na sana ako nang marinig muli ang boses niya na tila may kausap ito at lalo lamang itong lumalakas. Hindi na ako nag-hesitate pa at sinundan kung saan nanggagaling ang boses. Habang dahan-dahan akong naglalakad ay siya namang panlalamig ng aking katawan. Why do I feel this way? At parang unti-unting naninikip ang aking dibdib.
Nang nasa tapat na ako ng isang pinto kung saan ako dinala ng aking mga paa ay napahawak ako sa aking dibdib dahil ramdam kong mas lalo lamang itong nanikip. Before I could touch the doorknob I heard a woman moan which made me nervous. Who's that? What's going on inside?
Kahit na nanginginig na ang aking kamay ay pinilit ko paring buksan ang pinto. Nang malaya ko ng nasisilayan ang nasa loob ay agad na lamang akong napatakip sa aking bibig. Si...si Nico may katalik na ibang babae. Hindi...hindi ito maaari. Hindi ito totoo.
"Esmae, anak gising na."
Napabalikwas naman agad ako ng bangon nang maramdamang may kumakalabit sa akin. I looked at my Mom's face and I hug her tight.
"May problema ba?" she asked on me. Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kaniya at ngumiti.
I took a deep breath. "I had a bad dream but don't worry about me, mom. I hope that what I dreamed does not happen." Hindi ko kakayanin kung sakaling mag-cheat sa akin. Hanggang ngayon nararamdaman ko parin ang panlalamig ng aking katawan.
Umupo naman si Mama sa kama ko bago abutin ang isa kong kamay. "Huwag ka nang mabahala sa kung anuman ang iyong napaniginipan. Ang Panaginip ay kabaliktaran sa totoong buhay." tugon niya.
"I hope so."
"Esmae, anak dapat maging masaya ka. Nakaligtaan mo na bang ngayon ang espesyal na araw mo, ang kasal niyo ni Nico?" paliwanag niya na siyang ikinataranta ko.
"Oh my gosh, Mama I forgot about it. What time is it?" nagmamadali kong tanong sa kaniya. Shocks, hindi pa ako nakakapag-ayos. Paano na?
"Hey, calm down. 5:10 palang ng umaga kaya huwag kang mag-panic, okay," natatawang niyang sabi. Nakahinga naman ako ng maluwag nang marinig iyon sa kaniya. Kinakabahan ako doon, ah.
"Sige na, ayusin mo na ang kama mo at sumunod ka na sa akin sa ibaba. Naparito lang ako para gisingin ka. Baka kasi ako ang sisihin mo kapag nahuli ka sa araw ng kasal mo." Marahan akong tumango sa kaniya at dali-daling inayos ang kama ko. My Mom is right, I should be happy today because this is what I have been waiting for most of all, to marry Nico, the man I love.
"Ate, look oh. Is it beatiful?" Salubong sa akin ng pinaka-cute kong kapatid, si Zuri. Nandito kami ngayon sa sala. Mamaya pa naman ako magpapaayos dahil kasalukuyan palang inaayusan sina Mom and Dad.
Napahawak ako sa aking chin at iniinspeksyon ang gown nito. "Hmm, okay na," sambit ko. Napatawa naman ako sa naging reaksyon niya sa sinabi ko. Ang gusto kasi nito parati siyang natatawag na maganda maging ang mga gamit niya.
"Ate, okay lang?" nakasimangot niyang tanong.
Lumuhod ako para mapantayan siya. "Of course you are the most beautiful girl that I know and that gown also." Dahil sa sinabi ko ay nagsisitalon na siya sa tuwa.
"Mas maganda pa sa iyo, ate?" she asked, giggling.
"Ahh, so gusto mo ng kiliti?" I asked instead.
"Whaaa!" Agad siyang tumakbo papalayo sa akin. Umakto naman akong huhuliin siya.
"No, Ate! I'm just joking!"
"Joke pala iyon, bakit hindi ako natawa, huh?" Bigla akong lumapit sa puwesto niya pero agad din siyang nakatakbo.
"Waah, help me!" sigaw niya habang tumatakbo paikot dito sa sala.
"Anong nangyayari dito?"
"Ate, Karina!" Lumapit naman agad si Zuri kay Karina. Nakasuot na rin siya ng dress.
"Hi baby girl. Wow you're so beautiful," sabi niya.
"Ikaw din ate ang ganda niyo," tugon naman ni Zuri.
"Puwede bang kausapin ko na muna ang ate mo? May sasabihin lang akong importante sa kaniya." tanong ni Karina kay Zuri. Ano namang importante na kailangan niyang sabihin sa akin?
"Opo, ate," tugon niya bago umalis at pumunta sa guest room kung saan inaayusan sina Mom and Dad.
Ibinaling ko naman ang tingin ko kay Karina. "Anong gusto mong sabihin?" diretsyahan kong tanong. Umupo na muna siya sa sofa at ganoon din ako. Ngayon ay magkatapat kami. Katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa hanggang sa siya na ang bumasag sa katahimikan.
"Ayaw kong sirain ang wedding day mo ngayon pero..." huminto siya sa sinasabi niya and then she sighed. Ako ay nanatili lamang tahimik habang hinihintay na ituloy ang nais niyang iparating. "...nakita ko si Nico na may kasamang ibang babae,” seryoso niyang sabi.
Sarkatiko naman akong tumawa at tumingin sa kaniya. "Bakit mo ito ginagawa, Karina?" seryoso ko ring tanong.
"Maniwa ka sa akin, totoo ang sinabi ko. Nakita ko nang malinaw kung paano niya halikan ang babaeng kasama niya kanina—" Napatayo agad ako na siyang ikinahinto niya sa pagsasalita.
"Tumigil ka na." Masama akong tumingin sa kaniya. "Do you still love Nico?" I asked on her.
"Anong klaseng tanong 'yan, Esmae?"
"Dahil iyun lang ang nakikita kong dahilan kaya mo 'yan nasasabi sa akin! Gusto mong sirain ang wedding day ko para balikan ka ni Nico!" bulyaw ko sa kaniya. I can't believe her. Sa araw pa talaga na ito. Alam kong siya ang unang naging girlfriend ni Nico pero akala ko naka-move on na siya. Bakit?
"Mali ka ng akala. Hindi ko ninais na balikan pa siya. Alam mo ba? Ang maging boyfriend siya ay ang bagay na pinagsisisihan ko sa lahat dahil nagpakatanga lang ako sa kaniya. Sinasabi ko ito sa iyo bilang kaibigan mo na ayaw kang masaktan," pagpapaliwanag niya. Hindi ko alam...hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba siya o hindi pero susundin ko ang nais ko. Itutuloy ko pa rin ang kasal kahit na anong mangyari. Buo na ang desisyon ko at hindi na iyon magbabago.
"But still, I don't believe you," huli kong sabi bago siya iwan at pumunta sa guest room. May part sa akin na gusto ko siyang paniwalaan pero nangingibabaw parin ang kagustuhan kong magpakasal sa lalakeng mahal ko. Napahinto ako sa tapat ng pinto ng guest room. Muli ko na namang naalala ang nasa panaginip ko. Hindi...hindi niya ako magagawang lokohin. Naniniwala ako sa kaniya at dapat sundin ko ang nasa puso ko.
"Anak, nandiyan ka na pala. Halika na sa loob." Napatingin ako kay Papa na ngayon ay nasa aking harapan. Ngumiti ako sa kaniya para maitago ang nararamdaman kong kaba. Tumabi naman si Papa upang bigyan ako ng daan papasok sa loob.
"Oh, ayan ang ganda mo na." sabi ng makeup artist na nag-ayos sa akin. Namangha naman ako sa sarili kong repleksyon sa salamin. Maging ako ay parang hindi ko nakilala ang aking sarili.
"Ang ganda naman ng anak ko," Dad said
"Saan pa ba magmamana ang anak natin, sa akin lang naman," hirit ni Mama.
"Anong sa iyo lang? Sa akin kaya niya namana ang ganda ng mata niya," angal ni Papa habang bukas sara nito ang talukap ng kaniyang mata. Hindi ko naman maiwasang mapatawa dahil sa inakto niya.
"No! Ako ang kamukha ni Ate!" singit naman ni Zuri.
"Zuri is right! Siya kaya ang kamukha ko, noh," sabi ko. Hindi ko alam kung maaawa ba ako o matatawa sa itsura nila ngayon. Para silang pinagbagsakan ng langit at lupa. Hahaha! Ang cute nilang tignan sa isa't isa. Bigla namang binuhat ni Papa si Zuri at kiniliti ito. Nakangiting pinapanood naman ni Mama sina Papa at Zuri. Nakakatuwang isipin na nagkaroon ako ng isang pamilyang tulad nila. Isa lamang ang hinihiling ko para sa aking pamilya, iyun ay ang makasama ko sila ng matagal.
Pagkatapos akong ayusan ay aking isinuot ang gown ko. Nang makuntento ako sa aking repleksyon sa salamin ay nagdesisyon na rin akong lumabas. Hindi nagtagal ay sumakay na ako sa puting kotse. Nauna na sina Mama at Papa sa simbahan kung saan gaganapin ang kasal.
Ngayon ay nandito na kami sa tapat ng simbahan. Napabuga naman ako ng hangin dahil sa kabang nararamdaman ko. Ganito ba talaga ang pakiramdam kapag ikakasal ka na sa taong mahal mo? May saya at kabang nararamdaman. Alam ko na naging mabilis ang desisyon naming magpakasal pero heto na, nakahanda na ang lahat at wala ng atrasang mangyayare dahil parehas naman kaming pumayag ni Nico sa pagpapakasal namin.
Binuksan na ni manong driver ang pinto ng kotse. Tumungo naman na ako sa malaking pintuan ng simbahan. Ilang sandali pa ay bumukas na ang pinto at aking nasilayan ang nakangiting mukha ng mga taong naging mahalaga sa akin. Bumuntong hininga ako dahil sa kaba at lubos na kasiyahan na bumabalot sa aking puso. Kasabay ng isang musika ay siya namang dahan-dahan kong paglakad patungo sa lalakeng nasa unahan, ang lalakeng mahal ko, na ngayon ay papakasalan ko.
Habang ako'y patungo sa altar ay bigla na lamang naglaho ang ngiti sa aking labi nang mahagip ng aking mga mata si Karina na seroyosong nakatingin sa akin. Para bang ipinapahiwatig ng mga tingin nito na hindi siya masayang makita ako na ikakasal kay Nico. Ngunit wala ng makakapagpabago pa ng isip ko.
"Ikaw, Esmae Bell, tinatanggap mo bang kabiyak si Nico Ward at magsasama kayo habangbuhay, sa hirap man o ginhawa?" tanong ng pari sa akin.
"Opo. Tinatanggap ko, Father." tugon ko.
"Ikaw, Nico Ward, tinanggap mo bang kabiyak si Esmae Ward at magsasama kayo habangbuhay, sa hirap man o ginhawa?" tanong naman ng pari kay Nico. Ngunit nakatingin lamang ito sa akin at walang kahit na anong tugon ang ibinigay niya. Ngayon ko lang napansin ang pagkabalisa nito. Anong nangyayare sa kaniya? May sakit ba siya?
"Inuulit ko. Ikaw—"
"Sorry," pagpuputol ni Nico sa sasabihin ng Pari na siyang ikinakaba ko. Nakikita ko rin kung paano mag-alala ang mga tao na nanonood sa amin.
"Nico? What do you mean? Why are you apologizing?" Takhang tanong ko sa kaniya. Unti-unti namang napapalitan ng lungkot ang sayang nararamdaman ko. Bakit? Bakit siya ganito? Bakit parang may mali sa kaniya? Hinawakan nito ang isa kong kamay at maigi akong tinignan. Nakikita ko sa mga mata nito ang lungkot sa kaniya.
"I'm sorry. You deserve so much better than me," turan niya habang dahan-dahan niyang binitawan ang aking kamay pero ng bumitaw na siya ay agad ko rin siyang hinawakan sa kamay para pigilan ito sa balak niya.
"No, please...please don't do this to me. Please Nico, dont leave me," garalgal ang boses kong pakiusap sa kaniya. Hindi...hindi niya puwedeng gawin ito sa akin. Pilit naman niyang tinatanggal ang pagkakahawak ko sa kaniya at dahil sa nanghihina na ako ay napabitaw na ako.
"Nico!" buong lakas kong sigaw sa kaniya nang bigla siyang tumakbo papaalis. Agad din naman akong tumakbo para sundan siya habang patuloy lang ang pagbagsak ng aking mga luha. Narinig ko naman ang boses nina Papa at Mama pero patuloy parin ako sa pagtakbo. Nang nasa labas na ako ay nakita ko pa si Nico na papasok na sa isang kotse.
"Nico, please I'm begging you!" Patuloy lang ako sa pakikiusap sa kaniya pero huli na dahil nakaalis na ang kotseng sinakyan niya. Napaupo na lamang ako sa sahig habang humahagulhol sa iyak. Iniwan na niya ako at sa araw pa ng kasal namin. Bakit? Anong nagawa kong mali at kailangan niya akong iwan? Naramdaman ko naman ang mahigpit na yakap ni Mama sa akin. Walang tigil sa pag-agos ng aking mga luha dahil sa sakit na ipinaramdam niya sa akin.