Chapter 2

1849 Words
"Esmae, anak please open the door," pagpupumilit ni Mama sa akin na buksan ko ang pinto. Magmula kahapon at hanggang ngayon ay nanatili pa rin akong nasa loob ng aking kuwarto. Padapa akong nakahiga sa aking kama habang yakap-yakap ang isang unan. Namumugto na rin ang aking mga mata dahil sa buong gabi akong umiyak. Punong-puno ang aking dibdib at tila gusto ng sumabog. Gusto kong sumigaw, magwala para lamang maibsan ang sama ng loob at galit sa aking dibdib. Hindi ko maintindihan kung bakit ano ang naging pagkukulang ko para ako'y iwan niya. Ang akala ko ay naging masaya kami sa isa't isa pero isa lamang pala iyung malaking akala dahil ang totoo ay ako lang ang naging masaya at umasa. Gusto kong sisihin ang sarili ko kung bakit nangyare na iniwan ako ni Nico? Masyado ba akong nagmadali? "Anak...buksan mo ang pinto, sasamahan ka ni Mama," muling pakiusap ni Mama at nakailang ulit din siyang kumatok sa pinto ngunit hindi ako sumagot. Gusto ko na munang mapag-isa. Alam kong umiiyak din siya dahilan upang ma-guilty rin ako na naaapektuhan sila sa nangyari. Sa ngayon ayokong makita nila ako sa ganitong sitwasyon dahil ikadudurog lalo ng aking puso kung paano sila nasasaktan at naaawa sa akin. Pagsapit ng alas siyete ng gabi. "Anak, si Mama ito. Please buksan muna ang pinto. Nag-aalala na kaming lahat sa iyo." Naalimpungatan ako nang muli kong marinig ang boses ni Mama. Bukas-sara ko naman ang talukap ng aking mga mata bago dahan-dahang umupo mula sa pagkakahiga. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. "Esmae." Napalingon ako sa pinto nang tawagin muli ni Mama ang pangalan ko. Hindi naman na ako nakatiis at tumungo sa pinto upang pagbuksan siya. "Esmae, anak," naiiyak na sambit niya at hinawakan ang aking pisngi. Napahikbi ako. "Mama," At hindi na ako nakatiis pang yakapin siya ng mahigpit. Hindi ko namang napigilan ang umiyak. "Shhh, tahan na, nandito lang ako para samahan ka." Habang yakap-yakap ko siya ay hinahagod naman nito ang aking likod para patahanin ako. Mas mabuti siguro ito na may makakasama ako kesa naman ang kimkimin ko ang sakit. Ilang minuto rin ang tinagal ng pagkakayap namin. Yakap na punong-puno ng pagmamahal at pagkalinga na aminado naman akong kumalma ang aking kalooban. Nang huminahon na ako sa pag-iyak ay umupo na muna ako sa kama. May kasama pala siyang maid na may dala-dalang pagkain. Magmula kasi nang makauwi kami ay hindi na ako nakakain pa dahil ninais ko na lamang ang magkulong sa kuwarto. "Ayan, kumain ka na muna. Sige na, ipinagluto pa naman kita ng paborito mong ulam, oh." Pilit naman akong ngumiti at sinuklian naman niya ito ng matatamis niyang ngiti. Kahit na itago niya sa akin ay alam kong pinipilit niya lang ang sarili nito na hindi umiyak sa harapan ko dahil kung bumigay siya ay alam din niyang panghihinaan lang ako ng loob. Inabot ko na ang plato na may lamang pagkain at inumpisahan ng kumain. Nanatili lang nakatayo si Mama habang pinapanood ako. "Kain ka lang ng kain, ah. Dapat hindi ka nagpapalipas ng gutom. Ikaw na bata ka, alam mo bang muntikan ko ng ipasira ang pintuan kanina dahil sa sobrang pag-aalala ko. Esmae, huwag mo naman akong pag-aalalahanin dahil ikakamatay ko kung may nangyareng masama sa iyo." "I'm sorry Ma," ang tanging naisagot ko lang "Wala kang ikahihingi ng patawad sa akin dahil wala ka namang nagawang masama,” saad niya. "Pero pinag-alala ko kayo," nakayuko kong sabi. Umupo siya sa tabi ko. "Likas na tungkulin ng mga magulang ang mag-alala sa kanilang mga anak. Esame, ayokong mabaon ka sa lungkot na iyong nararamdaman. Kung ako ang nasa sitwasyon mo, iiyak din ako pero maiisip ko na hindi siya worth it sa bawat patak ng luha na bumabagsak sa mga mata ko at ngayon kung nais mo pa ring umiyak mas lalo mo lamang sasaktan ang sarili mo. Tsaka para mo na ring sinabi na siya ang nanalo at ikaw ang natalo. Gusto mo ba iyon, na habang siya ay masaya sa pinili niyang landas at ikaw ay patuloy pa rin ang pagpapahirap sa iyong sarili. Alam kong masakit pero maghihilom pa rin ang sugat na iyan gaano man kalalim ang nilikha nito sayo," mahabang pagpapaliwanag niya sa akin. Muli ay niyakap ko nang mahigpit si Mama. Kahit papaano ay napagaan niya ang kalooban ko at nagpapasalamat ako na nandito siya para ako'y samahan niya sa oras na sobrang nasasaktan ako. Nang matapos ako sa pagkain ay bumaba na muna si mama para tignan si Zuri. Bago iyon ay ibinilin niya pang huwag na huwag na akong magkukulong dahil kung hindi ay talagang ipapasira na niya ang pinto para sa ganoon daw ay free lang daw siyang pumasok. Napatawa na lamang ako dahil sa sinabi niya. Kahit na nasa sitwasyon na akong pabagsak dahil sa dinidimdim kong sakit ay nakakayanan ko paring tumawa at dahil iyun sa aking mga magulang na alam kong totoong mahal na mahal ako. Napalingon ako sa pinto ng may kumatok dito ngunit napaiwas din ako ng tingin. Hindi ko siya kayang tignan pagkatapos nang hindi ako naniwala sa sinabi niya. Ang tanga tanga ko, bakit ko pa pinaabot sa kasal? Kung sana sa umpisa pa lang ay pinaniwalaan ko na siya. Sana...sana hindi na ako naging kahihiya sa harap ng maraming tao na tinakbuhan ng bidegroom ko. "Sinabi ni tita na medyo okey ka na raw kaya pumunta ako dito para bisitahin ka," sabi ni Karina pero nanatili pa rin akong tahimik. Hindi ko kasi alam kung ano ang sasabihin sa kaniya. Bumuntong hininga siya. "Nais ko lang na masigurong okey ka pero kung hindi ka kumportableng kausapin ako ngayon, okey lang. Sige na aalis na ako." "Wait," sambit ko dahilan upang huminto siya. "I'm sorry...sorry because I accused you that you still love Nico. I'm supid, kung sino pa ang gusto akong tulungan ay siya pa itong hindi ko pinagkatiwalaan. Sorry Karina—" "Hey, tama na, hindi ka dapat mag-sorry dahil wala kang nagawang kasalan sa akin. Ang dapat na humingi ng sorry ay ang walang kwentang naging ex-boyfriend mo," sabi niya. "Na naging boyfriend mo rin," tugon ko. "Yeah, I know," mabilis niyang pagtugon. Napangiti naman ako dahil sa naging reaksyon nitong nasusuka. "Grr, ang lalakeng iyon nakakasuka ang pagkatao. Huwag na huwag lang siyang magpapakita sa akin talagang kung hindi masasabunutan ko siya nang bonggang-bonga at mapapatay ko talaga siya," nanggagalaiti niyang sabi. Nagulat naman ako sa huli nitong sinabi. "Hindi ka naman seryoso sa sinabi mong papatayin mo siya, 'di ba?" "Oo naman, noh. Kahit na kating-kati na ang aking palad na patayin siya, ayoko pa ring madumihan ang sarili ko ng nakakadiri niyang dugo," sabi niya habang hindi naman maipaliwanag ang mukha nito. Napailing-iling na lamang ako. "Anong plano natin?" tanong niya sa akin dahilan upang malito ako sa kung anong ibig sabihin niya. "Plano?" takhang tanong ko. Ngumiti siya. Ngiting nagpapahiwatig na may balak itong masama. "Magpapatawag na ba ako ng papatay sa lalakeng iyon?" Ano? Ayaw niyang patayin sa sarili niyang kamay kaya heto ang naisip niya. "Tumigil ka na nga sa salitang papatayin. Walang mamatay, maliwag ba?" saad ko. Hindi kasi komportable para sa akin ang marinig na may mamatay o papatayin dahil ipinapaalala lang nito ang nakaraan ko na matagal ko nang kinalimutan pero bakit sumagi na naman sa aking isipan. "Sorry, nagbibiro lang ako. Hindi naman ako mamatay tao," paliwanag niya. "Hindi magandang biro," seryoso kong sabi. Ngayon ay parang gusto na namang magsibagsakan ang aking mga luha pero hindi na ito dahil kay Nico. s**t talaga, bakit ko na naman ba naalala at kailangan ngayon pa? "Si Nico pa rin ba ang pinag-uusapan natin dito o iba na?" Naiiyak akong tumingin sa kaniya na siyang ikinataas ng kaniyang kilay. "I knew it. Wala na sa usapan natin si Nico at nabaling na sa iba. You know what? Esmae, Mas lalo mo lamang pinapahirapan ang sarili mo," sabi niya. "Alam ko at kasalan mo iyon," paninisi ko sa kaniya pero hindi ako naiiyak dahil sa kalungkutan kung hindi ay sa mga masasayang araw na bumalik muli sa akin. "Kasalan ko bang hindi mo pa siya tuluyang nakakalimutan, huh?" Oo, itinatak ko na sa utak kong kalimutan na siya pero may parte pa rin sa akin na gusto siyang alalahanin. Kung buhay pa ba siya ngayon magiging masaya kaya kami at hindi si Nico ang minahal ko? Siguro nga kung nandito siya ngayon ay hindi ako masasaktan ng ganito at nagpakatanga kay Nico. Sa susunod na buwan na pala ang ang kaarawan nito. Maging sa libingan niya ay hindi ko siya kayang dalawin dahil sa pinili ng kaniyang mga magulang na sa America siya ilibing. Mabigat sa akin na sa huli nitong hininga ay hindi ko man lang siya nakita. Kinabukasan ay naghahanda na ako ng breakfast namin. Nagising kasi ako ng maaga kaya heto gusto kong bumawi sa kanila. Alam kong sobrang pag-alala ang naramdaman nila dahil sa akin at ayaw ko namang tumagal iyon. Kahit na masakit pa rin sa akin ang nangyari ay pipilitin ko paring ipakita na okey ako. "Wow! Ate, ikaw po ba nagluto nito?" salubong sa akin ni Zuri na ngiting-ngiti. "Oo naman at tsaka masarap ang mga niluto ko," tugon ko. "Mabuting bumalik na sa dati ang anak ko. Mamaya pupunta ako sa lalakeng nang iwan sa iyo at gagawin kong punching bag ang mukha niya," saad ni papa habang sumusuntok sa hangin. Tumingin ako sa kaniya na nakasimangot. "Papa naman," sambit ko sa kaniya. "Ano? Gusto mo bang tayo na lang dalawa ang mambugbog sa kaniya para naman matauhan siya—aray ko naman honey." "Magsitigil ka nga diyan," angal ni Mama. Napakamot naman sa ulo si Papa bago umupo. Napapangiti na lang din ako. Masasabi kong biyayang nagkaroon ako ng mga magulang tulad nila dahil sila ang nagbibigay ng saya sa akin kahit na sa panahon na nababaon na ako sa lungkot. Nalaman ko rin pala kay Karina na pumunta sila kahapon sa bahay ng mga magulang ni Nico at nalaman kong hindi nila nadatnan si Nico maging ang mga magulang nito ay hindi alam kung nasaan na siya. "Anak, okey ka na ba talaga?” Napabaling naman ang atensyon ko kay Mama. Ngumiti at tumango ako sa kaniya bilang tugon. "Salamat kung ganoon." Hinawakan niya ang aking pisngi. "Tandaan mo, nasa tabi mo lang kami kapag kailangan mo ng tulong. Mahal na mahal ka namin." "Tama ang Mama mo. Nandito lang kami para sa iyo at hindi kami magsasawang intindihin at alalahanin ka dahil kami ang mga magulang mo na tunay na nagmamahal sa iyo." Sobra naman ang saya ko dahil sa sinabi ni Papa at Mama. Ganoon din ako, hindi ako magsasawang mahalin sila dahil tulad nga nang sabi ni Papa na sila ang totoong nagmamahal sa akin. "Ma, Pa, puwedeng payakap ako," sabi ko. Agad naman silang lumapit sa akin at niyakap ako. "Whuaa, ako rin!" singit ni Zuri at lumapit sa amin. Nag-group hug kaming apat. "I love you, ate," sambit ni Zuri na tinugunan ko naman ng isang ngiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD