"Esmae!" rinig kong tawag sa akin ni Samantha.
"Nandito ako!" sigaw kong pabalik sa kaniya.
Nandito ako ngayon sa kuwarto at pumipili ng damit na isusuot ko ngayon. Naramdaman kong pumasok si Samantha at umupo sa aking kama.
"Hindi ka pa ba naliligo?"
"Nahuli na kasi ako ng gising," sagot ko. Nang makapili na ako ng aking damit ay naglakad na ako papunta sa pinto ng banyo.
"Hindi ka ba nakatulog ng maayos, ha?" tanong niya na may ngiti sa kaniyang labi.
"Tigilan mo ako, Samantha. Sinasabi ko sayo," saad ko bago ko buksan ang pinto ng banyo at pumasok na sa loob. Alam ko na kung ano ang ibig sabihin ng mga ngiti niyang ganoon?
Ngayong araw pala may magaganap na malaking salo-salo para sa mga nakatira dito. Si Tito ang nakaisip ng ideang ito para naman daw magkaroon ng celebration sa magandang bunga ng pagsisikap ng bawat isa sa farm.
Nang matapos ako sa pagligo ay isinuot ko na ang simpleng puting dress na napili ko. Lumabas ako ng banyo at hindi ko na nakita pa si Samantha sa aking kuwarto.
"Ate."
Napahawak naman agad ako sa aking dibdib ng magulat ako kay Chloe. Paano ba naman hindi ko namalayan na nasa gilid ko siya at bigla-bigla na lang nagsalita.
"Nagulat ko po ba kita, ate?" malungkot niyang tanong. Bakit naman mukha siyang malungkot?
Umiling ako sa kaniya. "Anong bang ginagawa mo dito?"
"I'm look like a panget po kasi kung hindi na braid ang hair ko," malungkot pa rin niyang sabi. Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya. Lumuhod ako at pinantayan siya.
"Maganda ka pa rin naman kahit hindi na ka braid ang buhok mo."
"But still po ate ayaw ko pa rin." Nasaan ba ang Mommy nito? Si Samantha talaga ,oh.
"Sige, gusto mo ako na ang mag braid ng buhok mo?" Tumango tango naman siya. Inaya ko siya sa kama at pinaupo. Inumpisahan ko ng i-braid ang kaniyang buhok. Sumagi naman sa aking isipan si Zuri na mahilig ding magpa braid sa akin.
"Ayan tapos na. Mas lalo ka ng gumanda," sabi niya na siyang ikinatuwa niya.
"Yehey! Thank you po ate." Niyakap niya ako.
"Tara, sabay na tayong pumunta sa ibaba." Hinawakan ko na siya sa kaniyang kamay at sabay na kaming bumaba.
Tumungo na rin kami kung saan gaganapin ang salo-salo. Bumitaw naman sa akin si Chloe at nagpaalam na pupuntahan niya ang mga kalaro niya. Napatango naman ako sa kaniya.
Napatingin ako sa paligid dahil ang ganda ng pagkakaayos kahit simple lang ito. Makikita rin sa mukha ng bawat isa na napaka saya nila ngayong araw. Kung titignan ay parang napakabait ng mga tao na nandito.
"Aray," daing ko nang may bumangga sa akin.
"Ow sorry, paharangharang ka kasi sa daan eh." Tinignan ko ang babae na sarcastic na nakangiti sa akin. Binabawi ko na ang sinabi kong lahat ng tao dito ay mukhang mabait dahil itong kaharap mukhang hindi. Kampon yata ito ni satanas. Paharangharang sa daan? Napakaluwang kaya ng daan pero para niya akong sinasadyang banggain. Akala ba nito hindi ko siya lalabanan, huh?
Sarcastic akong ngumiti sa kaniya na siyang ikinasimangot niya. "Kung ako sa iyo Miss tumingin ka sa dinanaanan mo. Mukha kasing may problema ang mga mata mo," sabi ko at maglalakad na sana ng hawakan niya ako.
Pumalag naman ako sa kaniyang pagkakahawak dahilan upang mapabitaw siya sa akin. Mabuti at medyo malayo kami sa mga tao. Ang babaeng ito kasi hindi ko alam kung anong nagawa kong kasalan. Halata namang sinasadya niya akong banggain at huwag na huwag niya akong gagawing tanga.
"Mali yata ang binigay na impormasyon sa akin na isang mala anghel ang babaeng kaharap ko ngayon, Esmae right?" Nakataas kilay siyang nakatingin sa akin. Hindi ko inaasahan na makaka-encounter ng ganitong klaseng babae dito.
"Hindi mali kung sino man ang nagbigay ng information about me. Gusto kong sabihin na mabait ako sa mabait pero hindi ko yata kayang maging mabait sa tulad mong kampon ni satanas," sumbat ko. Nakita ko naman na nanggagalaiti na siya sa galit sa akin. What? Tama lang naman ang aking sinabi. Nagsasayang lang ako ng oras sa pakikiusap ko sa kaniya.
"Lumayo ka kay Zephyr." Napahinto ako sa paglalakad ng sabihin niya iyun. Lumingon muli ako sa kaniya. Bakit naman nasingit si Zephyr dito.
"Akin siya at wala ng ibang pwedeng lumapit sa kaniya kung 'di ako lang." Napatawa naman ako. So, si Zephyr ang dahilan niya kung bakit ako ang kinakalaban niya.
"Why are you telling me that? Hindi ko siya inaagaw sayo. Kung gusto mo sayong sayo na siya. Itali mo na rin siya sa leeg mo para makuntento ka," pagkasabi ko iyun sa kaniya ay naglakad na ako papaalis.
Urgh, ang lalakeng iyun gulo lang talaga ang dulot. Muntikan ko ng masampal ang babaeng iyun kung hindi lang ako nakapagtimpi. Akala naman niya ikamamatay niya kapag may umagaw sa bwusit na Zephyr na iyun at ako pa talaga ang nilapitan niya. Bakit inaagaw ko ba sa kaniya ang lalakeng 'yun? Magsama sila! Mga panira ng araw.
Maglalakad na muna ako hanggang sa hindi pa nag-uumpisa. Kailangan ko lang talagang magpahangin at pawalain ang inis ko. Dahil sa inis ko ay hindi ko na napansin pa ang aking dinadaanan ay natapilok ako. Naman bakit ang malas ko kaya ngayong araw na ito. Mabuti na lang at napaupo lang ako. Wala naman akong naramdamang kahit na galos. Napatingin naman ko sa suot kong sandal at nakitang naputol ang takong nito.
Sinubukan kong tumayo at dahil sa isa lamang ang suot kong sandal ay hindi ko na nakontrol ang aking katawan. Napapikit ako at hinihintay na bumagsak ang aking katawan nang maramdaman kong may humawak sa akin. Napamulat ako ng aking mata at nang makita ko kung sino ang taong sumalo sa akin ay bigla ko umalis sa pagkakahawak niya. Lumayo ako sa kaniya at itinuro siya.
"Ikaw! Huwag kang lalapit sa akin!" sigaw ko sa kaniya. Nagsalubong naman ang kaniyang ma kilay.
"Ano na naman ba ang nagawa ko at ang sungit-sungit mo? Ako na lang itong tumulong ako pa ang sinusungitan mo," bulong niya sa huli niyang sinabi pero kahit na ganoon ay malinaw ko pa rin itong narinig.
"Pwede ba layuan mo na lang ako. Ano bang intensiyon mo sa akin at ako ang nilalapitan mo?!"
"Do you want to know? Fine, I like you, Esmae. When I first saw you I know that I like you."
Napaawang ang aking bibig. A—ano? Gu-gusto niya ako? Seryoso ba siya? Bakit parang ang bilis naman yata. Hindi...hindi ito maaari.
Lumayo ako sa kaniya at tangka siyang lalapit sa akin peri iniharang ko ang aking kamay para pigilan siya. Muntikan pa akong ma out of balance ngunit na nakontrol ko ang aking sarili.
"Diyan ka lang. Huwag kang lalapit sa akin, please lang," Bago pa siyang muling makapagsalita ay mabilis na akong naglakad papaalis.
Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Siya may gusto sa akin? Hindi dapat. Kailangang ipagsawalang bahala niya ang nararamdaman niya para sa akin dahil hindi ko masusuklian iyun.
Nagmamadali akong pumunta sa aking kuwarto. Binuksan ko ang pinto at pumasok sa loob. Huminga naman ako ng malalim at napahawak sa aking dibdib.
I like you, Esmae
"Stop it, Esmae. Huwag kang magpaapekto sa sinabi ng lalakeng iyun," pagkakausap ko sa aking sarili. Pumunta ako sa aking kama at ibinagsak ang aking sarili dito. Paulit-ulit pa ring sumasagi sa aking isipan ang sinabi niya at para bang nanatili lamang sa ito sa aking isip. Bakit ba ganito na lang ang epekto ng lalakeng iyun sa akin.
Napaupo ako sa aking kama at may bumukas ng pintuan ng aking kuwarto.
"Samantha, anong ginagawa mo dito?" Pumasok siya at lumapit sa akin.
"Kanina pa kita hinahanap pero nandito ka pa rin. Hindi ka pa rin ba bumababa?" tanong niya. Napatingin naman siya sa aking damit.
"Bakit ang dumi ng suot mo?" takhang tanong niya.
"Lumabas na ako kanina pero...may nangyari lang," sagot ko.
"Nangyari? Ano?"
Paano ko ba sasabihin sa kaniya?
"Ahh ano kasi..."
"Huwag mo na nga akong bitinin, Esmae. Sige na sabihin mo na," naiinip niyang sabi.
"Nag tapat si Zephyr ng nararamdaman niya sa akin. Sinabi niyang gusto niya ako," paliwanag ko. Nanlalaki naman ang kaniyang mga mata at laki ang ngiti.
"Really?! See, tama nga ako na may gusto siya sayo. Ano? Anong sinabi mo sa kaniya?" nagmamadali niyang tanong. Sobrang saya niya, ah.
"Sinabi kong lumayo siya sa akin," tugon ko.
"Ano?! Bakit mo naman sinabi 'yun?"
"Anong gusto mong sabihin ko, na gusto ko rin siya. Samantha naman, hindi ko pa siya gaanong kakilala tulad niyo at wala akong gusto sa kaniya," sabi ko. 'Yun ang totoo. Baka naman nagkakamali lang siya sa feelings niya para sa akin.
"Wala bang chance?"
"Wa—wala. Basta ayoko!" sagot ko.
"Ayaw mo o takot kang subukan muli? Takot ka dahil hindi ka sure kung mamahalin ka talaga niya o baka saktan ka lang niya," sabi niya.
Napayuko naman ako. Natamaan ako dahil sa sinabi niya. Inaamin kong may takot akong mahulog muli sa isang lalake. Ayaw ko na muling masaktan pa kaya mahirap na ring maniwala at umasa.
"Hindi mo ako masisisi, Samantha. You know what I'm feeling now," sabi ko.
"Yeah," tugon niya at umupo sa aking tabi.
"Ganito na lang, lapitan mo ulit siya then kausapin mo. Tell him na hindi ka pa handa at kapag sinabi niyang handa siyang maghintay and its your turn to allow your self to know him more. Is that okay for you. Trust me Esmae, he is very nice guy." Napaisip ako dahil sa sinabi niya. Napatingin naman ako sa kaniya nang tumayo siya.
"Pag-isipan mo ang sinabi ko sayo. Sige maiiwan na kita tsaka nga pala mag palit ka na rin ng dress mo para maka punta ka na sa ibaba," nakangiti niyang sabi bago siya lumabas ng kuwarto.
Huminga ako ng malalim at pinag-iisipan ang kaniyang sinabi. Kung gusto kong mawala ang takot sa aking sarili, siguro ito na ang time para subukan kong magtiwala muli. Ayaw ko naman na mabaon sa takot na ito.
Tumayo na ako dahil nakapag decide na ako. Napatingin naman ako sa aking dress. Kailangan ko pa palang mag palit. Pumasok na ako sa banyo para makapagpalit na.